PROLOGUE (Page 2)

320 18 0
                                    

           Nakangiting hinarap ni Vicente ang nakakatandang kapatid. Buo na ang kaniyang desisyon sa hindi magandang gagawin. Ito lang ang natatanging paraan para makapaghiganti siya't makuha ang lahat ng pamana ng kanilang Ama.

Hindi na niya iisipin ang nararamdaman ng iba, ang tanging iisipin nalang niya simula ngayon ay ang mararamdaman ng kaniyang pamilya at ng kaniyang sarili.

"Humihingi ako ng dispensa dahil sa naging desisyon ng ating Ama. Maging ako rin ay nagulat, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin." Mapagkumbabang saad ni Josefino.

Kunway ngumiti ng matamis si Vicente, "Ayos lamang saakin. Hindi mo na kailangang humingi ng dispensa. Ako ang dapat humingi ng paumanhin dahil sa aking naging reaksiyon noong nakaraang araw."

Gumanti rin ng ngiti si Josefino at hinaplos ang kamay ng bunsong kapatid, "Maraming salamat, Vicente. Sa katunaya'y hindi ko naman kailangan ng ganito karaming kayamanan,

kung tutuosi'y sayo dapat ang lahat ng ito dahil mas marami kang nagawang mabuti para sa ating Ama at para sa akin. At isa pa'y mayroon kang pamilyang kailangang buhayin."

"Wag mo na akong intindihin, kuya Josefino. Nararapat lang na sayo mapunta ang lahat ng ito." Dahil mapapasayo lang ang mga iyan sa maikling panahon, wag kang papakasiguro dahil mapupunta ang lahat ng dapat ay para sa akin.

"Mabuti talaga ang iyong kalooban. Heto't tanggapin mo ang kalahating porsiyento ng kayamanan ng ating Ama." Inabot ni Josefino ang isang titolo ng lupain.

Kunwaring nanlaki ang mga mata ni Vicente, "Nako! Hindi mo na kailangang gawin ito." Tumatangging saad niya at pilit na ibinabalik ang titulo.

"Tanggapin mo iyan. Para sa iyo talaga ang mga iyan." Hinawakan ni Josefino ang kamay ng kapatid at sapilitang ipinahawak ito sa kaniya.

Tinanggap naman ni Vicente ang titulo at nagkunwaring hindi makapaniwala. Ito muna ngayon. Magtitiis muna ako sa aking pagpapanggap. Hintayin mo lang Josefino Tolentino Jr. Lahat ng sa iyo'y mawawala.

Tumayo na ang dalawa sa kanilang mga silya. Niyakap ni Vicente ang kaniyang nakakatandang kapatid at nakangising bumulong, "Maraming salamat!"

"Josefino!" Napatigil sa pagyakap ang dalawa nang marinig nila ang boses ni Angelita.

"Angelita!" Masayang salubong ni Josefino sa asawa pagkuway niyakap niya ito.

Tumalim ang tingin ni Vicente sa magkasintahan. Ilang araw niya ring hindi nakita ang mukha ng dating kasintahan na si Angelita Laurel Tolentino.

Wala pa rin itong pinagbago. Maganda, maputi at maganda parin ang hubog ng katawan. Hindi parin mawala sa kaniyang alaala ang araw ng kanilang paghihiwalay.

Pinakawalan ko siya dahil nakikita ko sa kaniyang mga mata na hindi na ako ang tinitibok ng kaniyang puso. Nakikita ko sa tuwing magkikita sila ni Josefino nag iiba ang hilatsa ng kaniyang mukha

Nagiging masigla ito. Masakit man saakin pero kinailangan kong pakawalan siya dahil gusto kong manatili siyang nakangiti. Pinalaya ko ang babaeng minsan ding bumuo ng aking pagkatao.

Napatingin si Angelita sa kaniya. Umiwas naman siya ng tingin at isinawalambahala bahala ang kirot na nararamdaman. Hanggang ngayon ay nanatili parin si Angelita sa sulok ng kaniyang puso.

Aaminin niyang mahal niya parin si Angelita ngunit mas mahal na niya ngayon ang kaniyang pamilya. Kinalimutan na niya ito simula pa kahapon.

"Magandang umaga, Ginoong Vicente." Bati sa kaniya nito tsaka yumuko nang magalang.

Hindi na niya binati pa si Angelita. Yumuko na rin lamang siya bilang paggalang. "Kamusta ang pagsasama ninyo ng aking nakakatandang kapatid? Mayroon na bang nabuo?" Nakangiting pag iiba niya sa usapan.

Napayuko ang magkasintahan pagkuway napangiti nang mapait ang dalawa, "Masakit mang tanggapin ngunit malabo kaming magkaanak."

Napakunot bigla ang noo ni Vicente, "Wala pa kayong nabubuo? Hindi na kayo magkakaanak? Bakit?"

"Ang saad ng doktor, wala akong sapat ng esperma para makabuo ng bata." Malungkot na saad ni Josefino habang humuhugot ng malalalim na hininga.

Bahagyang naawa si Vicente sa nakatatandang kapatid. "Paano? Aalis na ako. Maraming salamat muli sa iyo, kuya Josefino!" Pag iiba niyang muli sa usapan.

Nilisan na niya ang masyon at muling napangisi. Tama lang 'yan sa inyo. Nararapat lang na hindi kayo maging masaya. Ako ang dapat na maging masaya. Ako ang nagsakripisyo't nagparaya, kaya saakin dapat ang kaligayahan.

Nagpalinga linga siya sa paligid, nang makumpirmang walang tao ay lumapit siya sa lalaking kanina pa naghihintay sa kaniya sa labas ng mansyon ng kapatid.

Pumunta sila sa isang lumang bahay dala dala ang isang sisidlan ng mga pera. Walang sinuman ang nakakaalam sa lugar na ito maliban sa pamilya Tolentino. Ibinigay niya ang hawak na sisidlan ng mga pera sa misteryosong lalaki.

"Dakpin at pahirapan niyo na siya. Walang sinuman ang dapat na makaalam nito lalo na ang kaniyang asawa. Bukas ng umaga, tutungo akong muli dito, wag niyo muna siyang papatayin."

"Masusunod, Ginoong Vicente."

Inabot niya ang mga dala dalang gamit sa mga guwardiyang kaniyang kasama at sabay sabay silang nagsipagsakayan sa mga kotseng nakaparada sa labas.

Wag kang mag alala, Josefino ilang sandali nalang at makakamtan mo na ang tunay na kaligayahan. Maagang paalam sa iyo, aking mahal na kapatid...

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon