Chapter 50

1K 44 6
                                    

Deity and Goddess


~~~🌸~~~


Barbie's Point of View


"Asan na sila? Malapit na ba?" Tanong ko kay Kylie na kasabay ko palabas at papunta ng lobby kung asan na sila Amber, Faye at Erin na naghihintay.


Ngayong araw darating sila Yen at ngayong araw din namin binabalak na ayusin ang lahat ng plano. Mahirap na kung patatagalin pa ang ibang bagay. And since ngayon na mabubuo na kami siguro tama lang na simulan na ang lahat.


I am wearing a white long bohemian dress paired with my simple white flats. Nakalugay ang mahaba at umaalon kong buhok na abot hanggang bewang at hinayaan itong tangayin ng hangin. Agad na sumalubong sa amin ang maraming guest. Maaga pa pero nagkalat na ang maraming guest ng resort.


"Nagtext na sa akin si Erin. Narito na raw sila. Nasa baba na kaya bilisan na natin." Kylie answered.


Kinailangan naming bumalik kanina dahil pareho kaming may naiwan. Nauna na si Amber kasama si Erin at Faye para sunduin sina Yen at Dorothy. Kaya ngayon halos magmadali kami.


"Kadarating lang naman ata nila. Sabihin mo papunta na tayo." 


Agad siyang nagtipa sa kaniyang cellphone na sa tingin ko ay si Erin ang kausap.


Mabilis naming narating ang lobby at agarang tinungo ang restaurant kung asan sila naghihintay. At katulad nga nang inaasahan ko, hindi ako nagkamali. Maganda ang buong set-up ng restaurant. Lalo na at tanaw na tanaw rito ang malawak na dagat.


Sinalubong kami ng ilan sa empleyado ng lugar nang may ngiti at napaka accommodating. Nakasuot ang mga lalaki ng Hawaiian shirt at khaki shorts habang ang mga babae naman ay ang kanilang floral off shoulder top and white shorts.


Agad na bumati sa amin ang ilan sa nakasalubong. Maaliwalas at malawak ang buong lugar at hindi masakit sa mata ang mga decorations na tila pinag-aralan nang mabuti.


Isang malaking glass wall ang nasa harapan pagkapasok pati ang dalawa pang dingding sa magkabila. Nakaharap ito sa malawak na asul na dagat. May malaking chandelier sa gitna at apat pang mas maliit sa apat na sulok. Bilog at malalaki ang hindi masyadong matingkad na kulay kahel na mga mesa pati na ang mga upuan nito. Napangiti ako habang inililibot ang mga mata sa buong paligid.


Soft music plays on a piano and cello cover that adds to the peaceful ambiance of the whole place.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon