Chapter 38

960 51 21
                                    

Last name


~~~🌸~~~


Amber's Point of View


"Ms. Hermosa," Tawag sa akin ng sekretarya ko.


"Ito na po ang list na hiningi nyo sa akin kanina. It contains the names of the sponsors for the upcoming event." She smiled after handling me the list I asked.


"Kumpleto na ba ito?" Tanong ko habang tinitingnan ang mga pangalan na nasa papel. There are twenty sponsors for this month's event since this is a charity event na talagang active ang ilan sa mga malalaking company. Ngayong araw, twenty na ang confirmed maliban sa nauna nyang ibinigay sa akin.


"Napakarami ata ngayong taon? Is it real? We have like double numbers compared to last year." Hindi ko makapaniwalang tanong habang tinitiningnan ang listahan ng mga pangalan.


"Yes ma'am. Actually na-contact ko na rin po sila. May iba pong hindi makaka-attend sa mismong fashion show but some of them will send their representatives para humarap."


I nodded habang binabasa isa-isa ang mga pangalan na nakalagay sa papel. Hmm, they are all from big companies. Mukhang kailangan talagang paghandaan ang lahat.


"Isa po si Ms. Kylie Romero sa hindi siguradong makaka-attend for some reasons, and—


"Wait! Who?" Natigilan ako.


Did she say Kylie Romero?


"Si Ms. Kylie Romero po. She's one of the sponsors from Romero Woodcrafts and now currently in Spain base sa email na ipinadala nila two days ago."


Hindi ko makuha ang tamang reaction but I was speechless.


Shit! Another way of destiny?


"Tapos na ang meeting, can you cancel all my remaining appointments for today? I have an important matter." Utos ko sa at saka ko mabilis na inayos ang mga gamit ko sa aking mesa.


I need to see Barbie for this. Kailangan nya itong malaman. I have Kylie now.


"Okay ma'am but how about your check up po? Hindi po ba at nagpa-schedule kayo, para mamayang 1pm? And papunta na rin po dito ang lawyer nyo na pinapunta nyo kanina and also your accountant po tumawag na rin para sa gusto nyong ipatransfer na pera sa account ni Mr. Valderama. Wala pa rin daw po ang exact amount na gusto nyong ipalipat." Bigla akong napatigil.


Oo nga pala, bakit ko nakalimutan ang napakaraming bagay na inutos ko sa kanya kanina? But this is more important. I need to see Barbie for this.


"Cancel my appointment to Doctora Sylvia, pakisabi asemia na may emergency lang na nangyari. Siguro bukas o sa susunod na araw na lang ako pupunta sa kanya. Hindi naman naging malala ang aksidente kanina. Okay lang ako." Utos ko bago nagpatuloy.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon