CHAPTER 15

86 8 0
                                    

"Game ako dyan! Magpapaalam na ako agad kila Mama at Papa kahit maaga pa para payagan na nila akong agad. Strict pa naman mga parents ko." Sabi ni Diana.

"Hoy Janine, magdala ka narin ng mga drinks para may thrill." Suhestiyon ni Kurt.

"Hindi ko alam kung papayagan ako ni Tita kapag magdadala ako ng alak." Nag aalangang saad ni Janine. Hindi naman kasi siya sanay sa mga ganitong bagay at ayaw niya rin sa mga ganito.

"Tsk! Ako na ang bahala sa drinks. Baka mamaya hindi pa makasama si Janine sa kagagawan mo Kurt." Pagpiprisinta ni Rico. Kararating lang din nito. Halatang galing sa paglalaro ng basketball dahil nakasuot ito ng jersey shirt, pawis na pawis at may dala pang bola.

"Sana lahat may superman noh? 'Yung lagi kang sasagipin?" Napanguso si Reymundo.

Agad namang napangiwi si Janine, "Superman mo mukha mo! Sige ako na ang bahala sa drinks." Napilitan siya dahil ayaw niya naman na saluhin nanaman siya ni Rico.

"Ako na. Tutal pinapayagan naman ako ni Mama." Pagpupumilit ng binata.

"Ikaw bahala."

"Alam niyo, kumpleto sana tayong lahat ngayon kung nandito lang si Carlos at Mika? Nasaan ba ang dalawang kumag na 'yun?" Pag iiba ni Reymundo sa usapan.

Napatahimik naman ang tatlo. Si Kurt, Abigail at Diana. Nagsibalikan sila sa kanilang pinagkakaabalahan kanina.

"Oo nga? Nasaan ba ang dalawang 'yun? Kurt," napatingin si Rico sa kaibigan "alam mo ba kung nasaan sila?"

"Huh? Mukha ba akong tanungan ng nawawala? Pake ko kay Mika? Este sa kanilang dalawa?" Hindi makatingin ng diretso si Kurt sa mga kaibigan.

"Hindi din namin alam." Sabay sabay na saad nila Janine, Diana at Abigail.

"Ayun pala oh! Hoy mga baklita! Makimeeting kayo dito!" Tawag ni Reymundo nang makita ang dalawang wala.

Napatayong agad si Kurt nang maaninag ang papalapit na Mika. "A-ah! Mauna na ako. May gagawin pa ako. Sige salamat!" Nagmamadali itong umalis ngunit pinigilan siya ni Rico.

"Ano ba 'yan pare! Minsan na nga lang tayong maging kumpleto aalis kapa. Masyado bang importante 'yang gagawin mo?"

"O-oo e! Please pare, may gagawin pa talaga ako. Sorry."

Walang ibang nagawa si Rico kaya hinayaan niya nalang si Kurt na umalis. "San ka pupunta?" Biglang nagsalita si Carlos na ikinagulat ng lahat.

Napakamot si Kurt sa kaniyang ulo. Sinenyasan niya ang kaibigan na payagan na siyang umalis ngunit hindi siya nito pinakinggan.

Unti unting umusbong ang kaba sa dibdib ni Kurt. Ayaw niya talagang makaharap ang dalaga at ayaw niya rin itong makita kahit sa malayo.

Hindi na siya nakapagsalita pa nang hilahin siya ni Carlos pabalik sa kinauupuang bench ng magkakaibigan. Napatawa ang lahat dahil mukha siyang bata na kinakaladkad ng isang tatay.

"Wag kang aalis." Maawtoridad na saad ni Carlos. Nag igting ang panga ni Kurt. Wala na siyang nagawa kundi ang umupo nalang.

"Anong pagmemeetingan?" Hindi makaimik sila Janine. Hindi parin makapaniwala ang magkakaibigan nang magsalita si Carlos.

"Wow, pare! Ngayon lang kita nakitang magsalita sa harap nila Janine. Anong nakain mo? Anyare?" Natatawa ngunit nabibilib na saad ni Rico sa kaibigan.

"Ang gwapo ni Papi Carlos ngayon ah? Inpiyernes!" Ngingiting ngiting saad ni Reymundo.

Napabuntong hininga si Carlos at hinila ang papaalis sanang dalawa. "Mika! Kurt!" Tawag ni Janine sa kanila.

Nagtagpo ang tingin nilang dalawa. Parehas nilang sinamaan ng tingin ang isa't isa at parehas rin silang umirap sa kawalan.

"Mas okay nang ganyan si Carlos, hindi 'yung laging mas malamig pa kaysa sa yelo. Hayaan niyo nalang siya sa kung anong trip niya." Saad ni Janine.

"Agree ako dyan Teh! Tignan mo, ang aliwalas ng mukha ni Papi Carlos! Pak lavern!"

"Discuss niyo na, kating kati na 'tong dalawa na umalis."

Napatingin ang lahat kina Mika at Kurt na parehas na iwas na iwas sa isa't isa. Magtagpo lang ang kanilang mga paningin ay agad silang nagsasamaan ng tingin.

"Teka nga! Ano bang meron sa inyong dalawa ha?" Takang tanong ni Abigail, "Sanay na kami sa pagpapatayan niyo ng tingin pero ang mag iwasan? Hindi e, ano bang nangyari ha?"

Walang umimik sa kanilang dalawa at panay parin ang pag iwas sa isa't isa.

"May something na siguro sa dalawang 'to? Hindi lang siguro natin alam. Is it true Papi Kurt? Nakakaselos ha?"

"Huh? Wala noh?" Nagulat ang lahat nang magsabay sila sa pagsagot—si Mika at kurt, "As in wala! Never 'yun mangyayari!" Sabay na sabay nilang dugtong.

"Ay! Alam ko'to! Napapanood ko 'to e! Madalas 'to sa mga drama kapag nagkakailangan 'yung dalawang pipol." Napatayo sa kilig si Reymundo.

"Oo nga noh? Omg! 'Yung parang may nangyari tapos pagkatapos nung situation na 'yun naging awkward na silang dalawa kaya ayun! Nagkailangan! Alam ko rin 'to bakla! Madalas ko 'tong mapanuod sa korean dramas!" Napatayo rin si Diana at ngiting ngiting nakipag apiran sa bakla.

"So ibig sabihin, may nangyari kila Kurt kaya naging awkward sila sa isa't isa kaya sila nag iiwasan!? Omg!" Maging si Abigail rin ay napatayo na at kilig na kilig na rin.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon