CHAPTER 30

71 5 0
                                    

"Oh kamusta naman Pre?" Nakingiting tumayo sa kinauupuan si Kurt at sinalubong ang kaibigan.

Ang tingin ng lahat ay napako sa dalawang kararating lang na si Rico at Janine. Parehas itong nakangiti at hindi magkatinginan sa isa't isa.

"Success pre!"

Natuwa ang lahat. Inakbayan ni Kurt ang matalik na kaibigan pagkatapos ay ginawa nila ang kanilang signature fistbomb.

"Ganyan ang utol ko! Kamusta naman ang damoves? Paano ha?"

"Tss. Hindi nga ako nakadamoves e."

Napahinto sila sa paglalakad tsaka humarap si Kurt sa kaibigan nang may pagtataka sa mukha.

"E, paano mo nasabing success kung hindi ka dumamoves? Ang labo mo tol!"

"No kaba naman? Edi syempre di ko naman alam na si Janine ang aamin sakin kaya hindi nako nakapagdamoves. Siraulo!"

Napangisi si Kurt pagkuway ginulo ang buhok ng kaibigan, "Aww iba ka talaga tol!"

"Ang kaso hindi pa kami."

"Ha?" Napanganga ang lahat sa kanilang narinig.

Napakamot si Rico sa kaniyang ulo. Tumingin siya kay Janine at sumenyas naman ito sa kaniya na siya na ang magsabi sa mga kaibigan kung ano ang dahilan.

"Gusto kasi ni Janine na bago maging kami, ipapakilala niya muna ako sa Mama at kapatid niya. Hindi ko naman siya minamadali at patiently waiting ako."

"Kaya naman pala!"

Nagsihiyawan ang lahat. Sa wakas ay nagbunga ng maganda ang kanilang mga plano. Mabuti at hindi nasayang ang kanilang effort.

Napangisi si Carlos sa mga narinig. Nilapitan niya si Rico, "Congrats pre."

"Salamat!"

Nakangusong kumapit naman sa braso ni Rico si Reymundo. Sumandal pa ang baklita sa kaniyang balikat, "I'm happy for you Papa Rico."

Napatawa nalang si Janine sa itsura ng binata. Halatang hindi ito komportable sa ginagawa ni Reymundo. Tulungan mo naman ako oh?

Hinila ni Abi ang kaibigang baklita, "Hoy Amanda. Tumigil tigil kana sa pagkapit mo kay Rico may nagmamay ari na dyan so keep a distance."

"Alam ko naman atih gurl! Di mo na kailangan sabihin."

Napairap ito sa kawalan. Lumapit naman siya kay Janine, "Alagaan mo tong si Papi Rico ha?Sayang ang palay."

"Tama nayan mga sis. Kailangan na nating gumora dahil papadilim narin. Mukhang hindi narin natin mapapasyalan yung ibang lugar." Saad ni Abi. Tumungo siya kay Mang Nestor at nagpasalamat.

Nagsisakayan na sila sa sasakyan. Habang nasa biyahe'y nakatulog ang lahat maliban nalang kay Janine na gising na gising parin.

Alas siete na ng gabi at madilim narin ang daang kanilang tinatahak pabalik sa bahay bakasyunan nila Abigail.

Hindi maiwasan ni Janine ang isipin ang mga nakakatuwang pangyayari kanina. Napapangiti siya lalo na't katabi niya ngayon si Rico. Tulog na tulog ito habang nakasandal ang ulo sa balikat ng dalaga.

Napatingin siya sa labas ng sasakyan habang ito'y umaandar. Kumabog nang malakas ang kaniyang puso nang makita ang isang babaeng nakaputing hanggang balakang ang haba ng buhok.

Tuloy-tuloy ang pag andar ng sasakyan hanggang sa makita niya na ito sa malapitan.

Abot hanggang tenga ang ngiti nito, maputla at diretsong nakatingin sa kaniya ang nag iitim nitong mga mata habang hawak ang isang pugutang ulo.

Napabalikwas si Janine sa kaniyang kinauupuan nang mapagtantong kaparehas ng babae ang babaeng nakikita niya sa kaniyang mga panaginip.

Sinusundan nito ng tingin si Janine. Nanayo ang lahat ng kaniyang balahibo at sobrang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso.

Nang makalagpas sa nasabing babae ay takot na takot si Janine, "K-kuya, napansin mo ba yung babaeng nasa gilid ng kalsada kanina?"

"Ma'am? Wala naman po akong nakita. Ni wala nga po akong nakikitang tao sa paligid." Tugon ng driver.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Lumingon siyang muli sa nilagpasan na daan ngunit wala na doon ang babae.

Anong nangyayari? Anong ibig sabihin nito? Bakit ba siya laging nagpapakita saakin? Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari.

"Madalas po talagang may magpakita dito Ma'am kaya hindi napo bago." Saad ng driver habang abala sa pagmamaneho.

Labis parin ang pagtataka ni Janine dahil napapadalas na ang pagpapakita sa kaniya ng babaeng iyon kahit na hindi pa sila pumupunta ng Batangas.

"Hmm..." Pag ugong ng kaniyang katabi. Mukhang nagising ata ito dahil sa kalikutan ng dalaga. "Matulog kana muna Janine."

Pinakalma niya ang sarili. Mabuti nalang at unit unti nang nawala ang kaba sa kaniyang dibdib ngunit nandoroon parin ang takot sa kaniyang isipan.

Wala lang yun. Hindi totoo yung mga nakita ko kasi hindi nakita ni Manong. Tama! Dapat hindi ko tinatakot ang sarili ko.

Nagdasal siya sa kaniyang isipan hanggang makatulog siya sa tabi ni Rico.

***

Matapos kumain, maglinis at mag kwentuhan ng magkakaibigan ay dagli na silang nagsitunguhan sa kani kanilang mga silid.

Alas dose na ng gabi. Ang iba ay gising na gising pa samantalang ang ilan ay mahimbing nang natutulog.

Tumagilid ng higa si Rico upang mapagmasdam ang mukha ng katabi. Gustong gusto niyang nakikita ang maamong mukha ni Janine sa tuwing ito'y mahimbing na natutulog. Napangiti siya bago ipinikit ang mga mata.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon