Chapter 43

1K 57 15
                                    

Apology


~~~🌸~~~


Barbie's Point of View


"There will be a beach party later. Gusto niyo bang pumunta? Mukhang masaya. Sabi nila Faye maraming dumadalo sa ganun, lalo na ngayon at maraming turista. Sigurado na halos lahat pupunta." Pare-pareho kaming abala sa pag-aayos ng mga gamit nang biglang mag-aya si Kylie.


I was on my last pair of shirts habang pareho naman sila ni Amber na nasa kalahati pa lang ang naayos.


"Kayo ang bahala." I answered habang tinatapos ang ang mga naiwan ko pang gamit sa kama.


Mukhang gusto rin naman ni Kylie. Since we're staying on the same room, kung aalis sila mas mabuti na din siguro na sumama ako.


"Beach Party? Saan naman gaganapin?" Si Amber ang nagtanong.


Ngayon pa lang nakikita ko na ang pagtutol sa tono niya. But since I have Kylie, Faye, and Erin this time kahit ilang pagtanggi siguro ang gawin niya wala na siyang magagawa.


Abala din ito sa paglalagay sa kabinet ng mga inayos nyang damit mula sa malaking bag.


"Malapit lang dito." Kibit balikat na sagot ni Kylie.


"Basta mukhang masaya. May bonfire, alcohol, party and all. Balita ko may banda rin."


"Wow! Hindi ko palalampasin 'yan. Kailangan nating pumunta." Mabilis kong sagot


Hindi ko matandaan kung kailan ang huling party na napuntahan ko na may dagat at malayo sa toxic na mundo ng Manila. So we should really enjoy every bit of this sudden vacation.


Isa pa kanina manghang-mangha na ako sa buong lugar at gusto na maranasan ang lahat ng bagay na mai-o-offer ng lugar na ito. Para naman bago kami bumalik ng Manila masasabi ko na naging sulit ang lahat kahit na minsan lang ito kung mangyari.


"Barbie, can we just rest for the night?"


Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Nagsisimula na namang komontra si Amber kaya pinanlisikan ko ito ng mga mata.


"I mean, the flight was so tiring. Nakakapagod kaya."

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon