CHAPTER 5

143 12 0
                                    

***

Hiyang hiya si Mika sa kaniyang kasuotan at ayos. Hindi talaga siya sanay sa mga ganito. Nakapambabaeng kasuotan at ayos na ayos ang hitsura.

"Jinkey, nakakailang 'tong suot ko. Gusto ko nang hubarin." Reklamo niya sa kaibigan.

Inaya siya nito na pumunta sa isang sikat na club sa BGC. Pumayag siya sa gusto ng kaibigan na magsuot at mag ayos pambabae dahil ang kapalit nito'y ipapakilala siya sa kaibigan nitong maganda.

"Maghubad ka! Tignan natin kung sinong walang damit. Tsaka deal 'to at pumayag ka kaya gawin mo." Pagtataray ng kaibigan.

Pumasok sila sa nasabing club. Sa entrance pa lamang ay rinig na rinig na ang malakas na tugtog mula sa dance floor.

Hinila siya nito papasok. Agad siyang pinagtinginan ng mga tao lalo na ang mga kalalakihan.

"Hi miss!" Bati sa kaniya ng mga nakakasalubong. Napapangiwi siya at ginagantihan ng yuko ang mga bumabati.

Sobrang ingay ng paligid. Marami rin ang mga tao. Lahat at nagsasaya at umiinom na tila wala nang bukas.

"Ayun!" Masayang sigaw ng kaibigan at muli siyang hinila papunta sa isang circular table. May ilang kalalakihan ang nakaupo doon at mga babaeng nakaupo sa kanilang tabi.

Si alwin, richard at fedirich na may kasamang babae, "Uyy! Nice to see you!" Bungad sa kanila.

Napako ang tingin ng lahat kay Mika. Napangiti siya at tumango. "Ako parin 'to!" Pinandilatan niya ng mata ang tatlo.

"Akala ko kung sinong chix! Sh*t si Mika pala! You're so damn hot! Ngayon lang kitang nakitang nakaganyan!" Biro ni Alwin.

Napatingin si Mika sa gawing kaliwa nang maramdaman niyang parang may tumititig sa kanya. Nagulat siya at muling tumingin sa mga kaibigan. Putek! Bat nandito 'yan!?

"Bat parang nakakita ka ng multo?" Tanong ni Richard balak pa sana nitong tumingin sa direksyong kaniyang tinitignan ngunit pinigilan niya ito.

"Wala!"

"Kala ko naman... Tara umupo na kayo! Oorder ako ng maiinom."

Umupo sila sa katabing sofa. Mas lalo siyang hindi naging komportable dahil maliban sa kaniyang suot, alam niyang nakatingin parin sa kaniya sila Kurt.

Tumayo ang kaibigan at ilang sandali pa ay may dala dala na itong apat na bote ng alak. Hinatiran rin sila ng shot glass ng isang waiter.

Para mawala ang ilang ay naisipan niyang lagukin ang isang bote ng alak. Hindi na siya gumamit pa ng shot glass.

"Woah! Ang wild talaga nitong si Mika pagdating sa alak." Bilib na saad ni Federich.

Bigla itong napatingin sa kaniyang makinis at maputing hita. Bahagya itong napalunok at umiwas ng tingin sa legs ni Mika.

"Isa pa nga!" Utos ni Mika. Napatawa si Jinkey at walang pag aalinlangang binigay ang isa pang bote ng alak.

"Chill lang Mika, baka masobrahan ka!"

Hindi siya nagpapigil. Unti unti na siyang nahihilo. Nang matapos niya ang ikaapat na bote'y tumayo siya sa kaniyang kinatatayuan, "Tara sayaw naman tayo!"

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon