Chapter 1

8K 267 24
                                    

Substitute Teachers


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point Of View


"Cassie, are you sure na hindi mo sila kilala? Isipin mo. Alalahanin mo. Try to remember. Sa Korea ba? Baka doon mo sila nakita at doon mo sila nakilala."


Huminto ako at nilingon sila, "Amber stop! Hindi ko nga sila kilala kaya pwede ba? Tigilan nyo 'ko."


Sumasakit na ang tainga ko sa mga katatanong nila ng paulit-ulit mula pa kanina kung kilala ko raw ba ang mga substitute teachers na iyon eh hindi nga. I already told them so many times pero wala silang tigil sa kakatanong at pilit akong pinapaamin sa bagay na wala akong alam.


Ngayon ko lang sila nakita at hindi ko matandaang nagkakilala na kami o nagkita before. Kahit anong gawin ko na pag-iisip ay wala talaga. Hindi ko maalala na nagkita na kami. Na magkakilala kami.


"What are you all doing here?" Pare-pareho kaming natigilan.


"Tapos na ang pagpapakilala kanina pa. You should be on your rooms at this hour." Kahit ako ay nagulat dahil sa biglang nagsalita sa madilim na parte.


I was too busy thinking about those people. Iniisip ko pa kung saan ko ba nakita ang mga iyon pero hindi ko talaga maalala. Isa pa iyong apat lamang ang nakilala namin dahil bago makapagpakilala iyong huling babae, kinailangan naming lumabas ng mga kaibigan ko dahil sa tawag ni Jhorie. Ang sabi niya may nakita siyang kakaiba na umaaligid sa lugar. Sinabi niya rin na hindi iyon kabilang sa ilang gang sa loob ng Academy. At pagbalik namin sa loob, tapos na silang lahat.


Walang nakapagsalita at lahat natigilan. Hindi ko rin kaagad nakilala ang boses kaya nanliit ang mga mata ko at pilit na inaninag sa dilim ang mukha ng nagsalita.


"S-sir Makkie?" Nauutal na banggit ni Barbie ng makilala ang lalaki ng humakbang ito palayo sa dilim.


Siya rin ang unang pumansin dito habang garagal pa ang boses. Kitang-kita ko rin kung paano kumislap ang mga mata niya habang nakatingin sa matipunong lalaki na nasa harapan namin. Mukhang gusto niya talaga ito.


"Pasensya na sir, paalis na rin po kami. Naisipan lang namin mag pahangin ng konti. Halika na girls—


Paalis na sana kami matapos magpaalam ni Amber nang bigla na lamang akong hilahin ni Sir Makkie palapit sa kaniya.


"Cassiopeia!!" Hindi ko alam kung paano niya nagawa 'yon pero sobrang bilis ng kaniyang naging kilos at nagawa niya akong mayakap at maiiwas sa isang kutsilyong lumipad mula sa kung saan.


Halos mapamura ako ng ilang ulit. Doon din naging alerto ang lahat. Lahat kami ay nagulat at hindi iyon inaasahan. Kung hindi rin ako nahila ni Sir Makkie, sigurado akong sa akin tumama ang kutsilyong iyon.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon