CHAPTER 39

79 3 0
                                    

***

Nagulat si Father Jeremiah nang mapagtantong naglalakad siya sa isang napakalawak na sakahan. May hawak siyang isang payong dahil maulan at hindi niya alam kung paano iyon nangyari.

Habang naglalakad ay nakakita siya ng isang babaeng nakaputi sa dika-layuan. Naglakad siya ng mabilis para mapuntahan ang nasabing babae.

Laking gulat niya nang may hawak itong pugutang ulo, "Susko santisima! Anong nangyari dyan Ineng?"

Napatingin ito sa kaniya. Malungkot ang mukha nito at halatang lumuluha kahit pa na umuulan.

"Tulungan mopo ako Padre. Pinatay nila ang asawa ko. Gusto kong humanap ng hustisya."

Bahagyang nalungkot ang Padre at nag alala, "Bakit ganyan ang asawa mo? Bakit wala siyang katawan?"

"Pinatay po nila ang asawa ko Padre. Pinahirapan at pinatay nila ng walang kaawa awa. Gusto ko pong mahanap ang hustisya." Napahagulhol ito.

Nabahala ang Pari dahil wala siyang kaalam alam sa nangyayari at hindi niya alam kung papaano tutulungan ito.

"Patawarin niyo po ako Padre. Patawarin niyo po ako. Malaki ang naging kasalanan ko sa Diyos dahil sumanib ako sa kasamaan para ipaghiganti ang asawa ko."

Lumuhod ito sa kaniyang harapan at hinawakan nito ang kaniyang kamay kaya kinilabutan si Father Jeremiah.

"Patawarin niyo po ako Padre. Malaki ang naging kasalanan ko. Sinumpa ko ang pamilya nila Vicente at ngayon hindi ko na alam kung papaano pipigilin ang sumpa. Sana matulungan mo akong iligtas ang dalagang mamatay sa ikapat nilang henerasyon. Patawarin mopo ako. Patawarin sana ako ng Diyos."

Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng babae. Naguguluhan siya sa mga sinasabi nito. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito at kung sino ang tinutukoy nitong dalagang babae sa ikaapat nilang henerasyon.

"Mabigat na kasalanan ang iyong nagawa Ineng. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong maitutulong ngunit tutulungan kitang ipagdasal ang mga nagawa mong kasalanan."

"Maraming salamat po Padre ngunit nawa po'y matulungan niyo akong pigilin ang sumpa. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko..." Patuloy ito sa pag-iyak.

"T-Tulungan mopo akong masagip ang dalagang si Janine Rose Tejero."

Napamaang siya, "Sandali ineng, kilala mo siya?"

"O-opo. Sabi saaking pangitain, iyon ang pangalan ng babae sa ikapat na henerasyon ng pamilyang Vicente. Sagipin mo po siya Padre parang awa mo na."

Masyado nang naguguluhan ang Pari. Hindi siya makapaniwala sa naririnig at isa lang ang nasisiguro niya, na si Janine ay may kinalaman sa sumpang sinasabi ng babae niyang kaharap.

"Sandali, anong taon na ngayon?" Pang ikaapat na henerasyon si Janine at malamang ay nasa lumang panahon siya ngayon.

"Taong ikalabing siyam at limampung taon Padre—" hindi na nito natuloy pa ang sasabihin nang malakas na kumidlat.

Napaluhod ang Padre sa takot at nang ihangad niya ang paningin ay wala na roon ang babae at ang hawak nitong pugutang ulo.

***

Iminulat ni Janine ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniyang paningin ang puting kisame ng kwartong kanilang tinutuluyan.

Bumangon siya at ang tanging nasa kwarto lang ay si Abi na abala sa pag aayos sa sarili.

"Bakit tayong dalawa lang ang nandito? Nasaan si Mika at Diana?" Tanong niya.

Iniayos muna niya ang higaan bago tumungo sa banyo para maglabas ng maruming tubig at makapaghilamos.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon