Chapter 51

858 46 13
                                    

Beautiful

~~~🌸~~~


Barbie's Point of View


Everything seems perfect. Kumpleto kami at nasa iisang lugar. Isang mala-paraiso at payapang Isla. Maliban kay Cassiopeia maituturing na perpekto ang lahat kung wala lang sanang alitan. Kung wala lang sanang galit at tampo sa isa't-isa.


Kung wala lang sanang sisihang nangyari masarap sanang isipin at ipagdiwang ang lahat. Pero dahil sa mga tagpong nangyari noong nakaraang linggo lang, hindi ko lubos magawang magsaya. Hindi ko magawang tumakbo palapit sa kanila para yakapin ang mga ito isa-isa dahil katulad nang naramdaman namin noon ni Amber, natatakot ako na baka ipagtulukan nila kaming muli.


Ituring na hindi kakilala? Ituring na parang ibang tao? Ituring na parang hindi kaibigan? Hindi ko iyon kaya. Pero siguro nga hindi kami pare-pareho nang nararamdaman. Kung ako kaya kong pigilin ang sarili hindi ang iba, hindi si Amber.


"A-alia!"


Kaya habang gulat pa kaming lahat, nakatulala at pinapanood ang mga ito palapit nang gumalaw ang upuan ni Amber. Tumayo ito habang titig na titig sa papalapit na grupo.


Hindi rin siya nakontento. Hindi sapat ang maghintay dahil lumakad at lumapit pa ito at sinalubong sina Alia pati na ang buong Athena na papalapit.


I even saw Alia's eyes landed on me, pero mabilis lang dahil inilibot din nito sa aming lahat. Sa lahat ng nasa mesa hanggang mapunta ito pabalik kay Amber na ngayon ay nakatayo at hinihintay ang paglapit nila.


"A-alia—


Pero nang sinubukan niyang hawakan si Alia mabilis na pumagitna sina Skyblu at Sarah para pigilan ito. Seryoso at matalim ang mga mata na may kasamang pagbabanta kaya halos manliit ang mga mata ko habang pinapanood ang mga galaw nila.


What are they doing? I gritted my teeth.


Hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari. Kung galit man sila then we will accept that. Pero huwag nila kaming pigilang lapitan si Alia. Kahit si Alia na lang. Tatanggapin namin ang galit nila pero ang ipagkait samin si Alia ay sobra na.


She's also our friend.


Nilingon ko silang lahat. I even tried to look for Alia but because Skyblu's blocking my sight hindi ko ito magawang makita ng mas malaya.


They are all fierce. Seryoso na tila ba hindi kami ang mga kaibigang nakasama nila noon. Hindi man nila kami itinuturing sa ngayon na kaibigan but the years and moments that we were all together five years ago should be enough para kahit papano hindi ganito kalamig ang maging pakikitungo nila.


We did not do anything. Siguro maliban sa hindi namin pagkakaunawaan at hindi kami magkasundo noon sa ilang bagay. But that was normal, sa mga magkakaibigan. Para humantong sa ganito? That's too much.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon