"Hindi ka makakawala diyan, Ginoong Josefino Tolentino Jr. kahit na makawala ka sa pagkakatali, hindi ka naman makakalabas ng buhay sa bahay na ito."
Hindi niya pinakinggan ang mga sinasabi ng mga ito bagkus ay nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa. Ilang beses siyang sumubok ngunit siya'y nabigo.
Napahagulhol na siya. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Gusto na lamang niyang sumuko at iniisip na hindi na magtatagal ang kaniyang buhay.
Halo halong sakit ang kaniyang naramdaman. Pinaghalong gutom, pagod at sakit. Hindi na niya namalayang unti unti nang bumabagsak ang talukap ng kaniyang mga mata.
Nagising si Josefino nang maramdaman ang pagkagutom. Dumilat ang kaniyang mga mata. Nagising ang kaniyang diwa nang maaninag ang mukha ng kaniyang nakababatang kapatid.
Matalim itong nakatitig sa kaniya habang nakangisi. Nanlaki ang kaniyang mga mata't gulat na gulat sa mga nalaman.
"V-vicente..."
"Ako nga."
Dumausdos muli ang kaniyang mga luha. Lalo siyang nasaktan sa mga natuklasan. "Bakit mo ito nagawa? Nagkulang ba ako? Nagkasala ba ako?"
"Ayoko sana ng drama ngunit dahil ito na ang panghuli mong araw, pagbibigyan kita." Tumayo si Vicente at pinagkrus ang mga braso.
"Vicente, bakit mo ito ginagawa?"
"Simple lang, gustong kong mapunta ang lahat ng dapat ay para saakin. Gusto ko rin na mawala kana!" Parang unti unting nadudurog ang kaniyang puso. Nanginginig ang kaniyang buong katawan.
"Isa kang mapagpanggap! Minahal kita kasi ikaw ang nag iisa kong pamilya. Lumaki tayo ng matiwasay at masaya. Pero ano ito? Dahil lang sa pera magagawa mo akong patayin!? Anong klaseng kapatid ka?"
Napangisi si Vicente, "Ako? Mapagpanggap?" Saad niya habang tinuturo ang sarili. "Kung sabagay, tama ka. Pero itong buong buhay ko, nagpakatotoo ako. Nagparaya at umintindi. Mas pinili kong maging masaya ka. Lagi nalang ikaw! Sayo nalang palagi!"
Hindi nakapagsalita si Josefino sa kaniyang mga narinig. "Sobra akong nasaktan. Pinalaya ko ang lahat para sayo pati ang babaeng minsan ko na ring minahal maging masaya ka lang.
Alam mo kung ano ang mas masakit? Yung malaman kong kaya pala magkaiba ang trato sa atin ni Don Josefino kasi hindi tayo tunay na magkapatid. Kaya naman pala mas malaki ang mana niya sayo. Kasi, anak lang ako sa labas. Isang pagkakamali."
"V-vicente... K-kapatid kita sa labas?" Napatulala si Josefino sa lumuluha niyang kapatid.
Napagtanto niya ang pagpaparaya ni Vicente sa maraming bagay. Akala niya'y sapat na ang kaniyang mga ginawa para masabing isa siyang mabuting nakakatandang kapatid.
"Oo, masaya kana?! Sayong sayo na ang lahat! Sobrang buti ng tingin sayo ng mga tao. Hindi naman nila alam kung ano ang tunay mong ugali. At ito...?" Inilabas niya sa isang sisidlan ang isang papeles. Papel ng isang titulo ng lupa.
"Sayong sayo na rin itong kakarampot mong binigay. Diba, sayo naman lahat? Sayong sayo na 'yan!" Ginusot niya ang papel at marahas na ibinato ito sa kaniyang kapatid.
"Patawarin mo ako, Vicente. Patawarin mo ako... Nagkulang ako... Kung gusto mong makabawi, saktan mo ako! Suntukin mo ako, tadyakan!"
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...