Chapter 48

990 52 6
                                    

Lucky


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"A-ahm," Nagkabuhol-buhol ang dila ko.


Hindi ako makapagsalita nang maayos. Tiningnan ko sila isa-isa dahil wala ring nakapagsalita sinuman sa mga ito. I never thought that all of my plans will be ruined this easily. Hindi pa ako lubos na nakakabawi mula sa mga biglaang naganap nitong mga nakaraan, ngayon na nasa harapan ko na ang buong Hades, lalo akong naipit sa sitwasyon.


Akala ko pagkain ang dumating. But what are they doing here? Hindi ba at parang napaka-aga naman ata nang pagdalaw nila kay Lance?


Pero sa likod ng mga kaibigan ni Lance, nakita ko ang isang crew na may dalang mga pagkain.


"Order for Miss Ylyanna Feliciana po?" Tanong nang bagong dating.


Naka-uniporme na may pagkakakilanlan bilang empleyado ng resort. Sa kulay puti nitong suot na polo, may marka at pangalan na Aireen Beach Resort sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.


Mukhang pangalan din niya ang ginamit ni Ylyanna para dito at nang hindi ako makilala. Pero para saan pa? Kung ang ilan sa mga pinagtataguan ko ay nandito na ngayon sa harapan ko? This is nonsense.


"Ah, yes! Pakipasok na lang." Sabi ko rito kahit na medyo balisa at hindi makapag-isip nang maayos ang utak.


Binigyan naman ito ng daan ng mga kaibigan ni Lance kaya malaya itong nakapasok sa loob dala ang mga pagkain. Sinamahan ko ito hanggang sa loob papunta sa maliit na dining area para mailagay nang maayos ang mga pagkain. Bayad na at naayos na ni Ylyanna ang lahat kaya hindi na rin ito nagtagal at umalis din.


Hinatid ko ito muli sa pinto pero nakita kong wala na doon ang buong miyembro ng Hades. Nasa sala na ang mga ito ngayon at tahimik na nakaupo at mga mata lang ang gumagalaw habang pinapanood ang galaw ng isa't-isa.


I even saw Lance glanced at my side at iginaya akong lumapit at iyon nga ang ginawa ko. Lumapit ako rito,


"Ahm, kumain na ba kayo? Gusto niyo bang dito na lang mag-agahan—


"No, babe. Aalis din sila." Mabilis na putol sa akin ni Lance kaya agad akong napatingin dito.


"T-they can stay if they are—


"Aalis na kayo, hindi ba?" Tumingin ito sa mga kaibigan. Nagtinginan ang mga ito na para bang naguguluhan. Kaya palihim ko itong kinurot sa tagiliran.


"Ano ba!" Bulong ko rito.


Alam ko na maraming tanong na tumatakbo sa utak ng mga kaibigan niya. Pero dala nang gulat ay hindi na makapagsalita ang mga ito.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon