CHAPTER 1

312 16 0
                                    

(This is 3rd Person's Point of View. Baka malito kayo. Kung makakaencounter po kayo ng mga nakaitalic maaring 1st person pov ang tinutukoy doon. Magkakaibigan po ang ipupunto dito at sa mga susunod na chapters. Kailangan ng matinding pagbabasa at pag unawa :))

_____
June 15, 2018

"Tulong... tulong..." nakadilat ng kakaunti ang mga mata ni Janine. Sapat na para makita ang buong paligid. Naninikip ang kaniyang dibdib at tila may nakadagang mabigat na bagay na dahilan ng paghahabol sa kaniyang hininga.

Hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan. Nakakaaninag rin siya ng isang itim na usok na lumilipad sa kisame ng kaniyang kwarto at pakiramdam niya'y may humihila sa kaniyang mga paa.

Inaatake nanaman siya ng sleep paralysis. Ilang gabi rin siyang hindi makatulog ng maayos dahil madalas rin siyang managinip ng masama.

Lagi niyang napapanaginipan ang isang babaeng wala sa sarili. Lagi nitong sinasabi sa kaniyang panaginip ang mga katagang:

"Mamamatay ang lahat ng panganay na anak sa inyong angkan. Maghihirap ang mga susunod niyong henerasyon at kailangang mamatay ng ikaapat na henerasyon na panganay sa edad na dalawampu para tuluyang maputol ang sumpa. Hindi kayo magiging masaya!"

Pilit niyang iginagalaw ang kaniyang kamay para makawala na siya sa ganoong sitwasyon. "Lord, tulungan niyo naman ako oh? In Jesus name!"

Pilit niyang ginagalaw ang kaniyang kamay. Napapagod na siya sa ganitong sitwasyon sa tuwing aatakihin siya ng sleep paralysis sa gabi.

"Janine!" Sigaw ng Inang kakapasok lang sa kaniyang silid. Binuksan ng kaniyang Ina ang ilaw at dali daling lumapit sa kaniya.

Lumuwag ang kaniyang paghinga, "Maraming salamat po, Lord."

"Nako! Inaatake ka nanaman ng sleep paralysis!" Alalang nilapitan siya nito at iginalaw ang kaniyang kamay.

Napabalikwas siya sa kaniyang kinahihigaan at agad na niyakap ang Ina. Malakas ang pagtibok ng kaniyang puso't naghahabol parin ng hininga.

"Buti nalang dumating kayo."

"Nakong bata ka! Kung hindi pa ako dumating, siguradong hirap na hirap kana. Bakit kaba kasi ini-isleep paralysis?"

Napabitaw siya sa pagkayakap, "hindi ko po alam e. Basta't inaatake lang ako. Malamang dahil sa pagod. Pero matutulog na po ako ulit."

"Sigurado ka? Sige, matulog kana. Maaga pa ang gising mo bukas. Wag mong kakalimutang magdasal ha? Wag ka rin masyadong magpapagod bata ka." Hinaplos nito ang kaniyang buhok bagay na nagpagaan sa kaniyang nararamdaman.

"Sige po." Lumabas na ito sa kaniyang kwarto. Nagdasal siya at naglakas loob na muling matulog. Nawa'y makatulog na po ako nang maayos.

Nagising siya dahil sa tunog ng kaniyang alarm clock. Nagdasal siyang muli bilang pasasalamat sa panibagong araw na ibinigay sa kaniya ng Diyos.

Masigla siyang bumangon sa kaniyang higaan at inayos ito. Ginising narin niya ang kaniyang kapatid para makapaghanda narin sa pagpasok.

"Bye Ma!" Paalam ng dalawa sa kanilang Ina.

Si Janine at ang kaniyang nakababatang kapatid na si John ay kinupkop lamang ng mabuting kapit bahay na si Dennise.

Limang taon palang si Janine nang pumanaw ang kaniyang tunay na Ina dahil sa sakit na tuberculosis. Ang kanilang Ama naman ay pumanaw rin noong siya ay sampung taon ng dahil sa sakit sa atay.

Bigong bigo ang kanilang Ama dahil sa pagkamatay ng kanilang Ina kaya naman iginugunol nito ang sarili sa pag inom ng alak at paninigarilyo na dahilan ng pagkamatay nito.

Wala na silang ibang malapitan nung mga oras na iyon. Mabuti nalang at mayroong mabuting Dennise ang kumupkop sa kanilang magkapatid at nagtrato sa kanila na parang tunay na anak.

Sabay na tumungo ang magkapatid sa kani-kanilang paaralan.

"Besty!" Salubong ng kaniyang kaibigan na si Abigail. Napakunot ang kaniyang noo nang mahigpit siya nitong niyakap.

"Anong meron? Parang dalawang araw lang tayong hindi nagkita ah?"

Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kaniya. "Wala lang. Trip ko lang mangyakap."

Napangiwi siya sa inasal ng kaniyang kaibigan. Tinignan niya ang kabuuan nito. "Bongga ah? Ano bang meron?"

Napangiti nang malawak si Abigail, tila kinikilig. "E kese nemen, megdedate keme ne Marcos mamaya!"

Napaubo si Janine, "Yung playboy na 'yun!? Nako! Iba ka talaga girl!"

Lumapit si Abigail sa kaniya at malakas na pinaghahampas siya sa kaniyang balikat, "Ano ba!? Ang sakit ah!?" Anas niya.

"Kinikilig kasi talaga ako!"

Napangiwi siya habang hawak ang balikat na pinaghahampas ng kaibigan, "Diyan ka na nga bruha ka! Mamaya mabugbog mo ako e!" Nauna nang naglakad si Janine patungo sa kanilang first subject.

Ayaw na niyang magtagal pa sa tabi ng kaibigan dahil paniguradong mabubugbog nanaman nito ang kaniyang balikat. Ganun kasi kung kiligin si Abigail. Nananakit.

"Hi Janine!" Bati ng mga nakakasalubong niya sa pasilyong kaniyang tinatahak papunta sa kaniyang first subject.

"Hello!" Saad niya habang ginagantihan ito ng mga ngiti.

"Janine Rose!" Saglit siyang napahinto at napakunot siya nang marinig ang pamilyar na boses. Sa pagtawag palang nito sa kaniyang pangalan ay alam na niya agad kung sino ito.

Hinarap niya ang isa pang kaibigan, "Ano nanamang problema mo Rico Adrian!?" Tinaasan niya ito ng kilay at siya'y napamaywang.

"Wala lang, may ibibigay lang ako." Iniabot nito ang isang supot ng sandwich sa kaniya, "Para sayo" dugtong pa nito.

Hindi niya ito tinanggap, "Ano nanaman 'yan? Suhol? May kailangan ka nanaman?"

Laging nag iiba ang hilatsa ng mukha ni Janine sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha ni Rico. Nasanay na kasi siyang tinatawag at pinapansin lang nito kapag may kailangan.

"Luh, ang sama nito! Hindi ba pwedeng gusto lang mangbigay? Ito oh, tanggapin mo na." Pinagmasdan niya lang ang hawak na supot ni Rico, "Tanggapin mo na, nangangalay na ako."

Napabuntong hininga siya, "Salamat!" Medyo labag pa sa kaniyang kalooban na tanggapin ito ngunit may side rin na natutuwa siya.

"Umalis kana. Malayo pa ang lalakarin mo."

"Sige!" Nakangiting saad ni Rico at tumalikod na ito kay Janine saka naglakad papalayo. Sinundan nalang niya ito ng tingin. Napangiti siya at pinagmasdan ang supot na ibinigay sa kaniya ni Rico.

"Oh, para sayo. Baka kasi nakulangan ka nanaman sa kinain mong umagahan. Mapagbuntunan mo nanaman ako ng inis." Saad sa sticky note na nakadikit sa supot.

"Baliw talaga 'yung lalaking 'yun!" Bulong niya sa kaniyang sarili. Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad papunta sa kanilang silid.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon