Chapter 24

3.2K 104 8
                                    

Engagement


~~~🌸~~~


Amber's Point Of View


"Asan ka na? Anong oras na? Bakit hindi ka nagsabi sa amin kanina? Sinamahan ka na lang sana namin."


Hindi ko alam kung paano siya pipigilan pero dahil sa sunod-sunod na mga tanong mula sa kabilang linya nawalan na ako ng pagkakataon para magsalita. She sounds like my mom, damn it!


Tiningnan ko ang wristwatch ko. It's 7:18 pm at masyado na ngang madilim ang paligid. Wala na ring nagkalat na estudyante sa bawat hallway. Napakatahimik na.


"Ano ka ba, Barbie, ayos lang ako. Pabalik na ako ng dorm." Ginawa kong kalmado ang boses para hindi na siya mag-alala. Kinailangan kong bumalik sa huling klase kung asan kami kanina dahil sa ilang gamit na naiwan ko.


Dahil sa mga bagong balita na nalaman namin kanina, halos nawala na sa isip ko ang ilang bagay kaya pati ang mga gamit ko naiwan ko.


"Fine! Bilisan mo na. Nag-aalala lang kami. Anong oras na, alam mo naman ang panganib hindi ba? Bilisan mo hihintayin ka namin dito sa baba ng White Building. Bilisan mo lang wag mo na rin papatayin itong call, gusto kitang kausap habang papunta ka rito. Mabuti nang nakakasiguro."


Natatawa man, pero hindi na ako komontra. Alam ko na nag-aalala lang sila. Nagmadali na rin ako dahil marami pa kaming kailangang gawin at pag-usapan para sa mga bago naming nalaman. The invitation. It was just a piece of paper, but it shakes our whole world. Nabanggit ni Sarah kanina na may nakuha silang konting information na pwedeng maging daan para malaman din namin kung asan si Cassiopeia.


Isang estudyante ang nagturo kaya't diko maiwasang hindi matuwa sa balitang iyon. Sa wakas, magkakaroon na kami kahit konting lead sa kinaroroonan niya.


"San banda ka na ba? Soccer field? Malapit ka na ba rito sa White Building?" Muli niyang tanong kaya lumingon ako sa paligid para masiguro kung asan na nga ba ako.


"Pababa na ako ng first floor. Andito pa ako sa Silver Building." Sagot ko.


Nagmadali na ako sa paglalakad. Halos lakad-takbo na rin ang ginagawa ko. Wala ng tao maliban sa akin. Mabilis kong narating ang first floor habang nagsasalita pa rin si Barbie sa kabilang linya pero tingin ko sina Faye ang kausap niya dahil naririnig ko ang mga boses nito.


Ngunit paliko na sana ako sa isang corridor patungo ng main entrance ng building para makalabas ng isang poniard ang tumarak sa pagitan ng tiles na nasa paanan ko. Kung humakbang pa ako ng isa siguradong sa paa ko ito tumama.


Napahinto ako at tumingin sa paligid. Mabilis akong naging alerto. Wala akong makitang tao pero ramdam at dinig ko ang mga mahihinang kaluskos mula sa madilim na parte. Nakaramdam ako kaagad ng kaba pero hindi ako nag pahalata. Nagpatuloy ako sa paglalakad na para bang walang nangyari habang naririnig pa rin sa kabilang linya ang boses ni Barbie.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon