Chapter 15

4.4K 179 12
                                    

Cronus


~~~🌸~~~


Veronica's Point Of View


"NO!" Isang nakakakilabot na sigaw ang lumukob sa akin.


"VERONICA!!!"


Boses ng isang babae.


"NO!!!!!" And she sounds so familiar.


Sino siya? Bakit niya ako tinatawag?


"Let's kill her. Nakilala niya tayo. Patayin na natin yan!"


Ngayon naman boses ng isang lalaki. Nawala ang babaeng sumisigaw. Nawala na ang boses niyang nakakakilabot.


"Si Cassiopeia! Siya ang dapat na mamatay. Siya ang kailangan nating patayin"


"Hindi pa pwede. Bago natin siya mapatay kailangan muna nating makuha ang susi!"


Sino ba sila? Bakit napakarami kong boses na naririnig? At si Cassie? Anong binabalak nila? Anong gagawin nila? Are they going to hurt my friend? No! Hindi ako makakapayag!


"Hindi natin magagawa 'yon. Wala sa kaniya ang susi."


"Anong ibig mong sabihin? Paanong wala sa kaniya? Hindi ba't siya ang may hawak noon?"


Susi? Anong susi? Ano ba talagang kailangan nila? Bakit hindi ko sila makita?


"Ang Shaitan? Ang Jinni? Paano sila? Hindi ba sila madadamay dito? Cassiopeia is one of the most important people on Shaitan and she also plays an important role in one of Jinni's. Anong gagawin natin? Hindi ito magiging madali."


"Hindi talaga magiging madali kung siya ang uunahin natin."


Sobrang dilim. Napakadilim. Kaya kahit anong pilit kong subukang makita ang mga nagsasalita, hindi ko magawa.


Asan ba ako? Bakit hindi ko sila makita? Bakit puro boses lang ang naririnig ko?


"Anong ibig mong sabihin? Anong pina-plano mo?"


Hindi ako sigurado pero ang alam ko, pamilyar sa akin ang mga boses na iyon.


"Iisa-isahin natin sila. At sisimulan natin sa mga kaibigan niya."


Kasunod noon ay ang sunod-sunod na pagsabog.


Oh no! I can't breath! I can't breath!


Hinabol ko ang hininga ko. I inhaled and exhaled deeply nang sunod-sunod pero pakiramdam ko hindi umaabot sa baga ko ang hangin.

Daemon's Academy ⅠⅠ. (Trapped In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon