CHAPTER 55

63 3 0
                                    

          Sinapo ni Rico ang kaniyang noo habang nakatingin sa walang malay na si Mika. Naguguluhan na rin siya sa mga nangyayari ngunit ayaw niyang ibintang ang lahat kay Janine.

Ayaw niyang sisihin ang nobya sa mga nangyari dahil alam niyang hindi naman totoo ang lahat ng mga 'yun. Ayaw niyang masaktan si Janine dahil ang gusto niya ay protektahan ito sa kahit anong mangyari.

Napayuko siya at nagdasal sa kaniyang isip. Lord, kung ano man po ang nangyayari saamin, tulungan niyo po kami. Tatlo napo ang nawala sa'ming magkakaibigan. Nawa po'y wala ng buhay na mawawala.

"K-kurt..."

Lumuwag ang kaniyang paghinga nang marinig niyang magsalita si Mika. Lumuluha ito habang nilalakihan ang pagbukas ng mga mata.

"Mika, buti gising kana."

Napabalikwas ito sa kaniyang kinahihigaan, "Si kurt Rico! Kailangan natin siyang puntahan! Si Kurt! Nasan si Kurt!?"

Napatayo siya at ipinikit nang mariin ang kaniyang mga mata, "Mika kumalma ka. Bawal sayo ang magpagod at malikot."

"Pero si Kurt. Kailangan niya ako ngayon. Kailangan ko siya, Rico puntahan natin siya. Hindi ko kayang mawala siya Rico."

Hindi na napagilan pa ni Rico ang kaniyang luha, "Masakit rin para sakin Mika pero kailangan mong kumalma, muntikan ka ng malaglagan kanina."

"Ano!? Malaglagan!?" Napayuko si Mika at tumingin sa kaniyang tiyan, "Rico anong sabi mo?"

Napasinghap siya, "Oo Mika, muntikan ka ng malaglagan kanina. Buti nadala kita agad dito sa hospital. Buti makapit ang anak niyo ni Kurt."

That words made her stop. Hindi ito makapaniwala sa mga narinig. Nabuo ang hinuha sa kaniyang isipan na kaya naman pala may dugo sa kaniyang hita kanina ay buntis pala siya nang hindi niya alam.

"2 weeks pregnant ka Mika. Mabuti at hindi ka nalaglagan."

Maliit itong napangiti ngunit patuloy na lumuluha. Hinaplos nito ang kaniyang tiyan at malungkot itong pinagmasdan.

"Anak," napatingin itong agad kay Rico nang may maisip, "Rico, kailangan mo ng layuan si Janine kung gusto mo pang mabuhay ng matagal. Rico, iligtas mo ang sarili mo."

Agad na napailing si Rico, "Hindi ko iiwan si Janine, Mika."

"Iwanan mo na siya Rico. Kailangan natin siyang layuan kung hindi madadamay tayo sa gulo niya." Tinitigan siya nito at humawak sa kaniyang kamay.

"Hindi ko siya iiwan Mika kahit anong mangyari," nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito sa kaniyang kamay, "Sasamahan ko si Janine."

Nag-igting ang panga ng dalaga, "Nababaliw kana ba Rico ha? Madadamay ka kay Janine. Pwedeng mamatay ka kahit anong oras. Pwedeng mawalan ng mahal sa buhay ang magulang at kapatid mo kung hindi mo lalayuan si Janine. Rico mag-isip ka!"

Marahas siyang napabuntong hininga, "Mika hindi ko iiwan si Janine. Hindi totoo 'yang sinasabi mo. Nagkataon lang ang lahat kaya dapat wala kang sisihin."

"Rico, sunod-sunod na namatay ang kaibigan natin pati si Kurt. Mag-isip ka! Iligtas mo ang buhay mo!"

"Hindi ko gagawin 'yan! Kung gusto mong lumayo, lumayo ka. Iligtas mo 'yang sarili mo pati ang anak mo pero ako, hindi ko iiwan si Janine!"

Pinanlakihan siya nito ng mata, "Edi go! Kung gusto mong mamatay sumama ka sa kaniya! Basta ako, pinilit kitang iligtas ang sarili mo. Magsama kayong dalawa!"

Itinaboy siya nito at wala na siyang ibang nagawa kundi ang lumabas ng kwartong inuukupa ni Mika.

Nagmadali siyang lumabas ng hospital dahil naalala niyang naiwang mag-isa si Janine sa bahay nito.

Mahal na mahal niya si Janine. Hindi niya ito kayang iwanan sa kasagsagan ng kahinaan ng dalaga. Ayaw niyang maramdaman nito na nag-iisa siya at pinagkakaisahan ng mundo.

Bumababa siya sa tricycle na sinakyan at nakasalubong niya sa daan si Nay Dennise na may hawak na brown envelope at payong.

"Oh, Rico san ka galing?"

"M-may ginawa lang po saglit tita. Sorry po." Pagsisinungaling niya. Hindi niya gustong pag-alalahanin ang Ina ni Janine.

"Tara na." Masayang saad nito at sabay na silang nagtungo sa bahay nito.

Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam siya ng kaba sa kaniyang puso. Sa kutob niya'y may hindi magandang nangyari. Hindi niya malaman kung sino at saan.

Nakarating na sila sa bahay nila Janine. Nagpaalam si Dennise sa kaniya na pupunta ito sa kusina para maghanda ng miryenda at siya naman ay agad na natungo sa labas ng kwarto ni Janine.

"Janine?" Kumatok siya ng isang beses, "Nandito na ako Janine."

Sinundan niya ito ng ilan pang katok ngunit walang tumutugon kaya naisipan niyang buksan nalang ang pinto.

"Janine!" Napasigaw siya nang makita ang nakasabit na katawan ni Janine sa kisame. Agad siyang lumapit kay Janine at umiiyak na pumatong sa upuan para tanggalin ang tali sa leeg ng dalaga.

"Diyos ko Janine!" Napaakyat narin si Dennise nang marinig ang malakas na sigaw ni Rico.

Dilat pa ang mga mata nito ngunit malapit nang mangitim ang kaniyang mukha. Mabuti nalang at naagapan ni Rico ang nais gawin ng dalaga.

"Janine." Agad niya itong niyakap nang makalas ang tali ng dalaga sa leeg.

Napatingin ito sa kaniyang mukha at tumulo ang luha nito, "Rico..."

Umiiyak na niyakap niya ang dalaga, "Janine bakit mo naman nagawa 'yun? Hindi ko kayang mawala ka Janine."

"Diyos ko Janine! Bakit mo naman nagawa 'yan anak!"

Ramdam na ramdam ni Rico na malapit nang kapusin ng hininga si Janine. Salamat sa Diyos dahil nagawa niyang tanggalin ang tali sa leeg ng dalaga sa madaling panahon.

"Janine, alam kong down na down kana pero hindi mo dapat naisipang gawin 'yun. Paano nalang ang Mama at kapatid mo? Paano nalang ako Janine kapag nawala ka?"

Alala niyang hinalikan ang noo nito. Tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha ni Janine nang makita nito ang paghihirap sa mga mata ni Rico.

"Patawarin mo ako Rico. Patawarin mo ako. Patawarin niyo ako. Hindi ko gusto 'to. Patawarin niyo ako." Niyakap ng dalaga ang Ina at nobyo.

Natauhan ito sa balak niyang gawin na pagkitil sa kaniyang buhay. Ito nalang kasi ang naisip niyang paraan para wala ng buhay pa ang mawala dahil sa kaniya.

Naguluhan na siya sa nangyari kanina at may bumubulong rin sa kaniya na gawin ang bagay na iyon. Nawala na siya sa kaniyang sarili.

"Wag mong gagawin 'yun Janine ha?" Saad ni Rico.

Napatango siya. Sising-sisi siya sa mga nagawa niya dahil nagawa niyang pakabahin at pag-alalahanin si Rico at ang kaniyang Ina.

"Mahal na mahal kita Janine. Kahit anong mangyari sasamahan kita."

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon