Chapter 32

1.6K 62 10
                                    

Flawless


~~~🌸~~~


Terrence's Point of View


"What the fuck! Terrence, can we talk about your offer again? Can you reconsider?"


"No, dude! I'm sorry! Once lang ako magbigay ng offer. Pinakawalan mo eh!"


"Fuck!" Mabilis akong napatayo nang magkalat ang chips na kinakain niya at ibato sa akin lahat.


"Tangina naman, Chen! Wag kang magsayang ng pagkain. Mahal yan! Singilin kita dyan eh nakita mo!" Pinagpag ko ang damit ko.


Damn it! Kulay puti pa naman ang suot ko kaya madaling makita ang dumi.


"Sige na. Ako na ang mag-o-offer oh. Malaki ang maitutulong ko dito sa negosyo mo. I can be your business partner, you know!"


Umiling ako. Wala na siyang makukuha sa akin. Matapos niya akong tanggihan noon bago ko buksan ang bar na ito? Not now!


"Noon hindi kayo naniniwala na kaya kong magseryoso pagdating sa negosyo tapos ngayon guguluhin mo ako? Fuck you, Chen! Magtayo ka ng sarili mong bar. Wag mo na akong guluhin." Singhal ko rito.


Kung kailan napatunayan ko na ang gusto kong patunayan ngayon siya aasta ng ganyan?


"Paano kaya kung magtayo rin ako ng bar dyan sa tapat mo?"


At ang gago nagawa pa akong tawanan. Ayos lang! Gawin niya ang gusto niya wala akong pakialam.


Nagbukas ako ng panibagong bote ng beer.


"Okay lang, basta humanda ka ng malugi." Nakangisi kong sagot kaya nasalo ko ang panibago nyang malulutong na mura.


Natawa ako. I am serious as fuck! Kahit ilang bar pa ang ipatayo nila sa tapat seryoso ako sa ginagawa ko kaya hindi nila ako matatakot.


"Kapag talaga itinuloy ko 'yon wag kang magagalit ha?"


Napangisi ako. Hindi! Hinding-hindi. Hindi niya ako masisindak dahil seryoso na ako ngayon sa ginagawa ko.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon