Chapter 63

736 40 2
                                    

Alive


~~~🌸~~~


Amber's Point of View


"Oh! Anong ginagawa niyo?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Barbie. Katulad nang tinutukoy niya, pare-parehong napunta sa isang grupong paparating ang mga tingin namin.


"A-ano 'yan?" Muli nitong tanong sa grupong buhat-buhat ang kanilang mesa habang papalapit. Kunot noo ko ring tiningnan ang mga ito.


"Anong ginagawa ng mga kaibigan mo?" Tanong ko kay Red.


Tumatawa ito habang pinapanood ang kalokohan ng mga kaibigan niya. Pinanood ko ang ginawa ng mga ito sa pangunguna nina Terrence, Chen, pati na si Karl.


Until now, hindi ko pa rin matandaan ang pangalan ng lahat ng kaibigan niya. Well, maybe except from Chen at Karl. Natatandaan ko silang dalawa dahil sa grupo nila ang dalawang iyon ang ilan sa pinaka maingay.


Nakangiti ang mga ito habang buhat ang malaki at bilog na mesa at inilalapit sa amin habang kasunod ang ilan sa mga kasama nila at dala naman ang mga upuan.


"What the hell are you guys doing? Get out of here!" Halos sabay na ipinagtulakan nina Yen at Dorothy ang mesang dala ng Hades pero hindi nakinig ang mga ito.


Matapos mailagay nang maayos ay magkasabay na naunang naupo sina Lance at Kenneth habang walang-imik na sinundan ng iba ignoring my friends na pilit komokontra.


Nasundan pa ang mga pagrereklamo nina Dorothy at Yen kung bakit nilipat ng mga ito ang upuan kahit nakapwesto na ang lahat at silang dalawa na lang ang nakatayo. Kulang na lang makita ang usok mula sa butas ng ilong at tainga ng dalawa sa sobrang galit.


Pinagmasdan ko ang bawat isa, some part of me remembered the things from the past. Naaalala ko na may ilang tagpo ring nagkakasama kami noon sa iisang mesa. Artemis with Hades? It's been years since that and every time there are small scenes that remind me of the past, I just feel happy. I feel like I'm going back to a time when everyone inside Daemon's Academy was happy, even though there was chaos between the gangs.


"Let's go." Ipinaghila na rin ako ni Red ng isang upuan bago pumwesto sa isa pa sa tabi ko. Pareho kaming naupo nang tahimik habang si Yen ay hindi na natapos sa katabi nitong si Chen kahit na naupo na rin.


"Lumayo ka nga! Wag ka rito sa tabi ko. Alis!" Pilit niya itong itinulak sa braso.


"Ito naman. Kung ipagtabuyan mo naman ako para naman akong aso." Ani Chen.


"Hindi ako aso, isa akong gwapo!"


Pinanood ko ang dalawa ng may mga pigil na ngiti.


Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon