Chapter 47

1.1K 62 9
                                    

Cook


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


It was like I was living in my own version of paradise. Walang ibang iniisip, walang pangamba, walang inaalala. Everything is perfect. Everything was placed in its proper place. Kaya kahit kanina pa ako gising, hindi ko magawang bumangon dahil sa napakagandang tanawing nasa aking harapan.


Ang anak naming si Rhyzen na nasa gitna at si Lance na nasa kabilang gilid nito. Kahit na natutulog, hindi ko maiwasang hindi mainggit dahil sobra silang magkamukha. I can't help myself but to trace every part of their faces.


Ngayon pa lang natatakot na ako para sa anak ko. Paano na lang kapag naging katulad siya ng kanyang ama? Habulin ng mga babae? Dahil hindi ko ikakaila na napaka-amo at gwapo ng mukha nito. Manang-mana kay Lance.


Kaya sisikapin ko rin na manatili ang maamo nitong mukha sa panlabas hanggang sa panloob. Hindi nya pwedeng mamana ang ugali ng daddy niya. Natawa ako nang mahina sa mga iniisip.


Tiningnan ko ang oras sa maliit na orasan na nakapatong sa mesa malapit sa akin. It is already 7:30 in the morning. Siguradong mataas na ang araw sa labas pero ang dalawang ito mukhang nagpapaligsahan pa ata sa patagalan ng tulog.


Sigurado ako na magugutom sila nang sobra pagkagising dahil masyado ng tanghali para sa magiging agahan. Kaya maingat at dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Lance na nakadikit sa bewang ko. Buong gabi yakap niya kaming dalawa ni Rhyzen dahil hanggang sa bago pumikit ang mata naming dalawa matapos naming bumalik dito, paulit-ulit nyang sinasabi sa akin na dapat daw paggising nya nandito pa rin kami sa tabi niya.


Hindi ko maintindihan pero bigla akong napangiti nang maalala ang mga sinabi niya pati na ang ginawa namin.


Oh, gosh! Marahas kong ipinilig ang ulo. Ang aga-aga, Cassiopeia! Bakit ko inaalala 'yon?


Pero hindi ko maintindihan ang naramdaman ko kagabi habang naririnig siyang sinasabi ang mga 'yon. Nandon ang sakit at trauma sa tono ng boses niya. Ganun nga siguro kasakit ang naging epekto sa kanya ng pag-alis ko noon. Kaya bago rin ako pumikit, makailang ulit kong sinigurado sa kanya na hinding-hindi na ako aalis. Hinding-hindi kami aalis ni Rhyzen. Andito lang kami hanggang sa paggising nya.


Bahagya syang gumalaw nang tuluyan kong maalis ang kanyang kamay. Mabuti na lang at hindi naman siya nagising. Nanatiling payapa ang kanyang mukha habang mahimbing na natutulog. Malalim ang mga paghinga.


Maingat at dahan-dahan din akong bumaba sa malambot na kama. Dumiretsyo ako sa labas ng kwarto habang kinokontak si Ylyanna sa kabilang linya ng aking cellphone. Hindi ko alam kung paano sila hahandaan ng agahan, siguro magpapadala na lang ako ng pagkain dito.


Kaya nang sinagot ni Ylyanna ang tawag, hindi paman lang ako nakakabati pinaulanan na ako nito nang sari-saring tanong.


"Cass! Oh my God! What are you doing there? Bakit hindi raw kayo bumalik ni Rhyzen kagabi? Anong nangyari? Are you two okay? Kasama niyo ba si Lance? Are you in his cabin? Is he with you? What happened? Is Rhyzen okay? Are you—

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon