Chapter 30

2K 77 8
                                    

Unexpected Invitation


~~~🌸~~~


Amber's Point of View


"You don't have to worry, ma'am; you'll be fine soon. Mabuti na lang dahil nadala ka kaagad dito para matingnan ang naging sugat mo. Hindi naman naging malalim at napigil kaagad ang pagdurugo. Mabuti na lang at nalapatan kaagad ng paunang lunas ng ilang staff ng Mall. Dahil doon hindi niyo na po kailangang mag-alala." Tumango ako habang nakikinig sa babaeng doctor at ganun din naman si Barbie na matamang nakikinig habang nakaupo sa pang-isahang upuan sa tabi ng kama ko.


"Babalik na lang po ako rito mamaya para muling tingnan ang sugat mo at para ibalita kung pwede na po ba kayong umuwi." Ngumiti siya kaya ganun din ako.


Mukhang okay na rin naman ang sugat, at siguro kakayanin ko na ring umuwi mamaya. Pwede siguro akong magpahinga ng ilang oras pagkatapos noon pwede na akong umuwi.


Mabuti na lang at ganito lang ang nangyari. Hindi maipaliwanag na takot ang naramdaman ko kanina nang makita ang mga taong nagtatago sa dilim. Talagang natakot ako. Hindi ko mapigilang hindi maalala ang ilang bagay mula sa Daemon's Academy dahil parehong-pareho ang naging pakiramdam ko sa kanila mula sa nakaraan. Sana mali ang iniisip ko, sana hindi sila ang mga taong 'yon.


"Magpahinga po muna kayo. Babalik na lang ako mamaya. I'll also ask the nurse to process the papers."


"Salamat po, Doc." Matapos nitong magpaalam ay lumabas na rin ito. Kaya't nang maisara ang pinto kaming dalawa na lang muli ni Barbie ang naiwan.


Napabuntong hininga ako. Damn! I was scared. Hindi ko akalain na sa loob ng limang tahimik na taon dadating ang ganito. Hindi ko talaga ito inaasahan.


Mabuti na lang talaga at naging mabilis ang pagtakas namin kanina bago paman lumala ang sitwasyon. Kaya naman nang marating namin ang isang palapag ng Mall kung saan medyo marami na ang tao kahit papaano naramdaman ko na ligtas na kami lalo na nang salubungin kami ng ilang empleyado ng Mall. Halos nagkagulo pa sila ng makita ang lagay ko, ang kulay pulang likidong bumubuhos mula sa aking binti pero hindi ko na halos naramdaman ang sakit ng mga oras na 'yon. Dahil ang nasa isip ko na lang ay ang makarating sa isang ligtas na lugar. 'Yon lang.


"Sigurado ako na may kinalaman ang nagbigay sayo ng papel." Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano ng biglang magsalita si Barbie. Nilingon ko ito at naabutan siyang matamang nakatitig sa akin.


"Sinabi ko na sayo, Amber. Hag kang magtitiwa eh! Ayan ang nangyari sana maniwala ka na sa akin." May galit sa tono nito pero hindi ko magawang sumang-ayon. Ewan ko ba, may parte sa akin na iniisip na maaaring nasa magkaiba silang grupo. Hindi ko alam kung paano, pero iyon ang nararamdaman ko.


"Kaya sa susunod wag ka ng magtitiwal. Huwag kang basta magtitiwala sa hindi mo naman kilala."


Mas pinalalim ko ang mga titig. Alam kong nag-aalala siya sa nangyari, hindi ko siya masisisi. Pero hindi ko naman kayang isantabi ang gustong paniwalaan ng utak ko. Malakas ang hinala ko na hindi ang nagbigay sa akin ng papel ang may kagagawan nito. Hindi ko alam kung anong eksplenasyon para rito pero iyon ang gusto kong paniwalaan sa ngayon.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon