Pinauwi na ni Janine si Rico upang makapagpahinga na ito sa sariling bahay. Napagdesisyunan niyang sa susunod na araw nalang muli silang mag-usap ng kaniyang Ina.
"Maraming salamat sa Diyos anak dahil hindi ka nasaktan. Simula ngayon ayoko ng naglilihim ka saakin Janine. Mas lalo akong mag aalala kapag hindi ka nagsasabi ng totoo."
"Opo ma." Niyakap ni Janine ang nag-aalalang Ina tsaka tumungo paakyat ngunit pinigilan siya ng kaniyang Ina.
Naalala ni Dennise na may kailangan siyang sabihin sa anak, "Janine," sandali siyang nagdalawang isip kung tama bang sabihin niya sa anak ang nangyari sa tita nito.
"Ano po 'yun ma?"
Dennise took a deep breath, "May dapat ka palang malaman tungkol sa tita Theresa mo."
Napahinto si Janine at lumakad papalapit sa Ina, "Tita Theresa? Yung kapatid po ba 'yun ni Mama?"
Napatango siya, "Wag kang mabibigla anak sa sasabihin ko ha? Pero Janine nabalitaan kong namatay na siya."
Nanigas si Janine sa kaniyang kinatatayuan, "A-ano po?"
"Pasensya na anak kung ngayon ko lang nasabi sayo. Ayokong mabahala ka dun sa Batangas."
"Ano pong sabi mo ma?" Napahinto rin si John Ronald sa paglalakad. Kakagaling lang nito sa kaniyang kwarto at narinig niya kung ano ang sinabi ng kanilang Ina.
"Ronald, si Tita Theresa mo ang napanuod kong babae na naaksidente sa balita sa cellphone mo. Wala na ang tita niyo mga anak." Napapasinghap na dugtong ng kanilang Ina.
Imbes na malungkot ay napangisi si Ronald, "Okay lang pinabayaan niya naman kami dati," Nabigla si Dennise at Janine sa isinaad na iyon ni Ronald.
"Ronald wag ka ngang magsasabi ng ganyan. Kahit iniwan tayo ni tita dati, tita parin natin siya. Kapatid siya ni Mama." Pagdidipensa ni Janine.
Babalik sanang muli si Ronald sa kaniyang kwarto ngunit muli siyang humarap sa kapatid at Ina, "Bakit ate, nagpakatita ba siya dati saatin? Ate alam na alam ko kung paano niya tayo iwan bago mamatay si Mama kahit bata palang ako. Alam na alam ko kung anong nangyayari. Naiintindihan ko Ate!"
"Siya lang dapat natin lalapitan nun pero nasan siya? Diba wala! Kaya okay lang saakin kahit mawala pa siya kasi kahit kailan hindi ko naman nadama na tita natin siya." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay padabog itong naglakad patungo sa kaniyang kwarto.
"Ronald masama 'yan sinasabi mo! Hindi kita pinalaki ng ganyan para lang mambastos. Hindi kita kinupkop para ipamukha sa tita mo na hindi siya naging tita sa inyo. Dahil dyan sa sinasabi mo magmumukha akong masama, na pinalaki ko kayong may sama ng loob sa tita ninyo!"
Alalang lumapit si Janine sa kanilang Ina, "Ma, hayaan muna natin si Ronald. Siguro mas naapektuhan siya sa pag-alis dati ni Tita Theresa. Pero Ma," huminto si Janine sa pagsasalita.
"Hindi ko na ulit nakita si Tita simula nung umalis siya. Wala akong idea kung ano ng itsura niya ngayon at kung bakit umalis siya. Ma, may alam kaba?"
Ipinilig ni Dennise ang kaniyang ulo at pinahid ang kaunting luha sa gilid ng mata, "Hindi ko alam anak kung bakit niya naisapang layuan kayo. Wala rin akong idea pero anak pumunta siya dito nung nakaraan ng makaalis ka dito sa bahay, hindi ko alam kung bakit madaling madali siya nun, sinabihan niya rin akong dapat tayong mag-iingat. Hindi ko naiintidihan kung ano ang nangyayari anak. Bago siya umalis nagbigay siya ng calling card saakin nung araw din 'yun siya namatay."
Napamaang si Janine, "Diba may napanuod mo 'yung balita tungkol kay Tita? Sang page mo siya napanuod. Gusto kong malaman kung ano na ang itsura ni Tita."
"Pahiram ako ng cellphone anak." Agad na inabot ni Janine ang kaniyang cellphone sa Ina.
Isinearch nito ang page at nakita nitong agad ang video ng balitang kaniyang napanuod, "ito anak. Hindi ko alam kung binurol ba siya. Gusto ko siyang puntahan."
Ipinindot ni Janine ang buton at napanuod niya ang balita.
"Ayon sa mga pulisya kinikila ang biktima sa pangalang Theresa Monteclaro. Isang propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas."
Nanlaki ang kaniyang mata sa napanuod, "Ma, siya pala si Tita Theresa? Ma, lagi ko siyang nakikita sa UST at siya rin 'yung teacher na nabangga ko last september or august."
"Sorry anak kung wala akong mapakitang picture sayo. Wala talaga akong larawan ng tita mo."
"Kaya naman pala ang gaan ng loob ko sa kaniya at napansin kong magkahawig sila ni Mama." Naawa si Janine sa sinapit ng kaniyang tita Theresa.
"Ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita kayong muli ng tita mo pero agad rin siyang kinuha ng Diyos."
Bahagyang napaluha si Janine, "Hindi ko man lang siya nakausap ng matagal, malaman ko man lang kung bakit siya umalis. Wala akong galit kay Tita pero marami akong gustong malaman sa kaniya."
Hinaplos ni Dennise ang likod ng anak, "Kaya nga anak. Gusto ko rin siyang makausap ng matagal pero panandalian lang 'yung naging pag-uusap namin," pilit nitong nginitian ang anak.
"Anak, magpahinga ka muna sa kwarto mo. Alam kong napagod ka sa biyahe. Wag kang mag-alala. Dadalawin natin ang tita mo."
Tumango si Janine at pinunas ang luhang nangilid sa kaniyang mata. Nagtungo na siya sa kaniyang kwarto ngunit imbes na makatulog sa pagod ay dilat na dilat parin ang kaniyang mga mata dahil marami ang katanungan na bumabagabag sa kaniyang isipan.
Bakit pinili niyang magpakalayo-layo? Bakit niya kami iniwan? Anong dahilan niya? Tapos pumunta pa siya dito nung wala ako para sabihin na mag-iingat kami.
Anong meron? Ano ba talagang nangyayari? Bakit siya namatay? Bakit sinagasaan siya ng nakasasakyan? Intensyunal ang pagkakasagasa sa kaniya pero anong dahilan?
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...