CHAPTER 4

186 11 0
                                    

Napapalunok ng ilang beses si Rico. Ngayon palang ay nilalamon na siya ng kaba dahil sa nais niyang gawin. Gusto niya kasing ihatid si Janine pauwi sa bahay nito.

"Ano ba 'tong kabang 'to!? Hindi ko naman first time mang ayang manghatid pero bat ganto 'yung nararamdaman ko?" Kabado niyang bulong sa sarili.

Naglakas loob siyang lumapit sa papalabas na Janine. Galing ito sa library kasama si Diana. May mga ilang libro din itong dala dala.

"Janine!" Tawag niya. Napatingin ang dalawa sa kaniyang direksyon.

Ngumiti ng nakakaloko si Diana, "Sige maiwan ko na kayo ng future boyfriend mo..." pabulong na saad nito kay Janine.

"Loka!" Natatawang binatukan nito si Diana, "Hindi kaya."

"Uyy, defensive... Hindi raw e, araw araw mo nga siyang kinikwento saakin."

"Hindi ah! Paanong boyfriend e, mukhang wala naman siyang gusto saakin."

"Anong boyfriend?" Nagtatakang tanong ni Rico nang marinig ang mahinang pag uusap ng dalawa. "May boyfriend kana? Janine?"

Parehas napangiwi ang dalawa, "Ah... hahahaha... W-wala. Ang sabi ko wala pang boyfriend si Janine, baka naman..." pinandilatan ni Janine ang matalik na kaibigan bago pa ito makasabi ng kung anu-ano.

"Ahhh... akala ko naman kung ano na." Napakamot si Rico sa kaniyang ulo. He sigh in relief.

"Sige, maiwan ko na kayo. Baka sakaling magkaboyfriend na 'tong bestfriend ko. Bye Janine! Bye Rico! Enjoy!"

Balak pa sanang batukan ni Janine si Diana ngunit agad itong lumayo sa kanila. "Loka!" Sinundan niya nalang ng tingin ang kaibigan.

Nahihiyang tumingin si Janine kay Rico. "May kailangan ka nanaman noh? Wala akong pera." Bigla itong nagtaray at nauna nang naglakad.

"Hoy! Ansama mo talaga saakin!" Hinabol siya ni Rico.

Napapangiti si Janine ngunit mas pinili niyang magpakasungit. Nitong mga nakaraang araw, napapansin niyang panay ang lapit sa kaniya ni Rico. Madalas pa itong may dala dala para sa kaniya. Nakapagtataka.

"Uyy!" Tawag ni Rico kay Janine.

Huminto siya at hinarap ang binata, "Ano nga kasi ang kailangan mo?"

Namuong muli ang kaba sa dibdib ni Rico. Huminga muna ito nang malalim at walang pag aalinlangang hinawakan ang kamay ni Janine.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Pagtataray ni Janine. Nais niyang magpumiglas ngunit hindi siya nakawala sa pagkakahawak ni Rico sa kaniyang kamay.

"Wala lang. Gusto lang kitang ihatid sa inyo. Tara na?" Ngumiti ito.

Hindi makapaniwala si Janine sa inaasta ni Rico. Anong meron sa lalaking 'to? Bigla nalang nag aayang manghatid tapos hinawakan niya pa kamay ko?

"Anong nangyayari sayo, Rico? Nasa tamang pag-iisip kaba!?"

"Oo naman. Gusto lang kitang ihatid. Masama?" Tumingin itong muli sa kaniya. Bahagya siyang napalunok dahil sa magkalapit ang kanilang mukha.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon