Benefits
~~~🌸~~~
Barbie's Point of View
"You're late!" Bungad ko kay Amber habang nanliliit ang mga mata. Sinabi niya na susunod siya kaagad pero umabot ng dalawang oras? It's 11 pm already, almost 12 midnight, actually.
"Uhm, I'm sorry. I was—
Hindi niya naituloy dahil natigil na ito at ganun din ako. Natigilan ako sa taong bigla na lang sumulpot mula sa kaniyang likuran. The man's arm snaked around her waist from behind and smiled at me.
What is the meaning of this?
"Red?" Kunot noo kong tanong.
What is he doing here?
"Sino 'yan Barbie?" Sigaw ni Kylie mula sa sala.
"Is that Amber already?"
Hindi ako sumagot. Sa halip, pinanlisikan ko ng mata ang dalawa. Lalo na si Red na nagagawa pang mangiti.
Hmm, is this the reason kung bakit siya inabot ng ganitong oras?
"Ah, Barbie—
"Nagkabalikan na kayo?" Putol ko sa kay Amber habang nakataas ang isang kilay. Naging malikot ang kaniyang mga mata at hindi kaagad nakasagot.
Well, malamang iyon nga ang dahilan dahil kung hindi, bakit narito ang kumag na ito?
"Not yet, but soon." It was Red, and he was so confident in his answer.
Ito ang sumagot habang nakangiti na tila ba walang problema mula sa nakaraan. Lalong naningkit ang mga mata ko. Nang makita niya ang ekspresyon kong iyon unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Barbie, let's talk about this some other time. Hinatid lang ako ni Red. Aalis na rin siya."
"Sino ba 'yan, Barbie? Bakit hindi mo papasukin?" Sigaw muli ni Kylie mula sa sala kasama ng iba.
Hindi ko na sila sinagot. Nilakihan ko na lang ang pagkakabukas ng pinto para sila na mismo ang makakita kung sino ang kausap ko.
"Oh!" Rinig kong komento mula kay Dorothy habang puno ng chips ang bibig.
"Ikaw pala, Red. Pasok ka!" Alok ni Kylie but Red immediately shook his head.
"Hinatid ko lang si Amber. Aalis na rin ako."
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020