Chapter 26

3.6K 121 79
                                    

Brother


~~~🌸~~~


Alia's Point Of View


"Wag Eya. Huwag! Dahil hindi mo magugustuhan ang isasagot ko." Hindi ko alam kung paano pero buong -buo ang kinalabasan ng boses ko.


Buong tapang ang naging sagot ko rito at nagawa ko pang salubungin ang madilim na tingin ni Eya. Hindi ko man gustong humantong sa ganito pero dahil sa inaasal nila, sila na mismo ang nagtutulak sa akin. Hindi na kami mga bata, but this is not right. This is not how you solve a problem.


Everything can solve silently, lahat pwedeng mapag-usapan nang mahinahon at mapayapa. Hindi iyong idadaan parati sa dahas at init ng ulo. 


"Fuck! Just fuck! I can't believe it!" Sigaw niya kasama ng matinding galit.


Tama siya, I know them. Matagal kaming nagkasama noon kaya alam ko kung paano tumakbo ang mga utak nila at sa tingin ko ay hindi pa rin iyon nagbabago. Sa tuwing gagawa sila ng desisyon, they will stick with it anuman ang mangyari. Kaya alam ko na hindi ganun kadali para bawiin o kumbinsihin sila sa mga oras na ito.


"I knew it! I knew your answers already. Pero hindi ko pa rin inaasahan na maririnig iyon sayo. Ngayon hindi ko masabi kung ikaw pa rin ba talaga si Alia." 


"I am still the same Alia, Eya." Sinubukan kong lumapit sa kaniya pero umatras ito kaya wala akong nagawa kung hindi ang mapahinto. Tumingin ako sa kanila.


"I am the same Alia. It's just that, I know that this is not the right solution. Ano bang gusto niyong mangyari? Building Athena's back? Lumayo at humiwalay sa grupo? Dahil ano? Dahil lang hindi tayo pare-pareho ng desisyon? Hindi na tayo mga bata!" Nakikiusap akong tumingin sa kanila.


"Hindi na kayo mga bata so why are you doing this and deciding, like a five-year-old kid? Ano ba?!"


"We are just doing what we think is right, Alia!"


"And what is that? What is it, Eya? Aalis kayo sa grupo dahil lang sa hindi pagkakapareho ng gusto at desisyon ang bawat isa? Na sa halip na pag-usapan, pagtiwalag ang naiisip niyong paraan? Anong klase 'yon?"


"Dahil wala tayong pinupuntahan, Alia! Hindi mo ba nakikita?" Marahas niyang binitawan iyong lalaki at lumapit sa akin.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon