Unharmed
~~~🌸~~~
Amber's Point of View
"Sinabi mo sa akin na kumpleto ka sa mga information tungkol sa kanila kung sakaling magtanong ako at kung mahanap ko na ang interest ko, hindi ba?" Halos maningkit ang mga mata ko sa kanya. Umangat ang isang kilay ko habang naka-ekis sa aking dibdib ang aking braso.
Hindi ako natutuwa sa mga sagot nya. I was hoping na hindi ito magiging mahirap para sa amin ngayon matapos kong maalala ang mga sinabi nya sa akin. That she has the information we can use. Sinabi niya na alam niya ang lahat ng tungkol sa mga nakasama namin sa loob ng Academy.
Including Artemis. But now she's telling me all these?
"That was, you know baka lang after ko sabihin 'yon bawiin mo yong sinabi mong 'I'm not interested' kaso mukhang nagkamali ako." Nag-aalangan nyang sagot na para bang nahihiya pa kaya lalo akong nag-ngitngit sa galit.
"Barbie—
"Can we just focus on what you have right now? Doon na muna tayo. Wag nating madaliin ang lahat, okay?" Kahit anong gawin nya naiinis ako sa kanya ngayon. Pinaasa lang nya ako.
"So, how about Kylie?" She asked trying to change the topic.
"May information ka na?" Dahil sa inis ko sa kanya sandali kong nakalimutan ang tungkol don. Oo nga pala!
Ipinatong ko sa mesa sa kanyang harapan ang folder na dala ko. Ito ang binigay sa akin kanina ni Jane. It contains all the names of the sponsors para sa paparating naming fashion show and Romero's Woodcrafts is one of it. And that business is under Kylie's name.
"Do you have her contact information?" She asked again, habang mariing sinusuri ang mga pangalang nakasulat sa papel.
"I have her email but that was from her work. Sinusubukan ng secretary ko na kunin ang personal email or contacts nya para mas mapadali. Baka kase hindi tayo kaagad makakuha ng agarang response mula sa kanya kung iyong sa trabaho niya ang gagamitin natin." Sagot ko habang nakaharap sa aking MacBook.
Kausap ko ngayon si Jane, ang aking sekretarya. I was asking if she already has the information I am looking.
"Siguro hintayin na lang muna natin 'yan. By the way, about Dorothy. Hindi ba't nabanggit ko na saiyo kanina?"
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020