CHAPTER 2

238 15 0
                                    

Mag isang naglalakad si Mika sa soccer filled ng kanilang unibersidad. Napagdesisyunan niyang hindi muna pumasok sa kaniyang first subject dahil kapag nakita niya nanaman ang loko lokong si Kurt ay paniguradong masisira nanaman ang kaniyang buong araw.

Parehas kasi silang kumuha ng engineering course at kaklase niya pa ito sa pang-una niyang asignatura.

"Tsk! Nakakabuwisit talaga 'yung lalaking 'yun! Aba!? Mukhang popormahan pa si Shaira e, paniguradong sasaktan niya rin naman si Shaira!"

Napairap siya sa kawalan. "Ito namang si Shaira, mukhang nadadala sa pang uuto ni Kurt. Nako! Sasaktan lang naman siya nun. Ang tigas ng ulo!"

Napakunot ang kaniyang noo nang maaninag sa dika layuan ang babaeng kaniyang nagugustuhan kasama si Kurt. Napakuyom ang kaniyang kamao at mabilis na naglakad patungo sa kanilang direksyon.

"Shaira!" Sigaw niya. Napalingon naman ang dalawa. Mukhang masayang masaya pa ang mga ito.

"Oh, Mika? Hindi ka pumasok sa first subject mo?" Tanong ni Shaira nang tuluyang siyang makalapit sa kanila.

"Ikaw? Bat hindi ka rin pumasok?" Tiim-bagang niyang tanong. Napatingin siya sa magkahawak na kamay ng dalawa, "dahil ba sa tarantadong 'to ha?"

"Bakit? Pake mo ba?" Singit ni Kurt. Nakangisi ito habang nakatingin sa kaniya.

"Gag* ka pala e! Sinasama mo diyan sa katarantaduhan mo si Shaira!" Hinila niya ang kamay ni Shaira at hinayaan lang siya ni Kurt sa kaniyang ginagawa.

"Mika ano ba!?" Nagpupumiglas na saad nito.

"Wag mong sabihing sasama ka sa tarantadong 'yan? Ano? Magpapakatarantado kana rin? Shaira lolokohin ka lang nyan!"

"Ano ba!? Wala kang pakealam! Buhay ko'to at kami na ni Kurt!" Napahinto si Mika at nabitawan niya ang kamay ng dalaga.

Hindi siya makapaniwala sa narinig, "A-ano? K-kayo na ni Kurt?"

"Oo, kanina lang. Wala kang pakealam at wala ka na ring magagawa! Tsaka tigil-tigilan mo na ako Mika! Kahit kailan, hindi ako magkakagusto sa kapwa kong babae!"

Napangisi si Kurt sa kaloob-looban nito nang makita ang naging reaksyon ni Mika. Tuwang tuwa ito nang mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ng kinaiinisan.

"Lamang na ako sayo ngayon, Mika." Saad pa ni Kurt sa sariling isipan.

Napangising bigla si Mika, ang kaninang gulat ay nakangisi na ngayon, "Seryoso ka, Shaira? Kayo na? Wow, congrats ah? Sana tumagal kayo." Napatawa siya dahil sa sariling sinabi.

Natamemeng bigla si Kurt. Hindi nakapagsalita ang dalawa dahil akala ng mga ito'y masasaktan si Mika sa maririnig niya ngunit parang natuwa pa ito.

"Sige! Paalam! Naistorbo ko pa kayo sa paglalandian niyo. Babye!" Malokong saad ni Mika pagkuway naglakad na ito papaalis. Matapang niyang ipinakita sa dalawa na hindi siya naapektuhan sa nalaman.

"Hindi ka kawalan gag*! Anong akala mo? Ikaw lang babae dito sa mundo? Wag ako uy! Pero medyo nasaktan ako dun ah?" Bulong niya sa sarili nang makalayo. Napahawak siya sa kaniyang kumikirot na dibdib.

Nagkamali talaga ako kay Shaira. Pero hindi siya kawalan! Masiyado siyang bilib sa sarili niya! Hahahaha! Bob*! Nagpalandi sa gag*! Paniguradong iiwan rin naman siya agad dahil alam na alam ko kung gaano kalandi 'yung si Kurt!

Nako Shaira, siguraduhin mong wag kang lalapit-lapit saakin pagsinaktan ka ng gunggong na 'yun!

Napagdesisyunan niyang pumasok na lamang sa kaniyang ikaunang subject kahit alam niyang malelate na siya.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon