Ngiting ngiti si Carlos habang walang sawang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Diana. Isinandal niya ang ulo ni Diana sa kaniyang balikat at sinalpakan ang kanang tainga nito ng earphone.
Sorry sa pagiging cold ko. Kung alam mo lang sana Diana ang buong kwento, hindi na tayo naghihirap ng ganito.
Napabuntong hininga siya. Ito na ang second chance, kailangan ko nang magpakatapang. Umidlip narin siya habang nakasandal sa ulo ng dalaga.
"After 3000 years, sa wakas nakarating na rin tayo!" Una ng bumababa sila Abi at Reymundo. Si Abi ang bukod tanging hindi natulog sa buong biyahe. Sanay na kasi ito sa mga ganitong kaganapan.
Naalimpungatan si Mika sa sigaw na iyon ni Reymundo. Nalaman niyang yakap yakap niya pala ang nobyo habang sila'y natutulog. Napangiti siya at hinalikan ito sa labi.
"Pst! Gising na." Alam niya kasing nagtatampo nanaman sa kaniya si Kurt.
"Isa pa nga." Birong saad ni Kurt. Nagising na rin ito dahil sa naramdaman niya ang halik ng nobya. Parehas silang napangiti. Pinagbigyan siya ni Mika sa kaniyang gusto saka sila bumaba sa sinasakyang Van.
"Ay iba! Mukhang out of place tayo sa mga taong ito Abi. Couples every where! Nakakaloka!" Ngiwing saad ni Reymundo nang makita ang dalawa na magkaholding hands habang bumababa sa Van.
"Kaya nga e. Look, pati sa loob ng Van puro couple." Kunway nadismayang saad ni Abi habang tinitignan ang mga magkakaparehas sa loob ng Van.
Natawa lang sila Mika at Kurt. Nagtulungan sila sa pagbaba ng mga bagahe.
"Ahm... Diana, nandito na tayo." Paggising ni Carlos sa natutulog na Diana.
Nagulat si Diana nang makitang nakatingin sa kaniya si Carlos. Masyado pang magkalapit ang kanilang mga mukha kaya nakaramdam siya ng pagkailang.
Pilit niya itong nginitian. Chineck muna niya ang kaniyang sarili kung may laway bang nangilid sa kaniyang bibig at nang makasiguro ay agad siyang bumaba sa sasakyan.
"Nays, nagising rin. Ang sweet niyong dalawa pag tulog." Kantyaw ni Abi kay Diana.
"Tsk. Di ah!?"
"Bakla! Gisingin mo na 'yang dalawa oh! Mga lovebirds nga naman." Nakangising utos ni Reymundo kay Abi.
"Shh... ako bahala." Kinindatan niya ang kaibigan saka muling bumalik sa loob ng nakaparadang sasakyan.
Si Janine at Rico nalang ang nasa loob ng sasakyan samantalang ang lahat ay nasa labas na at excited na pumasok sa resthouse ng pamilya nila Abi.
Ngumisi si Abi sa sariling naisip. Maingat niyang inangat ang braso ni Rico papayakap kay Janine ngunit nabigo ang kaniyang plano nang maramdaman ni Janine na may dumagan sa kaniya.
Naabutan niya si Abi na nakatayo sa kanilang harapan. Sinamaan niya ito ng tingin, "Loko loko ka talaga noh? At ano pang binabalak mo ha?"
"Hehe... Sorry agad bessy!" Tumakbo ito papalabas ng sasakyan.
Napalingon siya sa kaniyang katabi. Mahimbing ang tulog nito at halatang napagod. Tinanggal niya ang brasong nakadagan sa kaniya saka ginising ang binata sa pamamagitan ng pagtapik sa mukha nito.
"Aray ko naman!" Reklamo ni Rico.
Hindi na niya hinantay ang binata at nauna na siyang bumaba sa sasakyan saka kinuha ang kaniyang mga bagahe.
"So guys, welcome to Sanchez's resthouse!" Pagmamalaki ni Abi sa kanilang resthouse.
Namangha ang lahat sa ganda ng paligid. Hindi man ganun kamoderno ang disenyo ng bahay ngunit attractive parin ito sa paningin ng lahat. Mahahalata mo itong bahay bakasyunan dahil napakapreskong tignan ng buong paligid.
Maraming halaman at mga puno ng buko na nagsisilbing silong kapag tirik ang araw. Sementado ang entrance ng malamansyong bahay at may malaki pa itong fountain sa gitna na pinaliligiran ng mga magagandang bulaklak.
"Free na free kayong kumilos dito. Magtatagal tayo dito sa loob ng limang araw. Anyways, ito si Manang Emily, ang aming Mayor Doma," pagpapakilala ni Abi sa Mayor Doma. Nasa edad kwarenta na ito.
"Hello po! Mukhang marami rami nanaman akong maaalagaan!" Ngumiti ng matamis ang Mayor Doma.
"Hello po!" Pagbibigay galang ng magkakaibigan at isa-isang nagmano sa matanda.
"Mabait 'to si Manang Emily, halos 12 years na rin siyang naninilbihan dito. Parang naging Mama ko na rin siya. Ayun naman," tinuro niya ang matandang lalaki na nag aayos sa mga halaman, "Siya si Mang Tata, ang pinagkakatiwalaang hardinero dito."
"Magandang umaga po!" Sabay sabay nilang bati.
Nginitian sila ng hardinero saka ito bumalik sa pag aayos sa mga halaman.
"Hali na kayo. Ihahatid nanamin kayo sa magiging kwarto ninyo."
Sumunod sila kina Abi at Manang Emily papasok sa loob ng malamansyong bahay. Mas lalo pa silang namangha nang makita kung gaano kaganda ang loob ng bahay.
Maraming malalaking picture frame ang nakadikit sa mga pader. Maraming antique, may malaki at mamahaling chandelier ang bubungad papasok sa malaking double door ng bahay at sobrang kintab ng sahig.
"Ay oo nga pala, apat lang ang guests room dito. Yung tatlong kwarto sakto sa dalawang tao ang kasya at ang isa naman para sa isang tao lang."
"Sa tingin ko Amanda, bakla sayo na 'yung kwarto na pang isahang tao. The rest sa kanila na." Abi smirked.
"What the—!? Bakla! Ayoko ngang mag isa." Napamaywang si Reymundo saka umirap sa kawalan.
Diana raised her hand, "Ako nalang."
Kinunutan lang siya ng noo ni Abi, "Girl, listen to me. Si Amanda bakla ang matutulog sa kwartong 'yun."
"Ako nalang. Ok lang saakin saka alam mo naman ang mga parents ko, masyadong strict. Mas okay nang ako lang mag isa sa kwarto."
"Hindi parin. Tara na nga! Umakyat nalang muna tayo saka tayo magdedecide kung sino ang kasama niyo sa mga kwarto."
"Basta kami alam na." Pilyong saad ni Kurt habang nakatingin kay Mika. Inismiran lang siya ni Mika saka siniko siya sa kaniyang tagiliran.
Umakyat na sila sa taas kung nasaan ang anim na kwarto. Apat na guest room at dalawa pang kwarto, ang isa sa mga magulang ni Abi at ang isa naman ay para sa kaniya.
"Kung saan ko kayo pinuwesto dun na kayo. Wag choosy."
"Sige mauna na kami." Paalam ni Kurt sa mga kaibigan habang malawak ang ngisi.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...