Chapter 8

5.2K 230 20
                                    

It Doesn't Exist


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point Of View


Sa pagbibiruan namin ni Terrence pakiramdam ko kahit papano ay bumalik ang dating Terrence na nakilala ko. Sa wakas ay tumawa at nakausap ko na rin siya ng ganito matapos ang ilang araw at linggo na hindi niya pagpansin sa akin.


"Bilib din ako sayo. Buti nakakaya mo pang magtyaga sa ugali ng kaibigan ko?"


Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.


"Nasanay na lang siguro ako." Tumawa ako.


Minsan iniisip ko rin kung paano ko natatagalan ang ugali ni Lance. Mainitin ang ulo, hindi ko mabasa minsan ang mga desisyon niya sa buhay. I can't even read his next moves sometimes pero kahit ganun, he never failed to amazed me.


"Ganun talaga ata kapag mahal mo, Terrence. You are willing to accept lahat ng tungkol sa kaniya. You'll understand once you love someone." Tumingin ako sa kaniya ng nakangiti.


"Maiintindihan mo sa oras na umibig ka rin. Doon mo rin mapapatunayan ang sinasabi nilang kapangyarihan ng pagmamahal."


"It's too early for that, Cassiopeia." Natatawa niyang sabi.


"Too early? What do you mean?"


Nagkibit siya ng balikat, "I don't think I am ready for that. Love? Oh, come on. That's not for me."


Napangiti ako at saka ko nilingon ang ilan sa mga kasama nila na nasa gitna na ng court.


"Hindi natin masasabi kung kailan tayo magiging ready for love, Terrence. Dahil madalas, dumarating ito sa panahon na akala mo hindi ka pa handa." Tumingin ako sa kaniya.


"But you know what? Gusto kong makita kung ano ang gagawin mo sa panahon na iyon."


I know Terrence. A typical playboy who don't take relationship seriously. Hindi ko maisip kung ano ang gagawin niya kung sakaling dumating ang araw na iyon. I am excited for some reason. Gusto kong malaman kung ano ang gagawin niya para sa isang pagmamahal. I am excited to see what he can sacrifice for love.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon