Ayaw mang maniwala ni Janine sa mga narinig mula sa mga kaibigan ngunit nasasaktan siya sa tuwing umuulit iyon sa kaniyang isipan.
Napayuko siya at niyakap ang sarili sa pamamagitan ng pag-akap sa kaniyang tuhod. Hindi niya lubos maisip na parang sinisisi siya ni Kurt sa pagkamatay nila Abi at Reymundo.
Wala naman siyang ginawang masama para pag-isipan ng ganung bagay. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Hindi niya alam kung bakit namatay ang dalawa niyang kaibigan.
"Janine, aalis lang ako saglit para kuhain ang card ng kapatid mo. Makakabalik naman ako kaagad. Dito ka lang sa bahay ha? Nakatakip sa kusina 'yung sopas kumain kana at uminom ng gamot para gumaan naman 'yang pakiramdam mo. Wag kang aalis dito sa bahay." Rinig niyang sigaw ng Ina mula sa labas ng kaniyang kwarto.
"Opo ma." Walang buhay na saad niya.
Sinadya niyang hindi pumasok ngayon sa eskwela dahil masama ang pakiramdam niya bukod doon ay nalulungkot rin siya sa mga nangyari kahapon.
"Wala naman akong ginawa diba? Wala naman akong kasalanan. Nagkataon lang naman 'yung mga nangyari diba?" Muli nanaman siyang napaluha.
"Bakit parang kasalanan ko ang lahat? Wala nga akong alam e. Hindi ko alam kung ano 'yung nangyayari."
Napasinghap siya at pinahid ang kaniyang luha.
"Janine?" Inangat niya ang kaniyang mukha nang makarinig ng pamilyar na boses mula sa salas.
"Si Rico 'to. Nasan ka?" Hindi siya nagkamali ng inisip.
"Nandito ako Rico. Saglit lang." Aalis na sana siya sa kaniyang higaan ngunit muling nagsalita si Rico.
"Wag ka ng umalis dyan sa kwarto mo, alam kong masama ang pakiramdam mo ngayon. Sakto at ibinilin ka saakin ni Tita Dennise."
Napasinghap siyang muli. Mabuti nalang at nandyan si Rico para ipagtanggol siya sa mga binibintang sa kaniya.
Ilang segundo ang nakalipas ay narinig niyang bumukas ang kaniyang kwarto. Inangat niya ang paningin at nakita niya si Rico na may dalang isang tray na naglalaman ng mangkok ng sopas, tubig at gamot.
"Sinabi sakin ni Tita na masama daw ang pakiramdam mo ngayon. I decided na hindi rin pumasok dahil medyo masama pa ang loob ko kay Kurt."
Inilapag ng binata ang tray sa side table ng kaniyang kama at alala siyang tinignan nito pagkuway kinapa ng binata ang kaniyang ulo.
"Janine, wag mo ng isipin 'yung kahapon. Tsaka wag kang maniniwala sa mga pamahiing pinagsasabi nila Kurt. Hindi totoo 'yun. Kumain kana."
Napasinghap siya, "Ayos lang ako Rico. Maraming salamat."
"Walang anuman. Ano pa't naging boyfriend mo ako? Nandito ako Janine para mahalin at alagaan ka. I'm always at your side."
Napangiti siya sa sinabing iyon ni Rico. Kahit papaano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman. Lumapit siya sa side table at nagpatulong kay Rico na kuhain ang mangkok ng sopas.
"Subuan na kita?" Ngising saad nito.
Kinurot niya ang tagilaran ni Rico, "Hindi na ako bata para magpasubo pa. May sarili akong kamay sige na, ako na ang mag-aasikaso sa sarili ko."
Napangiti rin si Rico at hinagkan siya sa kaniyang noo, "Dyan ka muna ayusin ko lang 'yung mga pinagkukuha ko sa kusina niyo."
Tahimik siyang napatango at sinimulang sumubo ng sopas. She felt a relief nang dumampi sa kaniyang bibig ang mainit-init na sopas.
"Ikaw ang dahilan... Ikaw ang dahilan... dahil sayo namatay ang kaibigan mo..."
Napahinto siya sa pagsubo ng sopas nang makarinig siya ng nakakatakot na tinig sa kung saan. Binitawan niya ang hawak na kutsara at tumingin sa paligid.
"Hindi mo alam? Ikaw talaga ang dahilan..."
Hindi! Hindi ako ang may kasalanan! Kung sino kaman lumayas ka sa isip ko!
***
"Umuwi ka kaagad ha? Mamahalin pa kita. Bilisan mo." Niyakap siya ni Kurt at panandaliang ninakawan ng halik.
"Kurt bibili lang naman ako sa labas. Wag kang oa!" Naiinis siya dahil sa kacornyhan ng kaniyang nobyo ngunit natutuwa siya dahil sa mga kilos nito.
Napakasweet at maalaga talaga ito sa kaniya. Para niya na ring asawa ito dahil madalas kung pumunta siya sa condo ni Kurt at manirahan sa isang bubong.
"I love you!" Rinig niyang sigaw nito nang makatungo siya sa elevator. Napailing-iling siya at kinuha ang cellphone sa bulsa.
Nagtipa siya ng mensahe para sa nobyo, "I love you too honeybunch! Dyan ka lang mamaya habang wala ako nambababae kana pala. Nako kukurutin ko 'yang 7 inch mo!"
Napatawa siya sa kaniyang kapilyahan. Pinindot niya ang ground floor at ilang sandali pa ay hinatid siya nito sa ground floor kung nasaan ang parking lot.
Kinuha niya ang susi sa bulsa tsaka tinungo ang sasakyan ni Kurt. Siya muna ang maggogrocery ngayon dahil si Kurt ang nakatokang maglilinis ng unit.
Pinagana niya ang makina ng sasakyan para tumungo sa pinakamalapit na department store.
Doon ay namili siya ng kakailanganin nila ni Kurt. Habang tulak-tulak ang isang malaking cart ay abala siya sa pagtingin-tingin ng mga produkto at nang matapos ay bahagya siyang nainis nang makita ang mahabang pila sa bawat kahera.
Napamura siya sa kaniyang isip tsaka naghanap ng medyo unting tao lang ang nakapila na kahera.
![](https://img.wattpad.com/cover/135299009-288-k280801.jpg)
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...