Chapter 29

2.1K 87 33
                                    

Be Alert


~~~🌸~~~


Amber's Point of View


"A-alia... p-please no..." Dahan-dahan akong lumapit sa lugar niya at lumuhod sa tabi nito habang hindi mapalis ang luha sa mga mata ko.


May paraan pa... May iba pang daan para rito... Hindi lamang ito.


"Please Alia, tumayo ka..." Pilit ko siyang hinila patayo pero nagmatigas ito at nanatiling nakaluhod habang nakayuko sa harapan ni Kuya Lukas. Lumuluha at hindi alintana ang mga boses na pilit pumipigil sa mga binitawan niyang salita.


Anong iniisip niya?


Surrendering everything?


Will it change a thing?


I mean, alam ko na may iba pang paraan.


"T-there is another way," Pumipiyok kong sabi.


"You don't have to do this." Tuloy tuloy na bumuhos ang aking mga luha habang pilit siyang itinatayo.


Ngunit nagmamatigas pa rin ito. Ayaw tumayo at walang tigil na umiling kaya napayakap na lang ako dito nang mahigpit. Mula sa kaniyang likuran ay binalot ko ito ng aking braso habang nakapatong ang aking noo sa likod ng kaniyang kaliwang balikat.


Patuloy akong umiyak, habang paulit-ulit na nakikiusap na itigil at bawiin ang mga sinabi niya.


"A-alam kong kilala mo si Cassiopeia, hindi ba?" Tanong ko rito kahit na makailang beses na nabasag ang aking boses. Pero dahil sa lapit ng bibig ko mula sa kaniyang tainga alam kong nakaabot ito sa kaniyang pandinig.


"Si Cassiopeia matapang na lumalaban, sa lahat ng paraan. Kahit alam niyang mahirap lalaban pa rin sia—


"At kilala niyo rin ako, hindi ba?" Putol nito sa lintanya ko.


"Gagawin ko ang lahat. Kung si Cassiopeia matapang na lalaban sa anumang paraan, ako naman ay matapang na isusuko ang lahat." Lalo akong napaiyak.


Kilala ko siya. Sa oras na may binatawan itong salita, walang sinumang makakabali nito. Pero hindi, lalong humigpit ang yakap ko sa kanyang likod.


"Alia," Halos sabay kaming napataas ng tingin ng pareho naming marinig ang boses ni Kuya Lukas.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon