CHAPTER 31

60 5 0
                                    

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nag iisa ako sa dito sa isang kwartong napakalawak. Mukha pa itong mansyon dahil sa magagara ang mga kagamitan.

Muntik na akong mapatalon sa takot nang makarinig ako ng napakalakas na kidlat. Mukhang umuulan nang napakalakas sa labas at halatang halata ko rin kung gaano kasama ang panahon dahil na rin sa madilim ang paligid.

Bumangon ako sa aking kinahihigaan pagkuway lumabas ng silid. Sobrang lawak ng buong bahay. Siguro'y hango sa mga dating panahon ang bahay na ito dahil sa disenyo. Maraming makalumang portrate at mga antiko.

"Angelita! Saan ka pupunta? Masama ang panahon!" Panay ang sunod ng katulong sa nagmamadaling babae.

Teka? Sila yung nakita ko sa palayan ah? Nandito nanaman ako? Paano ako napunta dito? Mukhang hindi nanaman ata nila ako nakikita dahil nilagpasan lang nila ako.

Out of curiosity, sumunod ako sa sinasabi ng katulong na babaeng Angelita ang pangalan. Tinignan ko siya sa malapitan. Napakaganda niyang babae.

Maputi, makinis at perpekto ang kaniyang mukha ngunit iba ata ang timpla ng kaniyang kalooban dahil magkasalubong ang kaniyang kilay.

"Wag mo na akong sundan Manang! Hayaan mo lang ako!" Napalayo ako nang sumigaw siya.

"Angelita baka mapahamak ka!" Hindi na nakapalag pa ang katulong nang tumakbo ang babae papalabas ng bahay.

Napahinto ako nang makaisip ng isang bagay.

Nung nakaraang araw nasa palayan siya at may hawak na pugutang ulo. Sino ang lalaking yun? Bakit niya hawak ang ulo nun? Bakit sinabi niyang ipaghihiganti niya ang lalaking yun?

Nanlaki ang aking mga mata at napatakip ako ng aking bibig. Yung babaeng yun, siya yung laging nagpapakita sakin lalo na sa panaginip.

Siya yung babaeng laging may hawak na pugutang ulo, mahaba ang buhok, maputla at nangingitim ang mata. Pero maayos naman siya ngayon.

Hindi kaya may nais siyang ipahiwatig saakin? Pero bakit? Lagi siyang nagpapakita saakin kahit wala naman akong third eye? Sino ba talaga siya?

Kagaya niya ay tumakbo rin ako papalabas ng napakalaking bahay. Hinanap siya ng aking mga mata. Nakita ko siyang papasakay sa isang kalesa at hanggang doon ay sinundan ko siya. Mabuti at hindi niya ako nakikita kaya sumakay na rin ako sa kalesang kinasasakyan niya.

Huminto ang kalesa sa isang maliit na kubo. Sa dulo ng napakalawak na palayan. Hindi ko gusto ang lugar na ito. Parang may iba akong nararamdaman.

Pagtungtong palang ng aking paa sa malamig na lupa'y nanayo ang lahat ng balahibo sa aking katawan.

Nakakakilabot. Mukhang itong maliit na kubo lang ang nakatirik na bahay dito.

"Ito napo ang bayad." Saad ni Angelita bago bumaba sa kalesa. Ibinuklat niya ang dala dalang payong at isinilong ang sarili.

Agad na umalis ang kalesa. Bahagya akong nagtaka nang nagmamadaling umalis si Manong. Mukhang natakot ata ito sa lugar.

Kakaiba ang pakiramdam ko sa lugar na'to. Mas lalo akong kinikilabutan dahil narin sa galit na langit at malamig na hangin. Niyakap ko ang aking sarili at patuloy na sinundan ang babae.

Pagpasok sa nasabing kubo'y mas lalo pa akong natakot. Maraming itim at pulang kandila ang nakasindi. Madilim at puro imahe ng mga kung anong hayup ang nakadikit sa dingding. May matatayog itong sungay habang kay hawak na sibat.

Anong lugar 'to? Sobrang nakakakilabot kung pagmamasdan ang kabuuan ng bahay.

Kusang nagsara ang pinto at lumabas sa kung saan ang isang matandang babaeng puros itim ang suot. Nakataas ang kaniyang kanang kilay ngunit matindi ang ngiti sa labi.

Hindi talaga ako mapalagay. Ayokong nakakita ako ng ganitong mga bagay. Sobrang nakakakilabot.

Inaya siya ng matandang babae papasok sa isang maliit na kwarto. Nakapagtataka dahil sa maliit na kabuuan ng bahay ay mayroon pa pala itong kwarto.

Parehas silang hindi nagsalita. Ayoko mang sumunod ngunit parang may nagtutulak sa aking sundan sila. Ayoko nito pero bakit parang kailangan ko 'tong makita?

Tumindig nang matindi ang aking mga balahibo. Hindi ko na masikmura ang itsura ng bahay na ito dahil pagdating sa kwarto'y, mayroong altar sa gilid. May malaking libro, mayroong mga kandila rin at ang mas nakakakilabot ay may itim na krus na nakabaliktad ang nakadikit sa pader.

Bahay ba ito ng mangkukulam? Anong ginagawa ni Angelita dito? Bakit pumunta siya dito?

Lumuhod sila sa nasabing altar tsaka yumuko. Inilatag ng matanda ang apat na manika kasabay ang malalaking karayom sa altar at nag abot naman si Angelita ng apat na larawan ng dalawang babae at dalawang lalaki.

"Gusto ko silang pahirapan dahil pinahirapan ng dalawang lalaking iyan ang aking asawa."

Nabigla ako. So yung lalaking pugutan ay asawa niya? Kaya naman pala ganun nalang ang puot niya. Kaya naman pala gusto niyang maghiganti. Pero bakit ginawa nila 'yun ginawa sa asawa ni Angelita?

Anong kasalanan ng asawa ni Angelita?

"Simulan na natin ang dasal." Nakakatakot na ngumiti ang matanda. Nandito ba si Angelita para magpakulam?

"Teka Angelita! Masama 'yang iniisip mo! Hindi ka dapat maghiganti ng ganyan sa iyong kapwa. Marami namang paraan para makamit ang hustisya!" Napasigaw ako.

Gusto siyang pigilan sa gusto niyang gawin. Hindi tama na mangkulam siya! Labag yun sa utos ng Diyos!

Bumilis lalo ang pagtibok ng aking puso. Gusto ko siyang hilain palabas dito. Gusto kong iparealize sa kaniya na mali ang gagawin niya.

Napaiyak ako nang mapagtantong wala akong magagawa dahil hindi niya nga pala ako naririnig.

"Angelita..." Napayuko akong saglit. Hindi ko kayang makakita ng ganitong bagay.

Napahinto ako nang tumingin sa aking direksyon ang matandang babae. Sumikip ang dibdib ko at pakiramdam ko'y unti unti akong hindi nakakahinga.

Anong nangyayare? Para akong sinasakal na hindi ko malaman. Nakikita niya ba ako? Bakit siya nakatingin diretso sa mata ko.

"H-hindi ako makahinga!" Napahawak ako sa aking leeg.

Titig na titig parin saakin ang matanda. Biglang nangitim ang kaniyang mata at humalakhak siya nang napakalakas.

"B-b-bita-wan m-mo ako!"

Hindi siya tumigil sa kaniyang pagtawa. Nang lumuwag ang aking paghinga ay agad akong tumakbo papalabas hanggang sa tumagos ako sa pintuan.

Napaluhod ako at pinagmasdan ang langit. Bakit nangyayari 'to? Bakit kailangan kong makita ang lahat ng ito?

Napahagulhol ako.

"Angelita..."

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon