Gunshot
~~~🌸~~~
Shainna's Point Of View
"Gosh! I told you, girls! This isn't a good idea." Erin protested habang sunod-sunod na mura ang ibinibigay sa amin.
Kanina pa siya nagrereklamo at sinasabi kung gaano kamali ang pagtakas na ginagawa namin habang abala ang halos lahat sa practice game ng iba't-ibang gang sa gym kanina kasama ang Hades at ang Zeus. But it's already done. Tapos na at ito na kami ngayon. Pabalik na sa Girls Dormitory. It's not a good idea? Yeah, we knew that, but this one is really amazing.
Hell! Yeah, amazing!
Dahil din sa nangyaring gulo kanina sa gym between Hades and Zeus nakahanap kami ng pagkakataong makatakas sa mga bantay at makapunta kay Veronica sa hospital para dalawin ang lagay niya. Hindi pa rin siya nakakalabas at kailangan pa magpahinga. Pwede namin siya dalawin during weekends, pero hindi na kami makapag-intay pa.
At dahil hindi namin napansin ang oras kanina, ngayon pa lang kami babalik. Anong oras na, at talagang madilim na ang buong paligid.
"Stop it, Erin. We did it for Veronica." Sinaway na ito ni Dorothy siguro hindi na rin mapigilan ang sarili sa kanina pang pagrereklamo ni Erin.
I was also distracted because of her at naiinis na sa mga reklamo niya but I managed to calm myself at hindi na siya patulan.
"Yeah, I know, what am I telling you girls is that we must not go back at this hour. It's too dark, too late, and you should be aware that we're in this hell. This is the most dangerous place on earth at this kind of hour."
Nag-iinit na rin ang ulo ko. Ayoko na sana siyang patulan pero simula ng umalis kami sa hospital, hindi na siya natigil. Hanggang ngayon ay walang preno ang bibig niya. Hindi nga kami mahuhuli sa pagpuslit namin palabas ng academy, pero sa ingay ng bunganga malamang hindi na ako magtataka kung isa sa mga academy guards ang makakita at makahuli sa amin.
"Alam mo ba Erin, okay lang naman talaga tayo. Pero sa tingin ko ngayon may possibility na mapahamak tayong lahat dahil dyan sa ingay ng bunganga mo. Kung mananahimik ka na lang sana at bibilisan ang paglalakad makakarating tayo agad sa dorm—
Hindi ko pa tapos ang sinasabi ng bigla akong matigilan dahil sa malakas na sigaw niya.
"Fuck! What happened!?"
Mabilis akong tumakbo palapit kay Erin lalo na at nakita ko itong bigla na lang bumagsak sa malamig na semento.
Kaagad ko siyang sinuri. Sa kanang binti niya, nakita ko ang pagdaloy ng dugo dahil sa isang maliit na klase ng patalim.
"Gosh! Erin are you—
Halos takasan ako ng sarili kong dugo ng makita ko ang mabilis na pamumutla ng kaniyang mukha at labi kasabay ng tuluyan niyang pagbagsak.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020