***
"Carlos, I want to be true to my feelings, I want to tell you the truth habang maaga pa. Carlos, I'll be frank to you," napahinto ng ilang saglit si Abigail sa pagsasalita.
Nakasandal sa pader ang likod ni Carlos. Magkaharap sila ngayon ng dalaga habang seryosong nakatingin sa isa't isa.
Kanina lamang ay masaya pa si Carlos ngunit nang humantong sila sa puntong ito ay unti unting nabuo ang kaba sa kaniyang dibdib. Parang napag aalaman na niyang may hindi magandang mangyayari sa pag uusap nilang ito.
"What's the truth? Ano bang gusto mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong.
Saglit na napabuntong hininga si Abigail, "I don't like you. Hindi kita gusto, I don't have any feelings for you. So please, stop courting me. Nagsasayang ka lang ng panahon saakin."
Napatayo ng tuwid ang binata, "Yeah, I know. Hindi ako manhid para hindi ko malaman 'yun." Bumalik nanaman ang pagkacold nito.
"Why didn't you stop? Alam mo naman pala?"
"Because this is what I want. To be with you. I like you and I love you, you know that."
"Sorry, Carlos. I'm sorry."
"You don't have to feel sorry. It's all my fault. Dapat hindi na kita pinilit na sumama saakin. Nagmumukha tuloy akong kaawa awa ngayon. I'm sorry rin. Thank you for being honest."
Masakit man sa pakiramdam ngunit tinanggap ni Carlos ang katotohanan. Sa una palang ay alam niyang wala itong gusto sa kaniya. Pinilit niyang gawin ang lahat para makuha ang pagmamahal na hindi niya pa nakukuha sa tanang buhay niya.
Naglakad papalayo si Abigail. Wala itong nararamdamang kahit na ano maliban sa guilt. Nagi-guilty siya sa kaniyang inamin sa binata at the same time ay nakahinga narin siya ng maluwag.
Atleast ay nakalaya na siya sa ganoong sitwasyon at nasabi niya na rin ang kaniyang tunay na nararamdaman para sa binata.
Napasinghap ng ilang beses si Carlos. Ayaw niyang lumuha ngunit hindi na niya ito mapigilan. Life isn't fair, may mga bagay talaga na kahit anong gawin natin, hindi natin makukuha.
"At ngayong wala kana... Hindi alam kung san magsisimula... Ang ngayon, bukas at kailanman nag iba... Wala pa bukas..."
Mahigpit niyang hinawakan ang mikropono habang patuloy na kumakanta. Ilang beses siyang napapayuko. Hanggang ngayon ay nasasaktan parin siya sa mga sinabi ni Abigail sa kaniya.
Kasalukuyan silang nasa entablado ng bar kung saan sila nagi-Gig kasama ang kaniyang mga kabanda. Siya ang main vocalist sa gabing ito dahil ipinrisinta niya kaniyang sarili.
Gusto niyang ilabas ang lahat ng hinanakit at sama ng loob na kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagkanta.
Alam niyang mahahantong siya sa ganitong pangyayari. Una palang ay pinilit na niyang baka mahalin rin siya ni Abigail ngunit malabo naman itong mangyari.
"Wala na... Wala na... Wala na... At ngayong wala kana, hindi alam kung san magsisimula... Ang ngayon, bukas, at kailanman nag iba..."
Lango na sa alak si Diana ngunit nagpupumilit parin siyang ubusin ang isa pang bote ng alak. Mag isa siyang umiinom ngayon sa bar kung saan madalas niyang puntahan kapag nag iisa siya.
"Kailangan ko na sigurong tanggapin na wala talaga akong pag asa sa kanya." Wala sa sariling napatawa siya, "Asa pa ako, ni tignan nga hindi niya magawa, mahalin pa kaya."
Nilagok niyang muli ang bote. Malapit na itong maubos kaya humingi pa siya ng isa pang bote sa bartender.
"Ma'am, baka hindi niyo na kayanin. Wag na po kayong uminom." Suway ng binatang bartender.
"Wag mo kong pigilan. Minsan na nga lang akong maging masaya may pumipigil pa." Napairap siya sa kawalan.
Napapasuray suray na ang kaniyang ulo. Pakiramdam niya'y bumibigat na ang kaniyang ulo dahil sa dami ng alak na kaniyang nainom at habang tumatagal ay lumalakas na rin ang kaniyang tama.
"Hindi ko ito ibibigay sa inyo Ma'am. Lasing kana. Mamaya kung ano pang mangyari sa inyo."
"Ano ba!?" Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan at inis na hinarap ang bartender, "Walang makakapigil saakin!" Napatingin ang lahat ng naroon nang siya'y sumigaw.
Napabuntong hininga ang bartender. Wala na siyang nagawa kaya naman binigay niya na lang ang isang bote ng alak para matahimik na si Diana.
Napakamot ito sa kaniyang ulo. Gusto nitong pigilan sa pag inom ang customer ngunit matigas ang ulo nito.
Natapos nang kumanta at tumugtog ang banda nila Carlos. Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Nagsipagkawayan muna sila bago tumungo sa backstage.
Hindi na makontrol pa ni Diana ang kaniyang sarili kaya naman napatumba na siya sa kaniyang kinaroroonan. Imbes na mapaaray ay tumawa pa ito.
"Tanga mo talaga Diana!" Natatawang bulong niya sa sarili.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko e!" Napakamot muli sa ulo ang bartender saka tinulungan ang dalaga na makaupong muli.
"Nako! Sino kaya ang pwedeng contact-in? Hindi ko naman kilala 'to." Namomroblemang saad nito.
"Ako na ang bahala sa kaniya." Saad ni Carlos habang papalapit kina Diana. Nanliwanag agad ang mukha ng bartender. Akala niya ay wala ng sasagip sa kaniya sa ganoong sitwasyon.
"Buti nalang nandito kayo Sir Carlos! Kilala niyo po ba itong babae na ito? Lasing na lasing napo at mukhang nag iisa lang."
"Oo kilala ko siya." Napatingin si Carlos sa nakaupong si Diana. Pikit na ang mga mata nito at halatang lango na sa alak.
"Salamat Sir!"
"Ako na ang bahala. Magkaibigan kami nitong si Diana. Hindi ko ba alam sa babaeng 'to. Mag isa nanaman. Hindi man lang ako niyaya." Pagsisinungaling niya.
"Kaya nga po e. Tapos, kanina, panay sabi siyang magsasaya siya pero hindi naman siya tunay na masaya. Mukhang broken hearted ata Sir."
Napangisi si Carlos, "Sira talaga 'tong babaeng 'to. Sige mauna na kami." Saad niya saka binuhat ang lasing na dalaga in a bridal way.
Medyo namalayan si Diana. "Sino ka? Bakit mo ako binubuhat!?" Nakapikit na saad niya. Hindi sumagot si Carlos. Nanatili itong tahimik habang bitbit ang dalagang si Diana.
"Infairness ha, ang bango bango mo." Natawa si Diana sa sariling sinabi. Hinayaan lang siya ni Carlos sa kaniyang pagsinghot singhot sa binata.
"Oh pare!? Napapansin ko napapadalas ang pagsama mo sa mga babae ah? Nagiging babaero kana ba?" Biro ng mga kabanda nang madaanan siya ng mga ito.
"Tsk! Ihahatid ko lang 'to. Masyado kayo!" Irita niyang saad. Sa katunayan ay napipilitan lang siyang gawin ito. Kung hindi lang siya kaibigan nila Janine ay hindi niya naman ito gagawin.
Napadilat ng kaunti si Diana at naaninag niya ang mukha ni Carlos, "I-ikaw ba talaga si Carlos?"
***
A/N: Hey! Wag kayong magpakasilent reader, magvote at magcomment naman kayo para kahit papaano maramdaman ko ang presensya niyo❤️ Maraming salamat! God bless! Sinong bet niyong loveteam? #JanineRico #DianaCarlos #MikaKurt ??? Comment niyo na mga tih!
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...