Fun
~~~🌸~~~
Eya's Point Of View
"What the hell is this?" Halos mag-isang linya ang mga kilay ko ng mapatanong kay Shainna ng makita ko sa bulletin board sa gitna ng hallway ang mga papel na nakasabit dito na kanina pang pinagkakaguluhan ng maraming estudyante.
Napadaan lang kami at na-curious dahil sa dami ng nagkakagulo. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang makikita.
"New sections for everyone, I guess?" She answered while shrugging her shoulders.
New Sections? Anong new sections ang pinagsasabi niya?
Lumapit pa ako sa mga papel na nakasabit pero dahil sa dami ng estudyanteng nag-uunahan hirap ko ito makita ng malinaw. Napaka-ingay nilang lahat. Nag-uunahan para makita ang mga nakasulat at ang iba pa ay ilang beses na akong nasiko at naitulak.
At dahil wala sa mood ngayong umaga, nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago tiim bagang sinigawan ang lahat.
"Alis!"
Maiksi ang pasensya ko. At wala akong pakialam kung gaano kapangit ang imahe ko sa eskwelahang ito. It doesn't matter! Wala akong pakialam sa iisipin nilang lahat. If I have the option to make everything easy, kahit sa anong paraan ay gagawin ko iyon. Kaya naman parang isang pitik lang at nawala kaagad lahat ng nakaharang sa harapan ko.
Lahat sila ay tumabi, binigyan ako ng daan at walang naglakas loob na muling humarang. Napairap ako sa kawalan at tiningnan ng isa pa ang ilang estudyante na nakaharang sa harapan ko kanina. Pasalamat sila at hindi ko na matandaan kung sino sa kanila ang sumiko at tumulak sa akin kanina. Kung nakita ko lang at natandaan, sisiguraduhin ko na makakaganti ako.
But maybe they should still be thankful. Dahil kahit papano ay may natitira pang pasensya sa loob ko kahit na kasing-nipis na iyon ng pisi. Dahil kung hindi, baka hindi ko lang sila sinigawan at basta na lang hinila at tinulak paalis sa harapan ko.
Magpasalamat din sila dahil ayaw ni Cassiopeia ng gulo, lalo na kung sangkot ang mga normal na estudyante na kagaya nila. They are annoying. But I still respect the rule of the group.
Naglakad ako palapit sa mga papel na nakasabit at doon halos maningkit ang mga mata ko. I greeted my teeth and cursed all the demons who are involved in this shit!
"I told yah!" Si Shainna na nasa likod ko at nakatingin din sa mga papel.
"Not that bad. The new line up was fine with me." Dagdag pa niya na lalong ikinatangis ng mga bagang ko.
The fuck with this shit? Anong kalokohan naman ito? At kung okay sa kaniya, puwes sa akin hindi!
"Not with me." May diin sa mga salita ko.
Who the fucking hell made this? Dahil hindi na sila nakakatuwa.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020