Chapter 36

1.8K 98 40
                                    

Punishment

~~~🌸~~~


Barbie's Point of View


"Hindi ko alam pero habang tumatagal lalo akong namamangha sa namumuno ng Underground.


Hindi ko mapigilang hindi maikomento habang pinagmamasdan ang bawat mesa. Marami na akong nalalaman mula sa nakaraan, pati ang mga bagay na dapat ay lihim lang. Lahat ng bagay na nagbubuklod sa aming lahat inalam ko na rin, dahil masyado akong binabalot ng kuryusidad pero ang ganap para sa gabing ito? Ito ang hindi na naabot ng kaalaman ko.


Sinubukan kong alamin ang totoong laman ng imbitasyon pero hindi ko magawa. Nagkaroon ako ng isang linggo para magbayad sa lahat ng magagaling at pwede kong pagkatiwalaan sa bagay na ito pero nabigo ako. Hindi ko inakala na mahihirapan sila nang husto.


Isang simpleng imbitasyon, minaliit ko ito. Oo kahit na alam kong isa itong palaisipan minaliit ko pa rin ito. Kaya ng hindi nila magawang alamin ang mga bagay na nasa likod ng invitation, doon nabago ang pananaw ko.


Ang Underground ay mananatiling Underground. Meron at meron silang sariling paraan para pangalagaan ang anumang bagay na sakop ng kapangyarihan nila.


"Ito ang dahilan kung bakit noon paman kahit humahanga na ako ng husto sa Underground hindi ko sinubukang alamin ang malalalim na sikreto at nilalaman nito dahil alam ko kung anong klase ng lugar ito. Ito ang mundo na hindi na dapat pasukin kung wala kang sapat na lakas ng loob para tumagal hanggang dulo." Tumingin ako sakanya. Sa mga mesang nasa harapan man sya nakatingin alam kong ako ang kausap nya.


"Katulad mo Barbie curious din ako," Tumingin na rin siya sa akin kaya nagtama ang mga mata naming dalawa.


"Pero nangingibabaw sa akin ang takot. Takot na baka ang kuryosidad ko dalhin at hilahin ako sa kailaliman ng mga impormasyong maaari kong malaman tungkol sa lugar na ito. At 'yon ang ayaw kong mangyari dahil alam ko na may hihingiin itong kapalit."


Sa mga oras na ito pareho kaming walang alam at pareho kaming blangko sa mga bagay patungkol dito.


Mahirap man aminin pero ang pakiramdam ko ngayon nangangapa kami sa dilim. Walang kahit na konting ilaw para magbigay liwanag sa mga pangyayari.


Nilingon ko ang buong lugar, five years ago marami na ang nakakakilala sa Underground at maging miyembro nito kaya sila nakakapasok. Sa pamamagitan ng kanilang mga tatak at pagkakakilanlang marka pero hindi ko inakala na maaari pa lang lumubo ng ganito ang populasyon ng lugar na ito? Halos triple ang bilang ng lahat ng nandito ngayon kumpara sa mga dumadalo limang taon na ang nakakalipas.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon