"Matagal akong nakarating buti nakaabot ako. Mabuti rin dahil dito parin kayo nakatira kaya hindi ako nahirapang hanapin ang bahay niyo. Nalaman ko habang bumabyahe ako, sinabihan ako ni Angelita na may gustong pumigil sakin. Sinabi niya rin sakin na lahat ng tutulong sayo ay mapapahamak dahil disperado na ang nanghahunting kay Angelita na makuha ang kaluluwa niya."
"O my God!" Napayuko si Janine at agad na tumulo ang kaniyang mga luha. May katotohanan nga ang lahat ng sinabi ni Mika.
"E Father, sino naman po ang nanghuhunting sa kaluluwa ni Angelita? Bakit desperado na siyang makuha ang kaluluwa ni Angelita?"
Napabuntong hininga ang Pari, "Yun ang hindi masyadong napaintindi saakin ni Angelita. Bigla nalang nawala si Angelita basta ang sinabi niya saakin ay kailangan nating magmadali."
"Pero paano naman po natin matatapos ang sumpa Father? Sinabi rin po ba ni Angelita?" Tanong ni Rico.
"Kailangan nating pumunta sa Samar sa lalong madaling panahon. Doon malulutas ang proble—" Napahinto ang pari nang bumukas ang pinto.
Inniluwal nito si Carlos, "Sasama ako!"
Napatayo si Janine at Rico. Niyakap ni Carlos ang kaibigang si Rico tsaka umiyak, "Patay na si Diana."
"Patay na si Diana!?" Napatulala si Janine at tumulo na rin ang kaniyang luha. "Ayoko ng may madadamay dahil sakin."
Bumitaw si Carlos sa pagkakayakap kay Rico at tumingin sa kaniya, "Oo Janine, sinugod siya sa hospital kahapon at ilang oras lang tinagal niya sinabi ng doktor na namatay na daw siya. Pumunta ako dito Janine para ipaalam sa inyo. Ayoko kitang sisihin dahil alam kong hindi naman totoo yung sinasabi nila Mika."
"Paano siya namatay Carlos?" Pinigilan ni Rico ang kaniyang damdamin.
"Sabi ng doktor, namatay siya dahil sa sakit na Meningitis. Napansin ko rin nung nakaraang mga araw na madalas siyang mahilo at magsuka, medyo namayat rin siya. Hindi ko alam na 'yun na pala 'yung sign na may sakit siya. Sobrang sakit Rico, pakiramdam ko wala ng kwenta 'tong buhay ko. Parang buong buhay ko hindi na ako naging masaya, kung naging masaya man, panandalian lang."
Tumayo ang Pari at lumapit kay Carlos, "Hijo, wag mo sabihing wala ng kwenta ang buhay mo. Dumarating ang pagsubok sa buhay natin para turuan tayong maging matatag."
"E, father, lagi nalang po kasing ganito. Iniwan na ako ng lahat."
Tinapik nito ang balikat ni Carlos, "Hindi ka iniwan ng lahat Hijo, tandaan mo na laging nandyan ang Diyos."
Napayuko na lamang si Carlos, "Maraming salamat po Father. Tutal, lagi naman na po akong malungkot, tutulong po ako sa inyo."
***
"Kailangan nating hanapin ang bangkay ni Angelita at ang nawawalang katawan ni Josefino. Kailangan na'ting maputol ang sumpa bago sumapit ang January 13 dahil kung hindi natin mapuputol ang sumpa sa lalong madaling panahon, magpapatuloy ang sumpa at mananatili nang maghihirap ang mga susunod pang angkan niyo Janine.
Kailangan na nating magmadali dahil baka may mapahamak nanaman na isa saatin. Dahil nga sa ikinuwento niyo, sunod-sunod na namatay ang mga kaibigan niyo, ibig sabihin lang nun na matindi ang galit ng nanghahunting sa kaluluwa ni Angelita. At sa tingin ko, naghahakot siya ng mga kaluluwa na masasama niya sa impiyerno."
"Nagegets ko na ng paunti-unti Father, narealize kong magkaiba ang nagpapakita sakin sa panaginip. Magkaibang Angelita 'yung mga nagpapakita sakin. 'Yung isa masama, 'yung isa mabuti. 'Yung isa, itim 'yung mga mata tapos 'yung isa normal. Madalas kapag nagpapakita saakin 'yung Angelitang maitim 'yung mata, puro masasama ang mga sinasabi niya sakin, samantalang 'yung isa, laging nagpapaalala na iligtas ko ang sarili ko."
"Pwedeng magkaiba nga Janine. Diba nakwento mo rin sakin na napaginipan mong sumanib sa kasamaan si Angelita, 'yung kasama niyang matanda nun nangitim 'yung mata? Pano kung siya 'yung Angelitang maitim 'yung mata? Ginagamit niya lang 'yung itsura ni Angelita para manakot at manakit?" Saad ni Rico.
Nag-igting ang panga ni Carlos tsaka tumingin sa mga kasama, "Wala ng plane ticket papunta sa Samar. Pano 'yan? Anong gagawin natin? Kailangan na nating makapunta dun bukas." Muli itong tumingin sa monitor ng laptop.
"Bakit naman kasi nagsasabay-sabay pa ang lahat ng mga nangyayari!?" Anas ni Rico.
"Wala tayong ibang magagawa kundi ang bumyahe pabarko. Magtiwala lang tayo, tutulungan tayo ng Diyos." Saad ni Father Jeremiah.
"Pano 'yan Father? Paano po kung hindi tayo umabot sa a-trese? Kailangan na nating magmadali e." Napapabuntong-hiningang saad ni Carlos.
"Aabot tayo, tiwala lang. Gagabayan tayo ng Diyos at kailangan bukas ng maaga makaalis na tayo dito. Gagawan natin 'to ng paraan." Pinilit ngumiti ng Pari para palakasin ang loob ng mga kaharap.
Napaluha si Janine dahil sa pinaghalong saya at lungkot. Napatingin sa kaniya sina Father Jeremiah, Rico at Carlos.
"Bakit ka umiiyak Janine? May nagpapakita nanaman ba sayo?" Tanong ng Pari.
Pilit siyang napangiti at kinagat ang pang-ibabang labi, "Naiiyak lang po ako kasi ang daming tao gusto akong tulungan. Nandyan kayo para sakin kahit buhay niyo pa ang nakataya. Nakakaiyak rin kasi ang daming nawalang buhay dahil lang sa gulong 'to. Sila Abi, Amanda, Kurt tapos si Diana. Nakokonsensya ako."
Napasinghap si Rico, "Janine, wag kang mag-alala. Hindi natin gusto 'yung mga nangyari. And alam kong magiging masaya sila Abi kapag nalutas na natin 'tong sumpa na 'to."
"Kaya nga Janine. Tsaka diba nga matatag ka? Kasi kahit namatayan ka ng magulang nung bata kapa hindi mo pinakita saakin na mahina ka." Saad ng Pari.
"Oh sya, kailangan na nating matulog dahil maaga pa ang biyahe natin bukas. Magsitulog na kayo at magdasal bago matulog para gabayan tayo ng Diyos." Dugtong ng Pari.
Tumalima ang lahat at bago sila matulog ay humingi sila ng gabay at tulong sa Diyos.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...