CHAPTER 14

86 7 0
                                    

Mahal na mahal ko talaga ang simple kong pamilya. Kahit na hindi namin totoong nanay si Mama ay masaya naman kami ni Ronald at madalas parin naming dinadalaw si Mama at Papa sa puntod nila.

Naghilamos ako sa lababo at laking gulat ko nang makita ang numerong "20" na nakasulat sa malaking salamin gamit ang dugo ng isang tao.

Malakas na kumabog ang aking dibdib. Napatili ako sa gulat at agad na tumakbo palabas ng banyo.

"Sino ka!?" Napasigaw ako nang makita ang isang pamilyar na babae. Maputla ito at nangingitim ang buong mata na mas lalong kinatindig ng mga balahibo ko.

Nanginginig ang aking buong sistema nang makita ang pugot na ulong hawak niya. Teka? Bat sila nandito?

"Sino ka!? Bakit kaba laging nagpapakita saakin?!" Garalgal na ang boses ko. Halos manlumo ako nang makita ko sila Mama at John na duguan at nakahandusay sa sahig halatang wala nang buhay.

"Mama! John!" Sigaw ko. Nag unahang dumausdos ang aking mga luha. Lalapit sana ako sa kanila ngunit pinigilan ako ng nakakatakot na babae sa pamamagitan ng pagsakal sa aking leeg.

Mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa aking leeg kaya naman unti unting nauubusan na ako ng hangin, "S-sino k-kaba!? B-bakit mo 'to g-ginagawa saakin!? May kasalanan ba ako sayo!?"

Mas naging nakakatakot ang itsura nito nang siya'y ngumiti. "Malaki... Malaki ang kasalanan ng iyong angkan..." sobrang laki ng boses nito at malademonyo kung magsalita.

"B-bitawan mo ako! Walang hiya ka! H-hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo! P-pakawalan mo ako! Wala kang puso!"

Pinilit kong manlaban ngunit sadyang malakas ang nakakatakot na nilalang na ito. Balak ko pa sanang magsalita ngunit hindi ko na kayang huminga dahil mas lalo pang humihigpit ang pagkakahawak niya sa aking leeg.

"Hindi ka magiging masaya! Hindi kayo magiging masaya!" Tumawa ito ng napakalakas. "Magiging miserable ang buhay mo! Malapit ka nang mawala!"

Jesus! King of kings, Lord of Lords. Tulungan niyo po akong makawala sa babaeng ito. Hindi papo ako handang mamatay. Kung isa man po itong masamang panaginip, nawa'y gisingin niyo po ako.

Napabalikwas si Janine sa kanyang kinahihigaan. Mabuti na lamang at nagising siya mula sa kaniyang masamang panaginip. Hingal na hingal siya. Hinahabol ang kaniyang paghinga.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Agad siyang nagdasal at humingi ng pasasalamat. Akala niya ay totoo na ang mga nangyayari. Mabuti na lamang at ito'y isang panaginip.

Napatakbo siya sa labas. Labis siyang nag alala para sa kaniyang Ina at kapatid. Lumuwag ang kaniyang paghinga nang makita ang kaniyang hinahanap.

"Akala ko iiwan niyo na ako..." kinakabahan niyang saad at niyakap niya ang nagtatakang kapatid at Ina.

"Janine, ayos na ayos kami. Ano bang nangyayari sayo at mukhang kinakabahan ka? Teka," bumitaw ang ina at alala siyang tinignan "Nanaginip ka nanaman ba ng masama?"

Hindi na niya napigilan ang mapaluha at muli niyang niyakap ang Ina at Kapatid, "Wala po ito."

"Hay nako Janine. Kumilos kana at magsisimba tayo pagkatapos ay bibisitahin natin ang mga magulang niyo."

Pinunasan niya ang kaniyang pisngi at pilit na ngumiti. "Sige po. Sorry." Bumuntong hininga siya bago pumasok muli sa kaniyang kwarto para makapag asikaso na.

Nakita niya ang kalendaryo. Tama ngang panaginip lang iyon dahil September 19 pa naman at malayo pa ang kaniyang kaarawan. Kung tutuos'iy mahigit dalawang buwan pa ang hihintayin.

Natatakot parin siya sa kaniyang napanaginipan ngunit nang makapasok sila sa simbahan ay naglaho ang lahat ng takot na kaniyang nararamdaman.

Isang oras ang nakalipas at natapos ang misa. Tumungo muna sila sa isang kainan at kumain bago tumungo sa puntod ng kanilang mga magulang dala ang dalawang paso ng bulaklak at ilang kandila.

"Hello Mama at Papa, pagpasensyahan niyo po kung minsan lang kami makapunta dito." Napabuntong hininga si Janine. Umakbay siya sa kaniyang kapatid at Ina.

"Mama at Papa, alam niyo po bang first honor nanaman ako sa klase ngayong kakatapos na second grading. At hindi lang 'yun, running for valedictorian pa ako!" Saad ni John.

"Ang galing talaga ng kapatid ko! Tignan mo ma at pa!"

"Ginagalingan ko talaga para maging proud kayo saakin pati kay Tita Mommy. Gusto kong ipagmalaki niyo po ako sa mga kasama niyo dyan sa langit." Naiiyak man si John ngunit pinapanatili niyang ngumiti.

"Ako rin Mama at Papa, Hindi man ako magna cumlaude, suma cumlaude naman ako sa department namin. Gusto ko talagang mataas ang grades ko para pagdating ng araw hindi ako gaanong mahirapan sa paghahanap ng trabaho at syempre, gusto ko rin na maging proud kayo saamin."

"Ang babait ng mga anak niyo Sunny at Rosalinda, hindi ako nahirapang palakihin sila kasi hindi mga pasaway. Nagpapasalamat ako sa mga anak ninyo kasi kahit papaano hindi ako naging mag isa sa buhay ko. Maraming salamat kasi ipinagkatiwala niyo sila saakin. Wag kayong mag alala, pagbubutihin ko pa ang pag aalaga sa mga anak ninyo. Sana'y maging masaya kayo kung nasaan man kayo."

Nagtagal sila ng isang oras sa pagbisita sa puntod ng kanilang mga magulang. Nagkwentuhan at nagpicturan sila bago umuwi.

***

"Meron na akong plano sa 19th birthday ko. Gosh! I'm really excited na!" Masayang saad ni Abigail habang nakatutok sa kaniyang cellphone.

"Dios ko day! Ang layo pa ng December 19. Anyways, anong plano niyo Janine since magkaparehas kayo ng birthdate nitong si Abi?" Saad naman ni Reymundo habang naglalagay ng kolerete sa kaniyang mukha.

"Hindi ko alam. Ayoko naman ng masyadong bongga kahit simpleng handaan lang okay na saakin." Tugon ni Janine.

"Kung magnight club nalang kaya? Tutal we're on legal age naman na." Singit ni Kurt na kakagaling lang sa paglalaro ng basketball.

"Ako payag ako sa night club, g na g ako dyan. Maliban nalang sa babaitang 'yan! Sobrang tino." Tukoy ng baklita kay Janine. Napairap sa kawalan si Reymundo habang hawak ang isang pulang lipstick.

"Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganyan. Tsaka ayoko nga. Ano bang mapapala ko dun e,  malalasing lang naman ako dun." Depensa niya.

"Guys, mas maganda ang plano ko. Suitable para sa ating lahat." Napatingin ang lahat kay Abigail.

"Siguraduhin mong hindi boring 'Yan kundi! Rireypin ko 'tong si Papi Kurt! Wag niyong istressin ang beauty ko." Anas pa ni Reymundo.

"Wow ha?" Napamaang si Abi ngunit agad na ngumiti, "Hindi talaga boring kasi magbivacation tayo sa resthouse namin sa Batangas. Mag aadventure tayo!"

"Weh? Totoo ba 'yan?" Bungad ni Diana nang makarating sa bench na kinauupuan nila Abigail. May dala pa itong mga libro at kagagaling lang sa library.

"Oo! And Janine, dahil parehas naman tayong may birthday on that day, ikaw na ang bahala sa pagkain natin papunta sa batangas. And the rest, ako na ang bahala kaya save the date. Dapat wala kayong importanteng lakad sa December 15 hanggang sa december 21. No excuses, dapat lahat kasama. No Killjoy para masaya!"

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon