CHAPTER 58

70 4 0
                                    

          "Nung last June 2018, gabi bago ang first day of class nanaginip ako na nasa isang malawak akong sakahan. Para akong nasa lumang panahon n'un kasi luma tignan 'yung style ng mga bahay. Naglakad-lakad ako tapos nakita ko 'yung babaeng 'yun sa sakahan, umiiyak siya habang nababasa siya ng ulan. May tumawag sa kaniyang babae, nalaman kong Angelita ang pangalan niya.

May hawak siyang pugot na ulo nun at sinabi niyang asawa niya 'yun. Sinabi niya na maghihiganti siya sa lahat ng gumawa nun sa asawa niya."

Napamaang si Rico, "Ano naman ang kinalaman mo d'un Janine? Bakit pati ikaw pinaghihigantihan niya?"

"Yun ang hindi ko alam. Anong kinalaman ko kay Angelita? Bakit parang konektado siya sakin? Hindi kaya past life ko si Angelita? Pero ang layo rin. Ang hirap. May nagpapakita nga sakin pero hindi ko naman alam kung ano 'yung dahilan. Bakit gusto ni Angelita na iligtas ang sarili ko? Wala naman akong nakaaway eversince."

Napabuntong hininga si Rico sa mga naikwento ni Janine. Maging siya ay naguluhan rin.

"Ganito nalang, kapag nagpakita ulit siya sayo, tanungin mo siya ulit para malinaw na ang lahat."

"Sana lang makita ko siya ulit Rico. Sana masagot niya lahat ng mga tanong ko. Ang hirap na parang nagiguessing game tayo."

Sinapo ng binata ang kaniyang noo. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at sinubukang contact-in si Carlos ngunit hindi ito sumasagot.

"Si Carlos ba 'yan Rico?" Agad na napatango ang binata bilang tugon.

"Walang sumasagot Janine. Ano na kayang meron sa kanila." Napahinto siya at hinarap si Janine, "Bakit hindi mo kaya tawagan si Diana? Baka magkasama sila ngayon."

Sinunod ni Janine si Rico. Idinial niya ang numero ng kaibigan ngunit wala ring sumasagot dahil doon ay nag-alala nanaman siya.

"Rico, baka may hindi magandang nangyari."

Ipilinig ng binata ang kaniyang ulo, "Wag kang mag-iisip ng ganyan. Baka busy lang."

Napahinto silang dalawa nang bumukas ang pinto ng bahay nila Janine. Nakakunot ang noo ng kaniyang Ina na pumasok sa kanilang bahay  at tumingin sa kanilang dalawa.

"May bisita tayo." Saad ng Ina at sumunod dito ang isang matandang lalaki.

"F-father Jeremiah?" Bahagya siyang napangiti nang makita ang matandang lalaki na matagal na niyang hindi nakikita.

"B-bakit po kayo nandito? Kamusta napo kayo?" Agad siyang napatayo at niyakap ang matanda.

"Janine kailangan na nating magmadali!" Biglang saad ng padre.

Napakunot ang noo ng lahat, "Janine ano ba talagang nangyayari? Bakit hindi ko alam?" Naguguluhan na rin si Dennise sa mga nangyayari dahil nalaman nitong sunod-sunod na namamatay ang mga kaibigan ng kaniyang anak.

"Mahabang storya Dennise. Nandirito ako ngayon Janine para tumulong malutas ang suliranin mo."

Nagkatinginan si Janine at Rico dahil kung magsalita ang Padre ay parang may alam ito sa mga nangyayari.

"Janine, hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Naglilihim ba kayo saakin?" Sunod pang tanong ni Dennise.

Umupo ang padre sa kaharap ng sofa-ng kinauupuan nila Janine at Rico. Inilapag nito ang mga gamit sa sahig at taimtim na tumingin sa dalaga.

"Janine hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nalaman kong sinumpa pala ang angkan niyo."

Naglakihan ang kanilang mga mata, "Ano!?"

"Sinumpa ang angkan niyo Janine at kasama ka sa sumpang iyon dahil ikaw ang panganay na anak sa ikaapat na saling-lahi ng angkan niyo."

Hindi makapaniwala si Rico sa kaniyang mga narinig sa Padreng kaharap. Totoo nga ang sinasabi saakin ni Janine na may kinalaman nga talaga siya sa mga nangyayari.

"P-paano niyo po nalaman Father?" Tanong ni Janine.

"May babaeng nangngangalang Angelita ang nagpapakita sa mga panaginip ko."

Nagulat si Rico, "Janine kaparehas 'yung pangalan nun sa napapanaginipan mong babae."

Natameme lang sa gilid si Dennise. Maging siya ay hindi rin makapaniwala. Sa tinagal-tagal niyang kasama sila Janine ay ngayon niya lang nalaman ang sikreto ng pamilya ni Janine. Kaya naman pala parang may malaking malas sa pamilya nila dahil namatay ang mga magulang nila Janine pati ang tita nito sa maikling panahon.

"Akala ko lahat ng panaginip ko hindi totoo. Pero pinatunayan saakin 'yun ni Angelita. Humingi rin ako ng tanda sa Diyos at may mga tandang dumating. Naghanap ako ng mga impormasyon sa Internet at akala ko wala akong mahahanap. Akala ko haka-haka lang o alamat lang ang tungkol sa nakakakilabot na lugar sa Leyte na Hacienda y Tolentino's pero totoo pala 'yun."

Agad na nagtipa si Rico sa laptop. Isinearch niya ang nasabing lugar at mayroon ngang mga resulta. Pinindot niya ang link ng unang lumabas at nagsilabasan doon ang mga litrato at ilang impormasyon tungkol sa lugar.

Tumingin ang lahat sa monitor ng laptop at inisa-isa nila ang mga impormasyon na nakasaad doon.

"The true story of Tolentinos. Ang Hacienda y Tolentino's ay pag-aari ng angkan ng mga Tolentino. Hekta-hektarya ang mga lupain na pagmamay-ari nila Josefino Tolentino Sr. At Maria Versosa Tolentino. Kilala ang mga Tolentino dahil sa kanilang yaman at naging gobernador din doon si Josefino Sr.

Ang kanilang hacienda ay kilala sa pagiging malawak at maganda. Masigla at maraming mga pananim. Mayroon silang dalawang anak na parehas na lalaki. Si Josefino Tolentino Jr. at Vicente Tolentino. Ang kwento sa pamilyang iyon ay nagkaroon ng alitan ang kanilang anak dahil sa yaman ng kanilang mga magulang. Sinasabing pinatay ng kanilang bunsong anak si Josefino Jr."

Mariing napapikit si Janine, "Kung kasama ako sa angkan ng Tolentino, ibig sabihin kamag-anak ko sila? Ibig sabihin mayayaman ang mga ninuno ko? Pano nangyari 'yun? Hindi ako makapaniwala. Tapos 'yung kwento ni Angelita sa panaginip ko, akma dun sa article. So totoo talaga 'yung mga napapanaginipan ko?"

"Oo Janine. Ang hirap paniwalaan minsan. Si Angelita kasi, sa sobrang hinanakit niya, nagawa niyang mangkulam at sumanib sa masama para makuha ang hustisya para sa kaniyang asawa. Nilamon na siya ng galit at hindi siya nakuntento kaya pati ang paparating na salin lahi ni Vicente ay sinumpa niya na rin."

Hinawakan ni Rico ang kaniyang kamay, "Masyado naman palang komplikado ang mga nangyayari Janine."

"Naghirap ang mga sumunod na pamilya. Ang pamilya ni Esmeralda—na anak nila Vicente hanggang sa ngayon Janine."

"Kaya naman pala namatay rin ang mga magulang ni Janine, Father dahil kasama sila sa sumpa. Si Rosalinda namatay dahil sa tuberculosis pero nakapagtataka dahil mukha naman siyang healthy tignan pero nagkaroon bigla ng tuberculosis. Kaya naman pala."

"Nung nalaman ko ang totoo agad akong lumuwas papunta dito sa Maynila. Ang dami kong pinagdaanang pasubok dahil parang may pumipigil saakin na gawin 'to." Hinubad ng pari ang suot na salamin at saglit na kinusot ang mata.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon