CHAPTER 16

90 8 2
                                    

"Anong sinasabi niyo dyan? W-wala kaya!" Tanggi ni Mika. Mas lalong naging awkward ang atmospera sa pagitan nilang dalawa dahil sa utal siya kung magsalita.

"Nauutal siya oh!?" Pare parehas nanlaki ang kanilang mga mata. Ngumiti sila ng nakakaloko at muling tinignan ang dalawa.

"So anong nangyari before ng awkward situation niyong dalawa? Did you kiss? Masaya ba?" Hindi na napigilan pa ni Abigail ang mapatili.

"Masarap ba?" Dagdag ni Reymundo habang tinatakpan ang kaniyang bibig. Parehas silang napalunok. Muli nanamang nagbalik ang alaala nila mula nang gabing iyon.

"Manahimik nga kayo Reymundo, Abigail at Diana! Tignan niyo! Mas lalong nagiging awkward sa isa't isa 'yung dalawa sa mga pinagsasabi ninyo!" Suway ni Janine.

"Awts ha, reymundo talaga?" Iritang tanong ni Reymundo.

"Manahimik na kasi kayo." Pagpapatigil niya sa tatlo. Napatingin naman si Janine sa dalawa, "kayo, para hindi awkward, maglakas loob kayo na kausapin ang isa't isa."

"Hay nako! Puro kayo kalokohan! Anyway, may plano kasi itong si Abigail na pumunta sa resthouse nila sa Batangas sa December 15, since magbibirthday siya, aayain niya tayo sa resthouse nila. Mag aadventure tayo. Kaya siguraduhin niyong wala kayong importanteng lakad sa December 15 hanggang 21. Sagot ko na ang drinks, si Janine ang sasagot sa pagkain natin papunta doon at si Abigail na ang bahala kapag nandoon na tayo." Untag ni Rico.

Nagsipagtanguan naman ang lahat. Nagpaalam na sila sa bawat isa nang matapos ang kanilang pag-uusap tsaka pumasok na sa kani kanilang mga klase.

Napagdesisyunang muli ni Mika na hindi nalang pumasok sa ikaapat na subject niya. Ang awkward parin kasi ng pakiramdam niya sa tuwing makikita niya si Kurt sa papasukan niyang silid.

Nakaupo siya sa bench sa labas ng kanilang building. Hindi siya mapakali dahil paulit ulit na bumabagabag sa kaniyang isip ang sinabi ni Janine sa kanilang dalawa,

"kayo, para hindi awkward, maglakas loob kayo na kausapin ang isa't isa."

Matagal na niyang gustong kausapin ang binata tungkol sa mga nangyari ngunit wala siyang lakas ng loob para harapin ito.

Nais niya sanang linawin sa binata ang lahat lahat. Hindi niya intensyong gawin iyon ngunit dahil sa kalasingan ay nawalan siya ng kontrol sa kaniyang sarili.

Saglit siyang napaisip, "Sabihin ko na kaya?" Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang labi. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili dahil napapangiti siya sa tuwing maaalala kung gaano kalambot ang labi ni Kurt.

Sinapo niya ang kaniyang noo dahil sa karumihan ng kaniyang utak. Ano bang utak 'to?! Erase! Erase!

Tumayo siya sa kinauupaun at napagdesisyunang harapin na ang binata. Nahihirapan narin kasi siya sa pag iwas dito.

Pagkapunta niya sa labas ng kanilang silid ay wala siyang nakitang Kurt na naroon sa loob. Imbes na pumasok ay tinext niya nalang ang kaibigang si Rico upang magtanong.

Nagtipa siya ng mensahe at agad na isinend ito sa numero ni Rico, "Erp, nasan si Kurt?"

Nagtaka si Rico nang matanggap ang mensaheng mula kay Mika. Kunot noo niya itong nireplayan, "Hindi ko alam e, basta lumabas nalang dito kanina. Mukhang may hinahanap."

"Sige salamat!" Sagot niya saka tumakbo papalabas sa building.

Kung saan saan na siya nagpunta para lang hanapin si Kurt ngunit hindi niya ito mahanap. Wala na siyang ibang mapuntahan kaya naisipan niyang pumasok sa Auditorium kahit na imposibleng nandirito ba si Kurt sa loob.

Nabigo siya sa paghahanap. Hingal na hingal siyang umupo sa entablado ng madilim na Auditorium.

"Andito ka lang pala, pinahirapan mo pa ako." Napalingon siya sa nagsalita. Bahagya siyang naestatwa sa kaniyang kinauupuan nang matagpuan ang binatang hinahanap.

"Hinahanap din kita! Alam mo ba 'yun? Hingal na hingal pa nga ako e!"

Napakagat siya sa pang ibaba niyang labi. Napatalikod siya nang makaramdam ng hiya. Gayun rin naman si Kurt. Napatalikod sila sa isa't isa.

Bumilang muna sila ng limang segundo sa kanilang mga isip bago hinarap ang isa't isa.

"Magpapaliwanag ako!" Sabay nilang saad. Parehas silang napatawa.

"Sige, ikaw na mauna." Saad ni Kurt. Halatang kinakabahan ang dalawa pero para silang sira na tumatawa.

Mika cleared her throat. Napakamot siya sa kaniyang ulo bago nagsalita, "Hindi ko intensyon 'yung mga nangyari nung gabing 'yun." Panimula niya.

Sumeryoso ang hilatsa ng mukha ni Kurt at bahagya siyang nahiya sa sinabi ng dalaga.

"Y-yung kiss... Lasing ako nun. H-hindi ko dapat 'yun gagawin. Wala ako sa sarili nun."

Napabuntong hininga si Kurt. Nang tumahimik si Mika ay saka siya nagsalita, "Sorry, nagtake advantage ako. Sorry for that. Nakakainis nga e, alam na 'yung time na iniwan mo ako..."

Kinagat ni Mika ang pang ibaba niyang labi. Pinipigilan niyang lumabas ang kaniyang tawa.

"Feeling ko bumaba 'yung tingin ko sa pagkalalaki ko. Alam mo 'yun? 'Yung first time ko lang maiwan kapag may kababalaghang mangyayari. Madalas kasi ako 'yung nang iiwan sa mga kakama ko. Nakakababa ng ego. Playboy pa naman ako."

Hindi na napigilan pa ni Mika ang kanina pang pinipigilan na tawa. Malakas siyang napahalakhak.

"Buwisit ka! Kinababa pa 'yan ng ego mo ha!? Paano naman ako? Ikaw kaya 'yung first kiss ko? Alam mo 'yun? Parang nanakawan ako ng isang kaingat ingatan kong bagay. Alam mo 'yun ha!?"

Nagsalubong ang kilay ni Kurt, "Bakit ka tumatawa? E, ikaw kaya 'tong unang nanghalik sa atin? Tapos pakiramdam mo ninakawan kita? Wow!" Napatawa narin siya, "Hayuk na hayuk ka nga nun tapos ako pa 'tong magnanakaw!?"

"Ang angas ng term mo ha!? Hayuk na hayuk ako sayo!? What the fvck!? Naiintindihan mo ba 'yang sinasabi mo? Lasing ako nun! Wala akong alam sa mga pinaggagawa ko."

"Talaga? Wala kang alam? Oh! Come on! Alam mo, matagal ko naman nang alam na may gusto ka saakin e, tinatago mo lang. Kaya nung nagkaroon ka ng chance na masolo ako, tinodo mo na. Ginagawa mo lang excuse na lasing ka."

Napahawak si Mika sa kaniyang tiyan. Tumatawa siya ngunit sa kaniyang kaloob looban ay nagsisimula na siyang mainis,

"Ako? May gusto sayo!? Baka ikaw! Ikaw kaya 'tong gusto akong masolo, remember? Dinala mo lang naman ako sa isang hotel. Muntik mo na nga akong mabinyagan diba?"

Napabuntong hininga ang binata, "kaya nga ako nagsosorry diba? Sorry sa ginawa ko! Alam ko rin naman na nagustuhan mo 'yun."

Napatigil sa pagtawa si Mika. Napatingin siya sa kawalan at bahagyang napalunok, "N-nagustuhan? Duh! S-sukang suka kaya ako nun. Kung alam mo lang."

"Talaga?" Seryosong saad ng binata. Dahan dahan siyang naglakad papalapit kay Mika at unti unting napapangisi.

Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ni Mika. Balak na niya sanang tumakbo ngunit huli na ang lahat dahil nakulong nanaman siya sa mga bisig ng binata sa ikalawang pagkakataon.

"Walang babae ang hindi nagugustuhan ang halik ko. Baka nga kahit tomboy hindi makalimutan ang labi ko e."

Ramdam na ramdam ni Mika ang init ng hininga ni Kurt habang binubulungan siya nito. Muli siyang napalunok, "P-pakawalan mo ako."

"Bakit kita pakakawalan?" Mas lalo pang lumapit ang mukha ng binata sa kaniya. "Alam mo, Mika. Simula nung gabing 'yun, hindi na kita makalimutan. Sa tuwing sasama ako sa ibang mga babae ikaw ang naiisip ko. I always remember how you owned my lips. I always remember how you touched my manhood. Maraming babae naman ang gumagawa saakin nun pero ikaw lang ang tumatak sa isip ko. Special kaba? Ni hindi ka nga marunong humalik."

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon