Diring diri siya sa tuwing maiisip niya ang mga sandaling kanilang pinagsaluhan. Parang gusto niyang sumuka nang sumuka. Tinignan niya ang sariling repleksyon. Napapikit siya at ilang beses na napabuntong hininga.
Ano bang nangyayari sakin? Anong nagawa ko? Halos isuko ko na sa kaniya ang pagkababae ko.
Sinadya niyang magtagal ng ilang minuto sa loob ng banyo. Inip na inip na si kurt sa kakahintay sa kaniya. Makailang beses rin siyang tinatawag nito.
Isang oras ang nakalipas, dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng banyo. Nagtagumpay siya sa nais niyang gawin dahil naabutan niyang mahimbing na natutulog si Kurt sa kama. Nakatopless pa ito kaya kitang kita ang umbok ng kaniyang mga abs at muscles.
Halos mapadura siya sa mga nasaksihan. Agad siyang lumabas sa Hotel na iyon. Gulong gulo ang kaniyang buhok na aakalain mong sumabak sa matinding gera.
"Buwisit!" Inis niyang saad. Pumara siya ng taxi at agad na sumakay.
***
Lasing na lasing si Carlos matapos makipag inuman sa mga kabanda. Ginunita kasi nila ang Ikaapat na anibersaryo ng banda nilang 'Border Line'.
"Carlos, lasing na lasing kana." Suway ng kabandang si Samuel. "Ipasundo na kaya natin'to."
"San ba 'yung cellphone niyan?" Tanong naman ni Billy.
Tinignan ni Ronnie ang kabuuan ng lasing na kaibigan, "Nasa bulsa ata. Kuhain niyo para mapasundo na siya."
Nag aalala na ang tiyahin ni Carlos. Alas onse na ng gabi ngunit wala pa rin ito sa kanilang bahay. Alam niyang kasama nito ang mga kabanda ngunit masyado naman itong matagal kung umuwi.
"Hay nako! Batang 'yun talaga! Lagi akong pinag aalala." Napabuntong hininga siya saka sinubukang tawagan ang numero ni Carlos ngunit walang sumasagot.
Nakarinig siya ng ilang katok mula sa labas ng kanilang gate. Bahagyang nawala ang kaniyang pagkabahala at dali daling tumungo sa labas.
Nadismaya siya nang iba ang maabutan ngunit napangiti siya nang makita si Diana. "Oh? Gabi na ah? Bakit pumunta ka pa dito? Baka nag aalala mga magulang mo niyan."
Nakangiting umiiling ang dalaga, "Hindi, nagpaalam po ako sa kanila tsaka isasauli ko lang po 'tong naiwan ni Carlos sa library nung nakaraan." Saad nito tsaka inabot ang isang binder.
"Ay nako, Hija! Nag abala ka pa. Salamat. Isasauli ko nalang ito kay Carlos kapag nandito na siya." Tinanggap niya ang binder at ginantihan ng ngiti si Diana.
Bahagyang nagtaka si Diana dahil akala niya'y nasa loob lang si Carlos, "Po? Wala po ba dyan si Carlos?"
Napabuntong hininga ang ginang, "Nako, wala pa nga e. Nag aalala na ako sa batang 'yun."
"Nasaan po siya ngayon?"
"Kasama ng mga kabanda niya. Siguradong nag inuman 'yung mga 'yun pagkatapos ng gig."
"Ah... sige po!" Nginitian niya ito.
"Sige, Hija! Salamat. Ingat sa pag uwi."
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...