CHAPTER 56

76 3 0
                                    

          Naramdaman ni Janine na hinalikan siya ni Rico sa kaniyang noo bago ito humiga sa kutson sa sahig. Pansamantala munang matutulog si Rico sa kaniyang kwarto dahil gusto ng kaniyang Ina na bantayan siya nito ngayong gabi .

Natatakot kasi ang kaniyang Ina na baka may gawin nanaman siyang masama sa kaniyang sarili. Panatag naman ang loob nito na mababantayan talaga siya ni Rico.

Napabuntong hininga siya. Ang totoo ay hindi pa talaga siya makatulog, ayaw niya lang magpahalata dahil baka mag-alala nanaman si Rico. Naaawa na rin siya sa binata dahil nasasangkot ito sa gulong nangyayari sa kaniya.

Tumulo nanaman ang kaniyang luha. Hinang-hina na siya sa mga nangyayari. Kailangan na niyang malutas ang problema bago pa may mawalang buhay ulit.

Hindi niya alam kung paano at kung saan magsisimula. Hanggat maaari gusto niyang walang madadamay pa sa problema niya. Kung pwede lang sanang siya nalang ang hahanap ng solusyon sa sarili niya. Ginawa niya na.

Pinahupa niya ang kaniyang pag-iyak at ilang segundo ang lumipas bumagsak nalang bigla ang talukap ng kaniyang mga mata.

"Patawarin niyo na ako. Sising-sisi na ako sa mga pinaggagagawa ko. Gusto ko nang matapos ang mga paghihirap na ito."

Nakaratay si Vicente sa kaniyang higaan. Halos buto't balat na ito dahil sa sakit na kaniyang iniinda. Hindi malaman ng mga doktor na bumibisita sa kanilang bahay ang tunay niyang karamdaman.

Nagsusugat-sugat at namamalat na rin ang kaniyang mga balat. Halos hindi na rin makikita ang dati niyang maayos na mukha.

"Vicente, malalagpasan rin natin ang mga problemang ito." Saad ng kaniyang asawa habang panay ang pag-ubo.

"Hindi ko na kaya Isabelle mas gugustuhin ko nalang na mamatay kaysa magdusa dahil sa karamdamang hindi ko matukoy."

Napaluha si Isabelle dahil sa sinabi ng kaniyang asawa. Niyakap niya ito nang panandalian.

"Mama, sana po gumaling na si Papa. Naaawa napo ako kay Papa." Lumuluha ring saad ng kanilang anak.

Napayuko na lamang sa lungkot si Isabelle. Wala na silang ibang magawa kundi ang maghintay na may mangyayaring himala sa kalagayan ni Vicente.

"Ginoong Vicente! Isabelle! Si Ginoong Marcelino, pumanaw na!" Hinihingal na saad ng kararating lang na hardinero ng kanilang hacienda.

"P-paano nangyari 'yun?" Tanong ni Vicente kahit pa kinakapos na siya ng hininga.

"Wag ka ng magsasalita Vicente, nahihirapan kana." Ani Isabelle habang hinahaplos ang kaniyang noo.

"Hiwa-hiwalay ang katawan niyang natagpuan sa tabing ilog at ang haka-haka ng mga tao ay si Angelita ang may kagagawan. Nitong mga nakaraang araw kasi ay nagpapabalik-balik doon si Angelita sa tabing ilog. Napansin 'yun ng mga nakatira dun kaya hindi malabong siya ang may kagagawan."

"Napakahirap mambintang ng ganyan sa isang tao." Hindi naniniwalang saad ni Isabelle.

Napamaang si Vicente. Ang kutob niya'y si Angelita nga ang lahat ng may kagagawan ng mga pagpatay nitong nakaraang mga araw. Maaaring alam na nito na sila ang pumatay kay Josefino kaya ngayon ay naghihiganti na siya.

Pero paano? Paano niya nalaman na sila Vicente ang gumawa n'un sa kaniyang asawa? Wala namang nangahas na magsumbong at kabilin-bilinan ni Vicente sa kaniyang mga tauhan na walang magsasabi kanino man.

"Aray!"  Napasigaw si Vicente sa sakit.

"Vicente anong nangyayari!?"

Naninikip ang kaniyang dibdib at tila may dumagan dito dahilan para hindi siya makahinga nang maayos.

Habang tumatagal ay pabigat nang pabigat ang nakadagan sa kaniyang Dibdib. Hindi na siya makahinga at ilang saglit ay parang may humila nalang sa kaniyang kaluluwa.

"Vicente! Tumawag kayo ng doktor!" Ginigising ni Isabelle ang kaniyang asawa ngunit hindi ito rumiresponde.

Napatawa si Angelita dahil sa kaniyang mga nasasaksihan. Napapanuod niya kasi kung ano ang nangyayari sa mga pumatay sa kaniyang asawa sa pamamagitan ng kawang ginagamit niya sa kaniyang pangkukulam.

"Nararapat lamang 'yan sa inyo mga hangal! Kulang pa ang dinadanas niyo! Unti-unti na kayong nauubos!" Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang tumatawa nang malakas.

Hinihingal na dinilat ni Janine ang kaniyang mga mata. Mabuti nalang at nagising siya sa isa nanamang masamang panaginip.

"Si Angelita nanaman. Sumama na talaga siya! Nilamon na siya ng galit kaya walang awa niyang pinagpapapatay ang mga taong pumatay sa asawa niya."

Inilapat niya ang kaniyang palad sa hindi mapakalmang dibdib. Kumalma ka puso. Panaginip lang 'yun.

Napakunot ang kaniyang noo. Napagtanto niyang laging nagpapakita sa kaniya si Angelita. Kung minsan pa ay may hawak itong pugutang ulo.

"Hindi kaya may kinalaman 'tong mga napapanaginipan ko sa mga nangyayari?"

Si Angelita at ang asawa niya. Hindi lang siya nagpapakita sa mga panaginip ko, pati narin sa totoong buhay. Pati 'yung araw na malapit na kaming magbirtday ni Abi. Nagpapakita siya sa akin. 'Yung number 20 na dugo ang gamit sa pagsulat. Pero anong kinalaman nung number na 'yun?

Ay! Namalik mata lang pala ako nun.

Nanakit bigla ang kaniyang ulo dahil sa mga iniisip. Napahangad siya nang maalala ang gabing muntikan na siyang mamatay.

December 19, 11:58 ang natatandaan ko. Sa oras na'yun nawalan ako ng ulo. Natatandaan ko 'yung oras na nakita ko sa camera ni Mika. Tapos 12:00 am tsaka may biglang bumaril.

Napadaing siya nang mas lumala pa ang sakit ng kaniyang ulo. Napayuko siya habang hawak ang sentido.

Magdi-December 20 nun. 12:00 am na nun means December 20 na.

"So, yung nakita kong 20 sa salamin, kaparehas ng magiging edad ko nun, 20 years old nako nung December 19, tapos may bumaril around 12 am which is December 20. Puro sila 20? Anong meron sa 20? Bakit pare-parehas na nagpapakita ng 20 ang mga nangyari. Ang gulo." Bulong niya sa sarili.

Tahimik siyang napabangon sa kamang kinahihigaan at kinuha sa desk ang kaniyang laptop. Binuksan niya ito.

Nananakit man ang mata ay pinilit niyang magpokus sa monitor ng laptop. Tumungo siya sa chrome at naisipan niyang i-search ang sinasabi ni Mika na pamahiin.

Maraming resulta ang lumabas at ang tanging pinindot niya ay yoong marami ng nakapagbasa.

Binusisi niya ang nasabing article ngunit wala namang nakasaad doon kung papaano mapapatigil o maiiwasan ang pangitaing signos. Hindi niya rin matukoy kung bakit niya naisipang hanapin ang pamahiing iyon.

Marahil siguro ay gustong malaman ni Janine ang mga koneksyon ng mga nangyayari. Naghanap-hanap pa siya ngunit wala na siyang makuhang ibang impormasyon.

Napakunot noo siyang bigla nang makakita ng isang repleksyon ng babae sa monitor ng kaniyang laptop. Tinakpan niya ang kaniyang bibig upang hindi siya makalikha ng anumang ingay tsaka dahan-dahang lumingon at hindi nga siya nagkamali sa kaniyang nakita.

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon