Pink Ribbon
~~~🌸~~~
Amber's Point of View
"Asan ka? Magkita tayo ngayon." Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kung ano ang na saking harapan. Titig na titig ako rito habang kausap ko si Barbie sa kabilang linya. Hindi ko na kailangang magtanong dahil sigurado ako na pareho kami ng natanggap. Sa tono palang ng boses nya kanina mukhang hindi rin ito handa sa kung ano ang natanggap nya.
An Unexpected Invitation?
Halso hindi ko maaalis ang tingin sa message na natanggap ko. Hindi ako makapaniwala na meron pa rin nito makalipas ang ilang taon.
"I'll go to your place." Ako na ang nagpresenta.
Alas sais pa lang ng gabi at madalas alas-otso siya nagsasara ng kanyang café. Ayoko namang siya pa ang papuntahin dito dahil alam kong buong araw na siyang wala sa sa Café niya.
Narinig kong kokontra pa sana ito kaya hindi ko na ito hinayaan. Mabilis kong pinatay ang tawag. Nagmamadali kong tinungo ang closet at kumuha ng isang simpleng white short at isang itim na t-shirt, iyon ang unang damit na nakuha ko. Hindi ko na nakuha pang mag-ayos dahil kailangan ko nang magmadali.
Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan ko. At habang nagmamadali palabas, nararamdaman ko pa rin ang kirot sa hita pero hindi ko na iyon mapagtuonan pa ng pansin dahil sa pagmamadali.
What we received is an invitation. Hindi ko masabi kung tulad ba ito noon. Ilang taong naging tahimik ang Underground, or at least that is what we know. Wala kaming ibang narinig na balita. Ang huli ay ang pagsasara ng Daemon's Academy. Pagkatapos noon at tila ba naputol na doon lahat ng koneksyon namin sa Underground. Kaya ang nakatanggap ng isang imbitasyon ay nakakagulat.
Isang panibagong imbitasyon para sa isang Death Race? Para saan?
Wala na ang Daemon's Academy at naging matahimik na rin ang Underground kaya para saan ang panibagong imbitasyon?
Masama ang kutob ko para dito.
Nang makalabas ay mabilis kong tinungo ang elevator. Dala nang pagmamadali at paglakad-takbo ko ay muli kong naramdaman ang konting hapdi mula sa nakabenda kong hita.
Shit!
Dahil sa pagmamadali, ilang minuto lang ay narating ko rin ang basement ng building. Sa malapit lang din nakapark ang sasakyan ko kaya hindi ito naging mahirap para sa akin na hanapin.
Agad kong binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar ito palabas nang tumunog ang cellphone ko. Someone's calling. Sa pag-aakala kong si Barbie ito ay kaagad ko itong kinuha pero isang unregistered number ang bumungad sa akin. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romansa- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020