Tree
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point Of View
"You don't have to worry, ma'am. We're monitoring his condition, and as of now, he's okay. He only needs some rest because he lost too much blood. But he'll be okay soon." The doctor tapped my shoulder bago ako binigyan ng isang maliit na ngiti pero hindi nawala ang pag-aalala ko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Gusto kong matuwa sa balitang iyon pero hindi mawala ang takot ko at pag-aalala para kay Lance. Is he really okay? Will he be really okay?
Hindi ko alam dahil sa nakikita ko ngayon, alam ko na hindi siya okay. And just by thinking that this is because of me? Hindi ko makuha ang lakas ng loob para harapin siya.
This is my fault! This is all my fault.
"I know that my words are not enough to give you assurance, but we both know Dela Cruz, Miss Kim."
Kahit nanlalabo ang mga mata ay pilit kong nilingon ang doctor na nasa tabi ko. Nakatingin siya sa walang malay pa ring si Lance sa aming harapan.
"He will be okay. He is strong, and this is nothing to him. I know you know it too." Sabi pa nito at saka ako nilingon.
Nangingilid ang mga luha pero pinilit ko ang sarili na ngumiti. Of course, I know Lance. I know him very much. Kaya nga ako nag-aalala ng ganito dahil alam ko na para sa kaniya, wala lamang ito. At alam ko rin kung gaano katigas ang ulo niya. Kahit ilang beses kong sabihin na minsan, isipin niya rin ang sarili niya. Alam ko na hinding-hindi iyon mangyayari.
"Maiwan muna kita. It is better for you to stay by his side. Mas makabubuti sa kaniya na makita ka sa oras na magising siya."
Hindi ko na kayang magsalita pa dahil sa laki ng bara sa lalamunan ko kaya tumango na lamang ako. Sunod ko na lang naring ay ang pagbukas at sara ng pinto.
Nang maging tahimik ang buong paligid, doon lang lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa pag-aalala. I am worried about Lance but at least kahit papano nakahinga na ako nang maluwag hindi katulad kanina na halos ikabaliw ko nang makita ko ang lagay niya.
I tried to calm myself bago ako humakbang palapit sa kama ni Lance. Tumawag na rin ako kina Amber about this. Though things are really complicated, kaya minabuti naming huwag na lamang ipaalam ito sa iba. Mas mabuti na itong ganito para kahit papano, maiwasan naming lumaki at kumalat pa nang lalo ang balita.
Naglakad ako palapit sa pwesto ni Lance. Ingat na ingat ang mga hakbang ko dahil ayoko na maistorbo siya. I want him to rest. Gusto ko na bawiin niya ang lakas na nawala sa kaniya at para tuluyang gumaling ang kaniyang mga sugat. Pinagmasdan ko siya na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Napakabilis ng mga pangyayari. Napakaraming nangyari. Sa isang iglap, hindi ko halos masundan ang lahat. Is this supposed to be like this? Wala na ba talagang pag-asa na maging mapayapa na lang ang lahat?
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020