Ours
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point of View
"Amber..." Muli kong tawag sa kaniya sa likod ng maiinit na yakap dito ni Shainna.
I want to hug her too. I want to bring back the old memories... the happy memories with them. Pero ngayon, ayoko mang aminin pero alam kong hindi ganun kadali. Alam kong mahirap para sa kanilang matanggap ang lahat. But everything has its reasons. Hindi man sinasadya ang ilan pero lahat may nakahandang paliwanag. Hindi ko nga lang alam kung tatanggapin niya, o kung maniniwala sila.
Hindi man kabilang sa plano na sisihin siya ng lahat sa nangyari, wala na akong magagawa. Nangyari na ang mga dapat mangyari. Ang magagawa ko na lang siguro ay ang ayusin ang mga nagulo at linawin ang mga malabo. And I want this to end in no time. We've been in trouble for so many years. Naging miserable ang mga buhay at naging magulo ang bawat bagay. Maybe it's time for us to fix things up and put them properly where they are supposed to be. I want to go back to a peaceful life.
She looked at me, I don't know what's in me pero sa tuwing makikita at tatama sa akin ang mga mata niya kakaibang takot ang nararamdaman ko. Maybe because of the fact that I lied to them. Nagsinungaling at nagtago sa loob ng maraming taon. Hindi pa ganun katibay ang binuo kong lakas ng loob at sa tuwing sasalubungin ko ang mga mata niya lalong nadedepina sa akin ang takot.
Alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya at nauunawaan ko iyon.
I spread my arms wide. Alam kong galit siya because that is how obvious it is. She's too mad for what they knew, and I understand that. Kaya ngayon sisimulan ko nang tapusin at ayusin ang lahat. Five years is enough to be away from them.
"Amber?" I called her again, but she just stared at me like I was some kind of something she couldn't identify.
It hurts to see the wrath on her. The anger in her eyes. Kung paano niya ako tingnan gamit ito ng wala ang dating kislap. Ang dating paraan niya kung paano niya ako pagmasdan.
"I promise I'll explain everything. Sumama lang kayo para pakinggan ako. I have a lot to say. So please, nakikiusap ako. Pakinggan niyo muna ako. Please!" Punong-puno ako ng pakiusap.
I want them to know everything, but before that, I want them to hear the most important thing before we jump on to another. Hindi madali ang pinagdaanan ng lahat, and I am aware of that. Gusto ko lang simulan ang hakbang para ayusin ang mga ito.
Nakita ko ang pag-aalangan sa kaniyang mga mata. I know she's a little bit hesitant, but I gave her the assurance. Sa mga mata ko hinayaan ko siyang makita ang sincerity. I want her to trust me. Kahit na balot ng luha at kagulugan. Alam ko sa mga mata niya andon ang kagustuhan ding malaman ang lahat ng sagot sa mga naipon nilang tanong. And I am here. Kaya kong ibigay ang lahat ng sagot sa mga tanong na iyon kung hahayaan lang nila ako. Kung papayag lang sila, kung magtitiwala lang siya.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020