CHAPTER 24

84 7 0
                                    

"Very good!" Agad na tumayo si Rico at siya naman ang humiga sa sofa.

Pilit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata ngunit sadyang hindi siya makatulog. Hindi man siya dumilat ngunit ang kaniyang diwa naman ay gising na gising.

Bat hindi pa kasi ako makatulog? Wala naman kasing masama kung may kasama akong lalaki sa iisang kwarto! Tsaka hindi naman masamang tao si Rico. Pero bakit ganto!? Hindi ako mapalagay!

Napadilat siyang muli. Napatingin siya sa kisame ng kwarto at palihim na sinulyapan ang binata. Nakapikit na ang mga mata nito at halatang tulog narin.

Muli siyang napabuntong hininga. Tumagilid siya ng pagkakahiga. Hindi na niya sinulyapan ang natutulog na binata dahil kapag nakikita niya ito ay naiisip niyang unfair sapagkat siya ay maluwag ang kinahihigaan samantalang ang binata naman ay pinagkakasya ang sarili sa isang may pagkaliit na sofa.

Napakunot ang kaniyang noo nang maramdamang lumubog ang espasyo sa kaniyang likuran. Napalingon siya sa gawing kaliwa at nakita niyang nakahiga na ang binata sa kaniyang tabi.

"Akala ko ba dun ka sa sofa matutulog?" Napataas ang kaniyang kilay.

"Ayoko dun. Ang hirap humiga. Baka mamaya malaglag pa ako ang liit ng space e." Saad nito habang nakapikit ang mga mata.

"Talaga!?" Pagtataray niya.

"Don't worry. Ang tanging intensyon ko lang ay matulog nang walang inaalalang space. Kung gusto mo maglagay tayo ng unan sa gitna para mawala 'yang iniisip mo."

"Duh! Hindi marumi ang utak ko noh? Maglagay kana ng mga unan! Ang dami mo pang dada dyan." Saad niya saka tumalikod sa binata.

Napanatag ang kaniyang loob nang maramdaman niyang may mga unan ang nakapagitan sa kanilang dalawa. Napahikab siya at sa wakas ay nakaramdam narin ng pagkaantok.



          "Hoy teh! Gisingin mo na nga ang dalawa dun para makapag agahan na rin sila." Utos ni Abi sa kaibigan.

"Noh ba 'yan bakla?! Kita mo namang busy ako sa pagpapaganda ng kuko dito! You're interrupting me!" Angal ni Reymundo at sinamaan lang ng tingin si Abi.

"Sige ka! Hindi kita ipapakilala sa mga Papi dito!" Pinanlakihan niya ito ng mata.

"Kainis naman oh! Sige na nga! Gugora na! Basta ipakilala mo ako ah? Walang talkshitan." Napatayo itong agad at tumalima sa utos ng kaibigan.

Mula sa sala ay nagtungo siya sa taas para gisingin ang dalawang kaibigan. Medyo hiningal siya dahil sa kalakihan ng bahay. Kumatok siya sa pinto ng kwarto ngunit walang sumasagot.

Naisipan niyang buksan nalang ito. Pinihit niya ang seradura ng pinto. Agad na bumungad sa kaniya ang dalawa na magkayakap.

"Bakla!" Sigaw niya dahil sa gulat. Hindi naman kasi niya inaasahang ganito pala ang kaniyang madadatnan.

"Bakit bakla!? Ano 'yun?" Napatakbo ang lahat papunta sa silid nila Rico at Janine.

Nagtaka ang lahat maliban nalang kay Kurt. Napahalakhak ito ng malakas dahilan para magising ang dalawang tulog.

"Ano 'yun!?" Napabalikwas ang dalawa sa pagkakahiga. Gulong gulo ang kanilang mga buhok at kitang kita rin ang bakas ng natuyong laway sa gilid ng kanilang mga bunganga.

"Bagay talaga kayo! Parehas malikot matulog at parehas na dugyot!" Tawang tawang saad ni Kurt habang nakahawak sa kaniyang sikmura.

"Manahimik ka nga Kurt!" Iritang saad ni Mika. Hindi parin tumitigil ang binata sa pagtawa kaya malakas niyang hinampas ito sa tiyan.

"Tatahimik na! Kailangan pa talagang manikmura e!" Asik nito.

"Ang cute nila! Omg, mapicturan nga!" Agad na naglabas si Abi ng telepono saka mabilisang kinuhaan ng ilang litrato ang dalawa.

Nagkatinginan si Janine at Rico. Parehas silang nagtataka sa inaasal ng mga kaibigan.

"Anong meron?" Saad ni Rico. Halata pa sa mga mata nito ang pagkaantok.

Napangisi ang lahat na halata namang nagpipigil ng tawa, "Wala!" Sabay sabay nilang saad saka nagsibalikan sa kanilang mga ginagawa kanina.

***

"So guys, as I said yesterday, day 2 natin dito sa Batangas ay maglolocation trip muna tayo. Wala pang activities. Ang gagawin lang natin ay maggagala. Alright?" Anunsiyo ni Abi sa mga kaibigan.

Kasalukyan silang nasa garden ng resthouse nila Abi. Handang handa na ang lahat sa paggagala.

"Ne!"
"Yes!"
"Oo naman!" Excited na sagot ng lahat.

"Taal Volcano, Taal Heritage Town, Balayan, Lipa City, Nasugbu, San Jose kaya naman siguro ng isang araw noh?" Tanong ni Abi sa mga kaibigan habang malalim ang iniisip.

"Kaya 'yan! Manggagala lang naman tayo e!" Tugon ni Diana.

"Arat! Game!"

Nagsipagtayuan na silang lahat dala dala ang kanilang mga daladala. Nagpaalam na sila sa mga trabahante ng bahay, kina Manang Emily at Mang Tata saka sila sumakay sa Van na gagamitin nila para sa kanilang paggagala.

"Uy selfie muna! Ipopost ko lang 'to sa Ig." Saad ni Abi saka itinaas ang dala dalang selfie stick. Nagsipaglapitan sila at nagkanya kanya ng wacky.

"1...2...3...!" Sabay pindot ng buton.

"Finger heart! 1...2...3...!"

#Travel #Vacation #WithCircleofFriends.

Natapos sila sa pagkuha ng litrato. Sa harap nakaupo si Abigail, si Reymundo naman ay nasa tabi nila Diana at Janine, si Mika naman ay nakatabi kay Kurt samantalang ang dalawang binata naman ay nasa tabi ng magkasintahan.

Una silang nagtungo sa San Jose kung nasaan ang napakalawak na sakahan sa Batangas. Pagkarating ay masayang bumaba ang magkakaibigan sa sinasakyang Van. Natanaw ni Abi sa dikalayuan ang isang batang masayang kumakaway sa kanila.

"Inay! Itay! Nandito na po sila Ate Abi!" sigaw ng batang lalaki na nasa edad sampu na.

Kumaway pabalik si Abi sa bata. Patakbong tumungo ito sa loob ng isang maliit na kubo sa gitna ng palayan upang sabihan ang kaniyang mga magulang na nandirito na ang inaasahang bisita.

Sabay sabay na pumasok ang magkakaibigan sa tarangkahan ng sakahan. Namangha ang lahat dahil sa ganda ng paligid.

Pagkapasok na pagkapasok nila ay bumungad agad ang mga munting bulaklak na nakatanim sa gilid ng daanan. Iba't iba ang mga kulay nito. Bubungad rin ang mga matatayog na puno ng Mangga. Wala pa itong mga bunga ngunit pagdating ng mga Marso ay tiyak na magkakaroon ito ng maraming bunga.

"Ang ganda naman dito Bes!" manghang puna ni Diana sa paligid. "Picturan mo nga ako Janine nang makapag update naman ako sa Ig." Dugtong niya saka nag abot ng cellphone kay Janine. Todo ang pagpose ni Diana sa camera habang si Janine naman ay panay ang paghanap ng magandang anggulo.




____
A/N: 아녕하세요! Nagresearch po ako ng kaunti about sa most visited place in Batangas dahil wala po akong masyadong alam sa lugar na iyon. May dinagdag po akong unting lugar mula sa imahinasyon ko kagaya ng San Jose at Sahaya Garden. Gawa gawa ko lang po yan. Sa next chapter po makakaencounter rin po kayo ng mga gawa gawang lugar or mga bagay, gawi at iba pa. Yun lang! Mwehehe!

Hope you like my story! Hit Vote, comment yung mga hinaing niyo, spread the story and also follow me for upcoming stories! Maraming salamat sa pagbabasa😍❤️GodblessUAll! -@marizest

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon