Chapter 10

4.9K 203 17
                                    

Surprise


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point Of View


"Let her go!" Narinig ko ang malalamig na boses ni Lance mula sa likuran ng utusan niya ang taong may hawak sa akin.


Bawat salita niya may diin. Bawat pagbigkas niya malalim. I know I was stuck in this horrible situation, but then I don't know kung bakit hindi man lang ako dapuan ng kahit konting takot, wala man lang akong maramdaman kahit na konti. His voice is giving me the assurance that I am safe now.


"I'll give you 10 seconds. You'll let her go, or you'll die." Naramdaman ko ang takot ng nilalang na nasa likod ko dahil ramdam ko ang panginginig ng mga hawak niya sa akin.


Hindi na rin ako gumalaw. Tila, naghintay na lang din ang katawan ko sa mga susunod na mangyayari.


"Ten—


Iyon pa lang ang nasasabi ni Lance ng isang putok ng baril ang nagpatigil sa aming lahat. Akala ko galing ito kay Lance, pero hindi.


Nilingon ko ang pinanggalingan noon at doon ko nakita si Shainna sa isang gilid malapit sa malaking puno. Ibinaba niya ang baril matapos humandusay sa lupa ng taong tinamaan ng bala mula sa baril na hawak niya.


"Nine!" Pagpapatuloy ni Lance na parang walang narinig, lalo naman itong ikinanginig noong lalaki.


"Eight!"


Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ramdam ko ang takot at panginginig ng lalaking may hawak sa akin habang tila nag-iisip sa mga susunod na gagawin.


"Seven—


But with that, halos mapasalampak ako sa lupa. Itinulak ako noong lalaki kaya napadaing ako matapos kong tumilapon. Tumakbo rin iyong lalaki palayo. Napakabilis niyang kumilos kaya hindi ko kaagad iyon nasundan.


"Shit! Cassiopeia! Are you okay?" Mabilis akong dinaluhan at tinulungan ni Lance para makatayo.


"Fuck!" Pagkatapos niya akong tulungan ay mabilis siyang tumayo and he pointed his gun at the back of that man pero nahawakan ko kaagad ang kamay nito bago paman niya ito makalabit.


"Stop it, Lance!" Pigil ko.


Hindi ako sa kaniya nakatingin dahil bigla akong napayuko dahil hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong nahihilo. Umiikot ang paningin ko. Kahit ang mga damo sa aking paanan ay para bang umiikot. Nanginginig rin ang mga tuhod ko at parang nanghihina.


May naramdaman akong humahalukay sa sikmura ko at pakiramdam ko babaliktad ito anumang oras ngayon.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon