Student Council
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point Of View
"Dumidilim na."
Halos sabay-sabay kaming napatingin sa mga ulap sa itaas ng biglang magsalita si Jhorie mula sa isang gilid. Nagsisimula ng mag kulay kahel ang mga ulap dahil sa papalubog na araw. Pinagmasdan ko iyon hanggang sa matamlay akong napabuga ng hangin. Tama sya, nagsisimula na namang dumilim. Nababalot na naman ng kadiliman ang buong eskwelahan.
Tapos na ang bawat klase at halos lahat din sa mga estudyante ay halos nagmamadali na para pumunta sa kanya-kanyang dormitoryo. The normal students are so afraid to be part of the gang's rivalry. May iba pa nga na halos madapa na dahil lang sa pagmamadali.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. I can't believe that it turned out this way. Hindi ako makapaniwala na nagawa nila ang ganito. Nagawa nilang bigyan ng ganitong takot ang bawat estudyante.
This is not the Daemon's Academy I once knew. Oo, magulo rin noon. May curfew pag lalim ng gabi pero hindi katulad nito. Kahit papano ay hindi ganito ang takot sa bawat isa. Takot sila noon na sumuway sa ibang alituntunin na kung saan may ambag sa ikagaganda ng buong eskwelahan. Ngayon ay purong takot na lamang na madamay sa gulo.
Ngunit sa kabila ng pagmamasid ko sa paligid ay sabay-sabay kaming natigilan, ng isang nakakabinging sigaw ang bumalot sa buong paligid na mabilis na nagdulot ng takot sa lahat ng nakarinig.
"Fuck! What's that?" Gulat na tanong ni Erin at sinundan ng tingin ang lugar kung saan kaming lahat nakarinig ng nakakakilabot na sigaw. Lahat kami ay sa iisang lugar lang napalingon.
"Sa Silver building." Bulong ni Abbygail.
Wala akong gustong sayangin na oras kaya't tatakbo na sana ako patungong Silver building para alamin ang nangyayari ng mabilis at alistong hinawakan ni Eya ang braso ko ng napakahigpit.
Nilingon ko ito gamit ang nagtatanong kong mga mata na mabilis naman niyang sinagot.
"Let the School Council handle it, Cassie. Hindi na natin kailangan pang mangialam. Lalong magiging komplikado." Hindi niya ako binitiwan at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa palapulsuhan ko kasunod ng paghila sa akin patungong White building kung asan ang girls dormitory.
Wala akong nagawa. Lumingon pa ako ng isa sa pinanggalingan noong sigaw pero wala na rin akong nagawa ng tuluyan na nilang akong hilahin paalis kasama ng iba.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romantik- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020