CHAPTER 52

68 3 0
                                    

"Dyan ka lang ha?" Nakangiting saad ni Carlos. Nahihiyang napatango si Diana dahil alam nitong pinagtitinginan sila ng lahat ng taong nasa bar ngayon.

Niyakap niya muna ang babaeng nagugustuhan  at masayang masaya na nagtungo sa entablado. Napayuko nalang si Diana sa ginagawa niya.

"Ehem, mic test!" Pagtitesting niya sa mikropono. Hinawi niya muna ang kaniyang buhok at isinukbit sa balikat ang kaniyang electric guitar.

Tinuro niya ang dalaga na nakaupo, "Para sayo 'to Diana!"

Agad na naghiyawan ang mga tao. Mukhang lahat ay masaya para sa kaniya dahil sa wakas nakita na nilang nakangiti ng hindi pilit si Carlos.

Maaliwalas na ang mukha niya simula nang makagaanan niya ng loob si Diana. He was very thankful because destiny gave them a second chance at sa second chance na ito ay sisiguraduhin niyang magiging masaya na siya.

Sinimulan na ni Samuel ang pagdadrums at iyon ang hudyat na magsisimula ng kumanta si Carlos.

"Diko maintindihan ang nilalaman ng puso..."

Nagpalakpakan ang mga tao. Inaabangan talaga nilang tumugtog ang paborito nilang banda na Border Line.

"Sa tuwing magkahawak ang ating kamay... Pinapanalangin lagi tayong magkasama... Hinihiling bawat oras kapiling ka... Sa lahat, ng aking ginagawa... Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta..."

Habang kumakanta si Carlos ay nakatitig siya sa dalaga. Kitang-kita niya kung paano yumuko sa hiya si Diana dahil sa kaniya. That made him smile.

"Sana'y di na tayo magkahiwalay... kahit kailan pa man... Ikaw lamang ang aking minamahal... ikaw lamang ang tangi kong inaasam... pagkapiling ka habang buhay ikaw lamang sinta... wala nakong hihingin pa wala na... Hmm... Hmm..."

Napahawak si Diana sa kaniyang ulo. Kumikirot ito sa hindi malamang kadahilanan. Ganito rin ang kaniyang naramdaman noong nasa library sila ni Janine. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang umaatake ang sakit sa kaniyang ulo.

Nalingat siya dahil naalala niyang nakatingin pala sa kaniya si Carlos. Ayaw niyang mag-alala ito kaya pinilit niyang maging normal ang kaniyang kilos.

***

          Minulat ni Janine ang kaniyang mga mata nang marinig ang pagring ng kaniyang cellphone. 

Kinuha niya iyon sa side table ng kaniyang kama at nakita niya ang pangalan ni Diana na nakaflash sa screen.

Sinagot niya ang tawag, "Hello Diana. Bat ka napatawag?"

Bahagya siyang nagtaka ng makarinig ng paghikbi sa kabilang linya, "Diana ayos ka lang ba? Sino yung umiiyak?"

"J-janine," Nakumpirma ni Janine na si Diana ang humihikbi. Nag-alala siya sa kaibigan.

"Bakit? Ano yun Diana?"

"Janine s-si Reymundo..."

Napakunot ang kaniyang noo, "Bakit anong meron kay Reymundo? Bakit ka umiiyak. Diana sabihin mo."

"Patay na si Reymundo." Napabalikwas siya sa kaniyang kinahihigaan.

"Ano!?" Nanlaki ang kaniyang mata, "Nasan siya ngayon? Pupunta ako dyan."

"Janine pupunta palang din ako dun. Binalita lang saakin nila Mika 'to. Natagpuan 'yung bangkay niya along Jp Rizal St. sa may tagong part."

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon