I love you...
~~~🌸~~~
Amber's Point of View
"Amber!" Narinig kong tawag ni Barbie mula sa likuran. Hindi ko mapigil pero natulala ako sa lugar kung asan ang Hades at ang mga miyembro ng Zeus. Hindi man nag-aaway pero nagsisimula ng magkainitan ang mga ito.
Simula pa lang ganito na, paano pa kaya kung mas tumagal pa sila sa iisang lugar? Hindi na ako magtataka kung bukas na bukas din makikita ko sila sa Headline ng bawat dyaryo.
"Amber!" Muli nyang tawag bago ko maramdaman ang presensya nya sa tabi ko.
"Barbie, si Pip..." Mahina lang ang boses ko.
"Do you want me to call him?" Pagpepresinta nya pero mabilis akong napailing at malungkot na napangiti.
Five years ago, nang maghiwalay kami ni Red, si Pip ang madalas kong nakasama. Naging mabait siya sa akin. Naging karamay. He then, confessed pero hindi ko nagawang suklian ang nararamdaman niya.
I love Pip as a friend at ayoko siya na saktan kaya umiwas na lang ako pagkatapos noon at hindi ko alam na masasaktan ko rin pala siya sa kahit na anong paraan at akala ko'y makakatulong.
"Alam mo sayang. Bagay sana kayo ni Pip." Biro niya kaya masama ko itong tiningnan.
"I'm just joking!" Tumatawa nitong sabi.
"And besides, I know Destiny will make us a way para ayusin ang mga naiwang bagay sa nakaraan. I trust Destiny's timing because for me it's always perfect. Malay mo kayo talaga ang para sa isa't-isa?" Hirit pa niya.
"Why? You believe in him now? Kay Destiny?" May pang-aasar sa tono ko lalo na nang makita ko na lalo pang nalukot ang mukha nya.
"Is he a boy by the way?" Huminto ito sa paglalakad at nilingon ako nang magkasalubong ang kilay.
So what if he is?
"I don't know Barbie. But it doesn't matter if he's a he or she. I am asking you if you still don't believe in him."
"Then give me a reason why I should believe in him, Amber." Nanghahamon ang tono nito.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)
Romance- WAG MONG BABASAHIN!!! Read Daemon's Academy |. (School Of Devils) FIRST! :D ~~~~~~♥♥♥~~~~~~ Date Started: February 26, 2018 Date Finished: July 30, 2020