Pagpasensyahan niyo napo ang chapter na ito kung mukhang putol dahil may naputol po talaga sa unahang part nito. Inedit ko po kasi ito nung nakaraan and hindi ko namalayan na may naputol pala akong part which is yung pagsiset-up yung mga kaibigan nila Janine para sa prank.
-marizest
***
"Nasaan naba 'yung mga 'yun?" Inis na tanong ni Janine habang lumilinga-linga sa paligid.
Muli silang napahinto nang makarinig ng hagulhol na patungo sa kanilang direksyon.
"Abi hindi na maganda 'yung nararamdaman ko dito!"
Habang patagal nang patagal ay mas lumalakas ang hagulhol na naririnig nila. Naghanda silang dalawa ng bato at itinaas iyon sa ere.
"Kung sino ka man, itigil niyo na'yan! Wala kaming kasalanan sa inyo. Kung nagambala man namin kayo, pasensya na!"
Napatingin sila sa gawing kanan at parehas silang napatili nang makita ang tumpok ng mga nakaitim na tao.
"Mga walang hiya kayo! Mamatay-matay na kami dito sa takot!" Singhal ni Abi.
Inis nilang pinagmasdan ang mga kaibigang nakasuot ng plain black t-shirt at nakabelo pang itim, may hawak silang tarpaulin na may mukha ni Janine at Abi pati mga lapida na may pangalan nilang dalawa na may nakasulat na 'Happy birthday Janine and Abi'.
"Balak niyo ba kaming patayin ha? Hindi magandang gimik guys!" Asik ni Janine.
Nagsipagtawanan ang magkakaibigan nang maisagawa nila ng maayos ang plano. Nagawa lang naman nilang takutin ang dalawang may birthday sa gabing ito.
"May palapida lapida pa kayong nalalaman!? Sa tingin niyo maganda 'yang ginawa niyo?" Pinagkrus ni Abi ang kaniyang mga kamay at muling umupo sa batong kinauupuan niya kanina.
Bigla siyang nabahala nang maalala kung ano ang nakita niya sa salamin kanina. Ang katawan niyang biglang nawalan ng ulo. Mas lalo pa siyang nainis sa mga kaibigan sapagkat dahil doon ay naalala nanaman niya iyon.
"Kayo naman hindi kayo mabiro." Saad ni Mika at inilagay sa tabi ang camerang hawak tsaka inilagay ito sa isang stand.
"Biro? Mga teh, hindi biro 'yun? Paano kung biglang may mangyaring hindi maganda satin ngayon ha?" Iritang tugon ni Janine.
Nawala ang ngiti sa mga labi ng magkakaibigan at malungkot na umupo sa kani-kanilang batong pinagkakaupuan kanina.
"Sis, gimik lang naman 'to. And sorry for what happened." Saad naman ni Reymundo.
"Basta ako nakisama lang ako sa kanila. Ayoko naman talagang sumama sa ganitong prank." Wika ni Rico.
"Guys!" Napahagikhik si Kurt, "It's just a gimmick. Naisipan namin kayong isurprise and i-prank narin at the same time kasi tamang-tama 'tong gubat na'to as a setting. Tsaka walang mangyayaring masama, happy happy lang tayo dito. Sorry Abi and Janine if this was offended you."
"Kaya nga! Happy lang mga sis, dami kaya naming naeffort dito!" Saad ni Diana.
Napabugang muli si Janine ng hangin, "Oo na, it's just a gimmick pero sana hindi na maulit. Tsaka kung manggaganyan kayo wag sa ibang lugar pwede?"
"Okay! Sorry mga sis!" Saad ni Reymundo at niyakap ang dalawang kaibigan.
"Tutal, magandang setting naman 'to, bakit kaya hindi tayo magkwento ng mga nakakatakot nating karanasan dati. Like ghosts, monsters basta ganun. Diba?"
"I agree Diana! Mukhang marami akong makukwento dyan!" Masayang tugon ni Kurt.
Napatango ang magkakaibigan at nauna nang magkwento si Diana, "Let me share you my most horrible experience, When I was elementary sa Antipolo pa ako nag-aaral nun, 'yung school namin is may libingan ng mga patay sa likod. And sabi may nagalang kaluluwa daw sa building namin dati tuwing gabi."
"Ay true sis! Ganyan din sa school namin dati." Singit ni Reymundo.
"Ganyan din sabi sakin ng pinsan ko and madalas mga public school 'yung may ganun." Wika ni Kurt.
"Wait, hayaan niyo muna akong magkwento." Napatango sila tsaka muling nagsalita si Diana upang magkwento.
"So at first hindi pa ako naniniwala. Kasi nung grade 6 hindi talaga ako naniniwala sa mga kaluluwa ganun kasi ang sabi saakin ni Mama hindi naman daw totoo 'yun. Tinatakot lang daw namin sarili namin kapag naniniwala kami sa ganun.
Tapos one day, naisip ng mga kaibigan ko na pumunta sa school ng gabi kasi gusto nilang patunayan na walang multo sa building namin, ako nerd na tahimik unting pilit lang nila saakin napapayag nila akong agad.
7 pm pumasok kami ng pasikreto sa school, medyo nakakatakot na 'yung vibe nun kasi masyadong madilim tapos kami nalang 'yung tao nagsiuwian narin 'yung mga staff ng school. Umakyat kami sa floor kung nasaan 'yung room namin which is 3rd floor, nagtago kami sa gilid ng room para pagmasdan 'yung hallway kung totoo nga bang gumagala 'yung multo.
Then nagulat kami biglang nangisay si Erika 'yung leader ng group namin. Sobrang natakot kami nun at umiyak narin kami kasi hindi namin alam 'yung gagawin namin buti nalang natawagan namin 'yung mga parents namin at napapunta sa school ng ganun kagabi. Wala na akong ibang narinig nun basta ang sabi nasaniban daw si Erika. Pulang pula yung mata and wala sa sarili. Sisingsisi talaga kami sa ginawa namin kalokohan nun."
Napailing-iling si Carlos at pinitik ang noo ng dalaga, "Yan ang tigas kasi ng ulo!"
"Dati lang naman 'yun! Hindi ko na gagawin 'yun ulit no!" Anas niya at hinawakan ang noo.
"Samin naman, maraming nasasaniban na student sa school namin. May time pa nga na nasaniban 'yung dalawa naming classmate at kami 'yung nagpaalis sa badspirit. 'Yun lang naman ata ang horrible experience ko." Wika naman ni Mika.
"O my God! Nakakatakot naman 'yang mga experience niyo. It's really creeping me out mabuti nalang wala akong naexperience na ganyan." Niyakap ni Abi ang katabing si Reymundo para mabawasan ang takot na kaniyang nararamdaman.
"Ako naman," napaisip si Kurt, "Nakakatakot na pwede kong maexperience e, 'yung bigla nalang akong iiwan ni Mika someday."
Nawala ang takot na nadarama ng lahat dahil sa birong iyon ni Kurt, "Hindi naman kita iiwan honeybunch e." Niyakap siya ng dalaga.
"Corny mo Kurt!" Anas ni Rico at binatukan ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...